Paano bumuo ng baby girl? Alamin ang mga tips dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tips kung paano bumuo ng baby girl
- May kinalaman ba ang araw ng pagtatalik sa magiging gender ng baby?
Para sa mga magulang na nagsisimula ng pamilya, mayroon ka bang kasarian na gusto para sa iyong magiging baby? Gusto mo ba ng baby boy o baby girl?
Pero posible nga bang makapamili ng gender ng iyong magiging anak? Mayroon bang mga paraan upang tumaas ang tsansa na makagawa ng babae o lalaki?
Paano makapamili ng kasarian ng baby
-
Pre-Implantation Genetic Diagnosis
Ayon sa mga eksperto, mayroon. Posible ang natural na pagpili ng kasarian ng baby. Ang Pre-Implantation Genetic Diagnosis (PGD) ay kinikilalang gold standard para sa sex selection, lalo na sa mga nagtataka kung paano bumuo ng baby girl. Ayon sa
May pagkakahalintulad ito sa in-vitro fertilisation (IVF), ang pagtanggal ng isang cell mula sa mga embryos. At ang pagsuri sa chromosomes at DNA tatlong araw matapos ang fertilization. Maari mong malaman kung ano ang magiging kasarian ng iyong ipagbubuntis.
Ayon sa website na Genetic Alliance UK, ang paraan raw na ito ay 98 hanggang 99 percent na epektibo upang makapamili ang mag-asaw
Subalit ang paraang ito ay hindi isinasagawa sa Pilipinas. Kaya naman kailangan pang pumunta sa ibang bansa kung gusto mong subukan ito. Sa bansang Singapore, ang PGD ay pinapayagan lang na sumailalim sa PGD ay kung may medikal na rason, tulad ng pag-iwas sa mga congenital abnormalities.
Samantala, sa mga bansang US o Russia, ang PGD ay legal at kinikilala, ngunit maging handang gumastos ng malaki.
Kung wala ka namang sapat na kakayahan at pera para magsagawa ng PGD. Mayroon pa rin namang ibang pinaniniwalaang paraan upang tumaas ang tsansa na makagawa ng iyong preferred gender. Subalit dapat alalahanin na hindi pa ito napapatunayan ng siyensiya.
-
Sperm sorting (Shettles Method)
Bago magpunta sa detalye, mahalagang maintindihan ang batayan sa pagpili ng kasarian. Ang sperm ng lalaki ay nagdadala ng dalawang uri ng chromosomes, X at Y. Ang sperm na may Y chromosome na nagdudulot ng lalaking anak, ay maliit at madaling mamatay, ngunit mabilis lumangoy.
Samantala, ang mga sperm na may X chromosome na nagdudulot ng babaeng anak, ay mas malalaki at matitibay, ngunit mas mabagal lumangoy. Samakatuwid, ang male sperms ay magmamadali pumunta sa egg kumpara sa female sperm, ngunit mas maikli ang life span nito.
Ang mga paraan upang mamili kung aling sperm ang makakarating sa egg cell ng babae ay tinatawag na Shettles Method. Ayon ito kay Dr. Landrum Shettles, may-akda ng best-selling na librong “How to Choose the Sex of Your Baby.” Aniya, mayroong mga paraang pwedeng gawin para mapataas ang posibilidad na makagawa ng baby sa gender na iyong gusto.
Ang sino mang sumusubok magka-anak ay alam ang kanilang ovulation cycle. Mahalaga kasi ang impormasyong ito para mapataas ang tsansa na makabuo. Habang isinasang-alang-alang ang nature ng X at Y chromosomes, dapat ay magtalik ang mag-asawa o magpartner sa tamang oras para sa gender na gusto nila.
Shettles Method: Ang paraan kung paano bumuo ng baby girl
Para mapataas ang posibilidad na makabuo ng baby na babae, inirerekomenda ng mga eksperto na magtalik ang mag-asawa ng mas maaga sa menstrual cycle at iwasang magtalik bago at pagkatapos ng ovulation ng babae.
Ibig-sabihin nito ay dapat silang magsex sa mga araw pagkatapos ng menstruation ni misis at mag-abstain o umiwas na magkaroon ng contact 3 araw bago ang ovulation.
Kung ang mga mag-partner ay magtatalik 3 araw o higit pa bago ang ovulation. Mas malaki ang posibilidad ng pagbuo ng babae. Ito ay dahil ang sperm na may dalang Y chromosome ay mas madaling namamatay. At, ang sperm na may dalang X chromosome ay mas marami sa paglabas ng egg.
Sex positions at orgasm – may kinalaman ba sa pagbuo ng baby girl?
Dapat tandaan na ang acidic environment ay nakakapatay rin ng sperm kaya naman may kinalaman rin ito sa posibilidad na makagawa ng baby girl.
Dahil nga sa mabagal lumangoy pero mahaba ang buhay ng sperm na may dalang female gene, inirerekomenda ng mga eksperto na subukan ang mga posisyon sa pakikipagtalik na may shallow penetration upang makasiguro na ang X sperm ay malagay sa bibig ng cervix.
Ito ay dahil mas acidic ang environment nito, dahilan para mamatay ang sperm na may dalang male gene at mabigyan ng tsansa na makalangoy papunta sa egg ang sperm na may taglay na female gene.
Gayundin, kung gusto bumuo ng baby girl, dapat ay iwasan ng babae na magkaroon ng orgasm bago mag-ejaculate ang lalaki. Ito ay dahil kapag ang babae ay mag-orgasm, naglalabas ang katawan ng substance.
Ang substance na ito ay ginagawang mas-alkaline ang environment. Ito’y nakabubuti at nagpapahaba ng buhay ng Y chromosome o male gene. Kaya naman para mas tumaas ang posibilidad ng X chromosome na makarating sa egg, dapat ay panatiliing acidic ang environment.
Paano bumuo ng baby girl? Isa pa di-umanong paraan para tumaas ang posibilidad nito ay ang gawing madalas ang pagtatalik. Ito ay dahil kapag madalas ang pagse-sex, bumababa ang sperm count ng lalaki, at kumokonti rin ang male sperm na lumalangoy papunt asa egg.
Gaano kadalas? Hindi naman kailangang araw-araw, pero hangga’t maari, dalasan ang pagtatalik lalo na sa mga araw bago dumating ang ovulation week ng babae.
Mga pagkaing makakatulong para makuha ang gusto mong gender ng baby
Pagdating sa pagpili ng gender ng iyong baby, mayroon nga bang kinalaman ang pagkain?
Ayon sa isang pag-aaral mula sa University of Exter sa Britain, ang pagkain raw ng mga pagkain na mataas ang calories at may asukal ay nakatulong sa posibilidad na makabuo ng lalaki. Ang Proceedings ng Royal Society B: Biological Sciences, ang de facto academy of sciences ng Britain ang nag-publish ng pag-aaral na ito.
Gayundin, ang low-energy na diet na may kakaunting calories, minerals at nutrients ay mas malamang na makabuo ng babae.
Sa isang pag-aaral na inilathala sa Reproductive Medicine online, ang pagkain ng mas maraming prutas at gulay ay maaring makatulong para makabuo ng baby girl.
Kaya naman bago magtalik, ugaliing kumain ng mga pagkaing mayaman sa calcium at magnesium gaya ng mga sumusunod:
- Leafy vegetables (gaya ng spinach at brocolli)
- Mga prutas
- Nuts
- Kanin
Ang posibilidad ng XY, o lalaki na kalalabasan ng pagbubuntis ay mas mataas lalo na, “para sa mga babae na kumakain ng isang mangkok ng breakfast cereal araw-araw kumpara sa kumakain nang mas kaunti o katumbas ng isang mangkok kada lingo,” ayon sa pag-aaral.
Hindi pa gaanong mapaliwanag ang mechanism na ito, subalit sa isang pagsusuring ginawa sa pamamagitan ng in-vitro fertilization, napansin na ang mas mataas na levels ng glucose, o sugar ay naghihikayat ng growth at development ng male embryo habang nagpapababa ng female embryo.
Isa pang posibleng paraan para maka-apekto ang pagkain sa pagbubuntis ng isang babae ay sa pamamagitan ng pagkain ng acidic foods sa mga araw na papalapit ang ovulation period. May mga nagsasabing naiiba ng mga pagkaing ito ang pH level ng vagina ng babae.
Bagamat hindi nakakabuti sa katawan ang manatili sa isang acidic environment, maari niyo pa ring subukan ito kung gustong magkaroon ng baby girl.
Narito ang ilang pagkaing mataas sa acid:
- Soda
- Suka o vinegar
- Chocolate
Paniniwala rin ng ilan, dapat iwasan muna ang pagkain ng mga sumusunod na pagkain bago magtalik para tumaas ang tsansa na makabuo ng baby girl:
- Apples
- Almonds
- Cucumbers
- Avocado
Nakakatulong rin ‘di umano ang pag-alis o pagbabawas ng asin sa iyong diet para makapag-conceive ng anak na babae. Kaya iwasan muna ang pagkain ng mga processed food at mga pagkaing mataas ang salt content. Bukod sa makakatulong ito para makabuo ng baby girl, magiging mas malusog pa ang iyong pagbubuntis.
Sa kabila ng mga ito, mas mahalaga na magkaroon ng isang malusog na sanggol, kaya siguruhin na mayroon kang sapat na folate sa iyong katawan upang makaiwas sa neural tube defects.
Subukan ang Chinese gender chart
Isa pang bagay na minsang sinusundan ng mga buntis ay ang Chinese gender prediction chart.
Ang Chinese gender chart ay pinapagsama ang edad ng ina at ang buwan na inaasahang nakabuo ng baby para matukoy ang kasarian ng baby. Sa pamamagitan nito, matutukoy ang mga araw kung kailan mataas ang posibilidad na makabuo ng baby girl.
Para sa iba, walang matibay na basehan ang ganitong paniniwala. Subalit marami pa ring magulang ang nagpapatunay na naging epektibo ito sa kanila.
Kung sabagay, wala namang masama kung susubukan, diba? Alamin ang mga araw na pwedeng makabuo ka ng isang baby girl mula rito.
Mayroon pang ibang paraan upang mapataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng baby girl, subalit maari rin itong maka-apekto mismo sa inyong fertility o inyong tsansa na makabuo.
Dapat rin tandaan na bagama’t may mga nagsasabing epektibo ang mga nabanggit na natural na paraan para makagawa ng baby girl, wala pa ring kasiguruhan na magiging babae ang iyong anak kapag ginawa mo ang mga ito.
Iba-iba rin ang dahilan ng mga magulang kung bakit gusto nilang magkaroon ng anak na babae o lalaki. Pero anuman ang kanilang rason, sa kabila nito, mas matimbang pa rin na magkaroon ng anak na malusog at ligtas sa mga malubhang sakit.
Sa mga mag-asawang nais nang magka-anak, ang unang hakbang ay kumonsulta sa isang OB-Gynecologist. Upang malaman ang iyong tsansa ng pagbubuntis at kung ano ang dapat gawin para maging malusog ang inyong magiging anak.
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.