Malasakit Center, one-stop-shop para sa gustong humingi ng financial assistance na pang-medikal

Narito ang mas pinadaling paraan ng paghingi ng tulong sa PCSO, DSWD at PhilHealth ngayong 2020.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong 2020 ay mas pinadali na ang paraan kung paano humingi ng tulong sa PCSO, DSWD at PhilHealth. Ito ay sa pamamagitan ng mga Malasakit Centers na makikita sa mga pampublikong ospital sa buong bansa.

Malasakit Center Act

Ang magandang balita na ito ay hatid ng Malasakit Center Act na pirmado na ni Pres. Rodrigo Duterte. Sa ilalim ng Malasakit Center Act ay mas mapapadali na ang paghingi ng tulong ng mga Pilipinong nangangailangan ng financial medical assistance. Dahil imbis na magpunta pa ng paisa-isa sa DSWD, PCSO at PhilHealth ay makakahingi na sila ng tulong sa mga nasabing ahensya ng isang lugar lang ang kanilang pupuntahan. Ito ay ang mga Malasakit Centers na sa ngayon ay mayroon ng 75 na established centers sa buong bansa. Ang 45 sa mga ito ay matatagpuan sa mga DOH hospitals at 28 sa mga LGU-operated hospitals. Habang may isang dedicated Malasakit Center naman ang nakatalaga sa Philippine General Hospital.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang programang ito ay kaugnay ng pagpapatupad ng mga Universal Healthcare Law sa bansa sa susunod na taon.

“The long lines and tedious processes for availment of financial medical assistance will be things of the past. Ultimately, our goal under UHC is to ensure that every Filipino is protected from the financial risks of healthcare. The establishment of the Malasakit Program and Centers in our government hospitals takes us closer to this goal.”

Ito ang dagdag na pahayag ni Sec.Duque.

Paano humingi ng tulong sa PCSO, DSWD at PhilHealth sa pamamagitan ng Malasakit Center?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malamang, ang sunod mong tanong, paano humingi ng tulong sa PCSO, DSWD at PhilHealth sa pamamagitan ng bagong programang ito?

Ito ay mas madali, Dahil maliban sa hindi mo na kailangang magpunta pa sa iba’t-ibang lugar para humingi ng tulong, walang maraming requirements rin ang hihingin sayo.

Sa isang panayam sa programang “Salamat ng Dok” ng ABS-CBN ay ipinaliwanag ni Anthony Gerard Gonzales, assistant secretary sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas, kung paano humingi ng tulong sa PCSO, PhilHealth at DSWD sa pamamagitan ng mga Malasakit Centers.

Steps sa paghingi ng tulong sa mga Malasakit Centers

Una ay kailangan lang magpunta sa mga Malasakit Center na makikita sa pampublikong ospital na pinag-admitan ng inyong pasyente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kailangan lamang dalhin ay ang billing at medical abstract ng inyong pasyente mula sa ospital. Hindi na kailangan pang magdala ng certificate of indigency na laging nirerequire sa ngayon kapag humingi ng tulong sa gobyerno.

Dala ang billing at medical abstract ay bibigyan ka ng form na iyong fifill-upan. Saka susundan ng interview ng isang social worker na magsusuri ng iyong pangangailangan.

Dito ay gagawa na ng rekomendasyon ang social worker mula sa Malasakit Center na iyong ipapakita sa PhilHealth para ikaw ay kanilang matulungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ka dapat mag-alala kung hindi ka PhilHealth member. Dahil sa tulong ng Universal Healthcare Law ay awtomatiko ng magiging miyembro ng ahensya ang bawat Pilipino.

Kung sakaling hindi sapat ang tulong na binigay ng PhilHealth ay saka ka palang papupuntahin sa PCSO at DSWD para sa dagdag na pangangailangan mo.

Pero hindi tulad ng dati, hindi na cash ang iyong makukuha mula sa mga nasabing ahensya kapag hihingi ka ng tulong.

“It’s just a document that give you the funding for your, ‘yong kailangan mong babayaran. Automatic, i-deduct na nila…. pagbalik mo (galling Malasakit Center) ipakita mo na lang iyon, na wala ka nang babayaran.”

Ito ang dagdag pang paliwanag ni Gonzales.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag hindi parin sapat ang ibinigay na tulong ng tatlong ahensya ay handa ring magbigay ang PSF o Presidential Social Fund ng hanggang P50,000.00. At ito ay ipinoproseso parin sa tulong ng mga Malasakit Centers sa buong bansa.

Source: DOH PH, ABS-CBN News

Photo: ABS-CBN News

Basahin: Universal Health Care Law, katuwang ng mga magulang sa tuwing magkakasakit ang anak

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement