Paano intindihin si baby ang challenge para sa mga magulang lalo na sa mga first time parents. Dahil sa hindi pa sila nakakapagsalita ay hindi nila masasabi ang gusto o kailangan nila.
Kaya naman dapat ay alam ng isang magulang ang mga paraan kung paano intindihin si baby at ang kahulugan ng behavior niya.
Mga paraan kung paano intindihin si baby
Ayon sa Australian mommy na si Priscilla Dunstan ay may mga methods para malaman ang kahulugan ng behavior ng sanggol.
Tinawag itong “Dunstan Baby Language” na umani ng atensyon noong 2006 ng minsang mai-guest siya sa The Oprah Winfrey Show.
Bagamat, hindi ito scientifically verified naging malaking tulong naman ito sa mga new parents.
Ang mga method o paraan para intindihin si baby ay ang sumusunod:
Method 1: Sa kanilang pag-iyak
Isang paraan para maipahiwatig ni baby ang gusto niya ay sa pamamagitan ng pag-iyak. Ito ay naiiba-iba at nangangahulugan ng sumusunod:
1. Hunger cry – Madalas, ang dahilan kung bakit umiiyak si baby ay dahil siya ay gutom na. Umiiyak siya para kunin ang iyong atensyon na may kasabay na paggalaw ng kaniyang ulo at paggawa ng smacking sounds mula sa kaniyang bibig.
2. Calling cry – Kung si baby naman ay umiiyak ng lima o anim na beses, titigil at iiyak ulit matapos ang ilang segundo (20 secs), ito ay nangangahulugan na nais niyang magpakuha o magpakarga.
3. Sleepy cry – Ang pagiyak naman ni baby na may kasabay na pagkakamot sa mata o tenga niya ay nagangahulugan na siya ay inaantok na.
4. Pain cry – Ang baby na nakakaramdam ng sakit ay umiiyak ng tuloy-tuloy at malakas. Kung mas masakit ang nararamdaman niya ay mas parang naghihysterical ang iyak niya. Kung sakali namang napagod o naubos na ang kaniyang energy ay nagpapatuloy parin ang pag-iyak niya bagamat ito ay mahina na.
5. Discomfort cry – Umiiyak din si baby kapag nakakaramdam siya ng discomfort na maaring dulot ng iritasyon sa init o lamig ng panahon. Maaring dahil kailangan niya ng magpalit ng kaniyang diapers. Mapapansin mo ito kung gingalaw niya ang kaniyang katawan na nagpapakita na siya ay naiirita.
6. Physiological cry – Ang pag-iyak naman ni baby na tila umaangal ay maaring dahil siya ay may kabag, hirap umihi o dumumi.
7. Environmental cry – Ang pag-iyak ni baby ay maaring nangangahulugan rin na hindi siya masaya o bored sa lugar na kinaroroonan niya. Makikita ito sa pamamagitan ng kaniyang frustration at pagkairita.
Method 2: Sa kanilang body movement
Isang paraan rin para intindihin si baby ay sa kaniyang mga body movements o paggalaw ng katawan.
1. Fist clenching – Ang paggalaw o pagkakasara ng kamao ni baby na tila nakikipagsuntukan ay nangangahulugan na siya ay gutom na. Isa ito sa palantandaan na kailangan niya ng sumuso o dumede bago pa man siya umiyak.
2. Back arching – Ang paggalaw o pagbaluktot ng likod ni baby ay nangangahulugan na siya ay nakakaramdam ng sakit o colic. Kung katatapos lang naman niyang sumuso ang body movement niya na ito ay nagpapahiwatig na siya ay busog na. Kung ito naman ay kanilang ginagawa habang siya ay sumuso ito ay maaring dahil siya ay may reflux. Kung si baby naman ay 2 months old na at nagpapakita ng body movement na ito, maaring ito ay dahil siya ay irritable o pagod.
3. Head rotation – Ang pag-ikot naman ng ulo ni babu na walang kasabay na pag-iyak ay kanilang paraan para kumalma. Madalas ito ay kanilang paraan rin para patulugin ang kanilang sarili.
4. Leg lifting – Kung si baby naman ay tinataas ang kaniyang leg o hita, ito ay dahil nakakaranas siya ng colic o tummy pain. Sa ganitong paraan kasi ay naiibsan nila ang pananakit.
5. Arm jerking – Ang pagkibit o biglang paggalaw naman ng braso ni baby ay nangangahulugan ng pagkagulat sa malakas na tunog, biglang paggising na palantandaan rin na siya ay takot.
6. Ear grabbing – Ang paghawak ni baby sa tenga niya ay nangangahulugan naman na ini-explore niya ang baby features niya. Pero kung ito ay napapadalas o persistent ay kumunsolta na sa doktor dahil maaring ito ay may ibang kahulugan na.
Method 3: Sa tunog na kanilang ginagawa
Ang tunog na ginagawa ng iyong anak ay isang paraan rin para maipahiwatig ang gusto niya.
1. “Neh” – ang tunog na ito na ginagawa ni baby sa pamamagitan ng pagtulak ng kaniyang dila sa kaniyang ngalangala ay nangangahulugan na siya ay gutom na.
2. “Owh” – Ang tila pagtiklop naman ng labi ni baby ng pabilog bago siya humikab ay nangangahulugan na siya ay inaantok na.
3. “Eh” – Ang tunog na ito ay ginagawa ni baby kung siya ay dumidighay o didighay na.
4. “Eairh” – Ang tunog na ito ay ginagawa ni baby kung siya naman ay nakakaranas ng sakit dulot ng bloating o gas. Paraan nila ito para subukang umi-exhale at maibsan ang kanilang iritasyon.
5. “Heh” – Ang tunog na ito na ito na may kasabay na pagkibpt o paggalaw ay nangangahulugan na sila ay hindi komportable o nakakaranas ng displeasing sensation.
Bagamat hindi sa lahat ng oras ay agad na mapapansin o matutukoy ang kahulugan ng pag-iyak, paggalaw o tunog na ginagawa ni baby. Malaking tulong at paraan naman ito kung paano intindihin si baby na isang mabisang paraan para malaman ng mga magulang ang mga pangangailangan o gusto nilang ipahawatig.
Source: Real Farmacy, Freepik