Maraming mag-asawa ang nasa bingit na ng paghihiwalay at ayon sa mga marriage counselor, marami sakanila ang pare-pareho ng rason. May mga dahil puro pag-aaway nalang, nasasakal na sa isa’t isa, at bumibigay na sa mga pagsubok. Sa kabutihang palad, kasama ang tamang gabay, maaaring masalba ang mga relasyon na ito. Alamin natin ang 6 na hakbang kung paano isalba ang isang relasyon.
6 na hakbang kung paano isalba ang isang relasyon
Balikan ang mga masasayang alaala
Karaniwan, lahat ay talagang nagmamahalan bago pumasok sa isang pangmatagalang relasyon. Ang mga alaalang ito ay nasa mga larawan, isip ng mga taong importante sa inyo, at sa mga kwento niyo sa mga nagdaang taon. Oo, mayroong mga problema at pinagdaraanan, ngunit marami ring masasayang alaala na ibinahagi sa isa’t isa.
Magkasamang balikan ang mga alaalang ito. Kung kaya, ipakwento mula sa mga nakakita kung paano kayo nagsimula kung paano kayo nuong masaya pa kayong nagsasama. Basahin nang malakas ang mga dating love letters sa isa’t isa. Balikan ang mga lugar na napuntahan niyo nang dalawa kung saan nagbahagi ng mga masasayang karanasan.
Subukan na maibalik ang mga panahon na ang inyong relasyon ay masigla. Kung kailan ang bawat araw ay naglalapit lalo sainyong dalawa na tila perpekto kayo sa isa’t isa.
Alamin kung paano, kailan at bakit nagsimulang mabawasan ang pagmamahalan
Ang ibang responsibilidad ba sa buhay ang pinagbuhusan ng pansin na dapat ay para sa inyong relasyon? Ang mga masasayang pag-uusap ba ay napalitan na ng mga boring na pag-uusap? Naging magka-relasyon ba na ang tanging pag-uusap ay pag-aaway o sisihan? Naging masmabait ba sa iba kaysa sa karelasyon? Maaaring mas ibinibigay ang masayang sarili sa iba at kung ano ang matitira na lamang ang naiiwan para sa karelasyon?
Maaaring ang isa sa inyo ay nakaranas ng hindi inaasahang kapansanan, problema sa trabaho, o pagkamatay ng mahal sa buhay. Pwede rin na hindi sadyang nabubuhos ang masasamang alaala o kabiguan sa buhay sa iyong partner.
Alamin kung paano at sa anong mga paraan dumating ang pagbabago sa pakikitungo niyo sa isa’t isa. Kung napanatili ang mga dating magagandang katangian na ngayon ay sa iba ipinapakita, ano ang mga maaaring gawin upang maibalik ito para sa karelasyon?
Sintomas ng patuloy na kabiguan ng pag-konekta sa isa’t isa
Kahit pa ang mga dating napaka-tibay na mga relasyon ay maaaring masira ng mabigat na sitwasyon. Maaari ring dahan-dahang nawala ang pagmamahalan sa takbo ng panahon. Kung hindi kayang maibalik ang dating pagsasama, kadalasang nakikita ang mga sintomas na ito:
- Kawalan ng interes
- Hindi pagbibigay ng lakas
- Pagpigil sa sarili o pagiging defensive
- Pagbibigay ng sisi sa karelasyon
- Double standards
- Pagkakanulo
- Paglala ng mga away
- Masmadaling masaktan, masmatagal magpatawad
- Kawalan ng pagtanggap ng responsibilidad sa mga ginagawa
Kung nagsimulang maramdaman na wala nang paki-alam ang asawa, o hindi siya malalapitan para sa pagmamahal, suporta, o paguunawa, nagsisimula nang malagay sa panganib ang relasyon. Kapag ang isa sa inyo ay sumuko na, ang isa pa ay magpipigil na rin ng sarili. Ang kawalan ng kakayahan na balikan ang isa’t isa ang nagiging pagtanggap ng paghihiwalay.
Sa oras na ang isa sa inyo o kayong dalawa, ay nagsimulang magbigay ng katwiran o tumanggi ng pagkakamali, masnawawalan ng pag-asang maisalba ang relasyon. Maibabalik lamang ang dating pagsasama kung kayang alamin ang mga nagawa na nagdala sainyo sa sitwasyon na ito.
Mangako na muling gawing pangunahing prayoridad ang relasyon
Kapag napagtanto na ninyo ang layo ng narating at tinanggap ang mga nagawa kaya umabot sa ganito, handa na kayong gawin ang makakaya para maisalba ang relasyon. Pareho niyo dapat tignan kung ano sa inyong mga desisyon ang naghantong sa ganitong sitwasyon. Kasabay nito, dapat magkasundo na parehong papakawalan ang mga bagay na maaaring maka-agaw pansin mula sa inyong relasyon. Kailangang ibigay ang lahat ng makakaya upang mailigtas ang inyong pagsasama.
May dalawang mahalagang tanong na kailangang sagutin:
- Kung hindi mo na ulit makikita ang tao na ito, ano ang magiging tugon mo?
- Pagsisisihan mo ba kung hindi mo ibigay ang lahat ng makakaya para sa relasyon na ito kahit pa walang kasiguraduhan sa patutunguhan nito?
Kung ang sagot sa unang tanong ay parehong ikalulungkot niyo ito, at sa pangalawa naman ay na magsisisi kayo, tsaka niyo masasabi na kaya ninyong ayusin ang relasyon. Kahit man hindi ito ang mga maging sagot ninyo, kailangan parin ay handang ibigay ang lahat ng kayang ibigay sa relasyon.
Sa nalalaman at nauuwaan ngayon, gugustuhin bang muling makarelasyon ang isa’t isa?
Isipin halimbawa na may nakilala sa unang pagkakataon pero alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman sa kanya. Kung alam mo na mga positibo at negatibong katangian niya, paano mo pangangasiwaan ang inyong pagkikilala?
Upang magkaroon ang relasyon ng tsansang gumaling at tumibay, kailangang maibahagi ang mga sumusunod:
- Ano ang na-miss sa isa’t isa
- Ano ang kailangan upang maibalik ang tiwala sa isa’t isa
- Mga makakatulong sa iyo upang maging best partner na makakaya mo
- Paano aalagaan ang isa’t isa lalo na sa mga panahon na may pinagdadaanan
Maaaring mahirap pagdaanan ang mga pagsubok na ito habang ibinabahagi ang mga bagay na itinago dati at mga sakit na naidulot. Habang nangyayari ito, iwasang sisihin ang isa’t isa sa kahit ano mang paraan. Subukang tutukan ang mga kayang ibigay at kakailanganin para sa exciting, makabuluhan at malalim na relasyon.
Ang kinaganda ng sitwasyon na ito ay kilala mo ang sarili na ma-in love. Kilala ang isa’t isa sa iba’t ibang mga tungkulin at sitwasyon. Bumubuo kayo mula sa pundasyon na dating maganda kahit pa ngayon ay tila nasisira na.
Ito ang oras upang sabiihin ang lahat. Ang kabutihan, kabaitan, integridad, at lahat ng mahalagang emosyonal na mga kalagayan ang nagbibigay ng tsansa na maayos ito.
Propesyonal na tulong
Ang mag-partner ay dapat may tiwala sa therapist at alam na wala itong papanigan. Pareho silang irerepresenta, susuportahan, at iintindihin. Ang pasyente ng therapist ay ang relasyon at hindi ang mga nasa relasyon. Ang therapist din ay may tiwala na maaayos pa ang pagsasama kahit pa ang mga nagsasama ay wala nang tiwala.
Kung magdesisyon na humingi ng tulong mula sa propesyonal, pumili ng therapist na naniniwalang ang relasyon ay maibabalik nang masmatibay kumpara sa dati. Kung nahihirapang paniwalaan ang posibilidad na ito, kailangan ng gagabay na pinaniniwalaan ito hanggang sa maniwala rin kayo.
Source: Psychology Today
Basahin: 5 Kasinungalingang puwedeng sumira sa relasyon ng mag-asawa