Birth Control Pills: Ang mga epekto kapag tumigil kang uminom nito

Alamin kung paano itigil ang pag inom ng birth control pills at ang mga effects na dapat mong malaman at paghandaan para dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Paano kapag handa kayo ni mister o ng iyong partner magkaroon ng baby at bumuo ng pamilya? Ano nga ba ang paraan sa tamang pagtigil sa inom ng pills at ano ang magiging epekto nito sa ‘yo at mga kailangan mong malaman.

Paano itigil ang pag inom ng pills?

Kung ang tanong mo ay paano itigil ang pag inom ng pills, ang una mong kailangan malaman ay hindi ito magiging madali. Kailangan mong ihanda ang iyong sarili dahil talagang makararanas ka ng mga pagbabago sa iyong katawan.

Mayroong mga babae na mabilis makapag-adjust matapos tumigil sa birth control pills. Mayroon din namang inaabot ng ilang buwan bago bumalik sa dati.

Ayon kay Dr. Gergen Marie Lazaro-Dizon, isang OB-gynecologist at eksperto sa Infertility mula sa Makati Medical Center, hindi naman kaagad nabubuntis ang isang babae kapag tumigil siya bigla sa pag-inom ng pills. Paliwanag niya,

“When you stop the pill in the middle of the cycle, kunyare hindi mo tinapos naisipan mo ayaw mo na siya, magugulo ‘yong cycle mo. Kaya advisable talaga tapusin mo muna ‘yong isang pack kung talagang intensyon mo mag-stop. Now ‘yong pag-induce ng fertility after ‘di naman ganun. Siguro talagang nag-o-ovulate ka on your own kaya ka nagbuntis if ever naman natapat lang na pagkatapos lang na mag-intake ka ng pill.”

Kaya sa mga babaeng nais magbuntis ni Dr. Dizon ay tapusin muna o ubusin muna ang pills na iniinom upang masiguro na ikaw ang makakapag-ovulate at mabubuntis.

Dagdag pa ni Dr. Dizon asahan na raw na hihina ang flow o daloy ng regla o menstruation. Paliwanag niya,

“Kasi mababa ang estrogen o hormone content ng pill. Iyon yung actions niya talaga. In some cases talaga may mga patients na hindi nagkaka-withdrawal bleeding with the pill kaya na-tetense sila na bakit hindi ako nagka-dugo? Ngayon kung very regular naman ang intake, kung wala ka namang nami-miss at regular ang intake mo at sure ka na hindi ka pregnant hintayin mo na ‘yung next mens mo to count.”

Alamin pa ang mga dapat mong paghandaan at mararanasan kapag tumigil ka sa pag-inom ng pills.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga dapat mong paghandaan

1. Maaari kang mabuntis kaagad

Sa oras na ikaw ay tumigil sa pag-inom ng birth control pills, ang iyong ovulation process ay magsisimulang muli. Pagkatapos ng isang linggo, magpo-produce na muli ang iyong katawan ng egg cell. Dahilan para maging posible na ikaw ay mabuntis kung makikipagtalik na walang proteksyon.

Pero kagaya nga ng sinabi ng Dr. Dizon, hindi naman ito sa lahat ng pagkakataon lalo na kung huminto ka sa pag-inom nito sa kalagitnaan.

Mabubuntis ka lamang agad kapag huminto ka sa pag-inom ng pills kung ito’y ubos na at natapos mo ang pag-inom ng isang pakete.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Makararanas ka rin ng mood swings

Sanhi ng birth control pills ay may synthetic female hormones, nababalanse nito ang iyong hormones. Kaya naman karamihan sa mga tumitigil sa pag-inom ng pills ay nakararanas ng matitinding mood swings. Maaaring maging iritable ka at mainitin ang ulo.

3. Muli kang makakaramdam ng menstrual cramps

Kung nakararanas ka ng matinding menstrual cramps noon, maaari itong lumala sa oras na ikaw ay tumigil sa pag-inom ng pills.

Kung hindi ka naman madalas na nagkaka-dysmenorrhea, walang kang dapat ikabahala dahil may tiyansang ganito pa rin ang iyong maranasan.

Para naman sa mga nakakaranas ng menstrual cramps upang maibsan ang sakit maaaring gumamit ng hot compress at ipatong ito sa inyong puson.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Maaaring lumakas o humina ang iyong menstrual flow

Ang iyong unang period pagkatapos mong tumigil sa pag-inom ng pills ay kadalasang malakas kumpara sa iyong usual. Ang birth control pills ay nagpapatigil ng pagkapal ng iyong uterus lining at ayon kay Dr. Sherry Ross na isang OB-Gyn,

“The lining of the uterus can be thin, where you may only have light vaginal spotting, or thick, which would cause heavier bleeding.”

Nakararanas ng “withdrawal” period ang mga babaeng tumitigil sa pills dahil babalik ka sa dati mong cycle at muling magbi-build up ang iyong uterus lining.

Pero sa ilang mga kaso kagaya ng pagpapaliwanag ni Dr. Dizon maaari naman din itong humina o minsan ay hindi nagkakaroon agad ng menstruation.

5. Madalas kang makakaramdam ng sakit sa iyong breast area

Ito ay depende sa birth control pills na iyong tine-take, pero karamihan sa mga ito ay mayroong high dosage ng estrogen at progestin. Dahil magsisimulang bumalik sa dati ang iyong katawan at magpo-produce din ito ng hormones naturally.

Maaaring makaranas ka ng pagsakit sa iyong breast area. Mayroon namang iba na nagsasabi na mas naging komportable ang pakiramdam ng kanilang breasts noong tumigil sa pills, kaya sinasabi pa rin na ito ay depende talaga sa pag-adapt ng katawan ng isang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Bababa ang iyong iron levels

Dahil kadalasang naglalaman ng iron ang mga birth control pills, nagiging regular lamang ang flow ng period ng babae na nagte-take nito.

Kaya naman kapag ikaw ay off the pill na, maaari kang makaranas ng iron deficiency. May mga kaso pa nga na naglalagas ang buhok hanggang sa makalbo. Ngunit hindi naman ito dapat ikabahala dahil ito lamang ay worst case scenario.

7. Low libido

Dahil nga sa hormones na napakaloob sa birth control pills, mawawala ang lahat ng tulong nito sa oras na ito ay itigil mong inumin. Karamihan sa mga babae na nakaranas nito ang nagsabing hindi na raw nila na-eenjoy ang sex katulad noong sila ay naka-pills dahil ang kanilang sex drive ay babalik din sa normal.

Mayroon namang mga paraan upang bumalik sa dati ang iyong katawan. Maaari mong i-balanse ang iyong hormones kung iyong nanaisin.

Paano mo ibabalanse ang iyong hormones kapag tumigil ka sa pag-inom ng pills?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Iwasan ang excess estrogen

Ang mga cosmetic products at body care products na iyong ginagamit ay maaring maging source ng excess estrogen.

Siguraduhing gumamit ng mga paraben-free products at kumain din ng mga pagkaing may soy, sesame at flax seeds para ma-regulate ang iyong estrogen levels.

Kapag ito ay iyong nagawa, isa lang sa maraming benefits na iyong mararanasan ay pagkawala ng mood swings at acne.

2. Kumain ng masusustansyang pagkain

Tandaan na kailangan mong i-boost ang iyong iron kaya naman kumain ng mga pagkain na nutrient-rich at panatilihin ito. Maigi rin kung susubukan mong kumain ng mga pagkain na walang masyadong preservatives.

Ang pagkakaroon ng balanced diet at healthy lifestyle ay tiyak na makatutulong sa iyo upang hindi mo maranasan ang mga nabanggit. Hindi magiging madali ang iyong pagta-transition, ngunit sigurado naman na ito ay iyong makakaya.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

mayie