Isa ba sa mga self-care goals mo na nais maachieve this year ay ang pagkakaroon ng smooth and glowing skin?
Tiyak na noon pa man ay napapatanong ka na kung paano kuminis ang balat? Malaki ang papel na gagampanan ng mga skin care products na ginagamit mo. Kaya naman kinakailangan mong maging mabusisi sa pagpili ng mga produkto para sa iyong balat upang mapangalagaan ito ng husto.
Ngunit sa dami ng naglalabasang skin care products sa market, tiyak na nahihirapan kang magdesisyon kung ano ang bibilhin. Worry no more! Patuloy na magbasa dahil inilista namin ang top skin care products upang mapakinis ang balat.
Talaan ng Nilalaman
Paano kuminis ang balat: Best products to use
Cetaphil Brightness Reveal Bar
Best Brightening Soap
|
Buy Now |
Olay Body Science Body Wash - Brightening
Best Whitening Body Wash
|
Buy Now |
Vaseline Daily Protection & Brightening Serum Lotion
Best Lotion with SPF
|
Buy Now |
Dr Teal's Exfoliate And Renew Epsom Salt
Best Body Scrub
|
Buy Now |
The Body Shop Peppermint Reviving Pumice Foot Scrub
Best Foot Scrub
|
Buy Now |
Mink PH Rad Pits Underarm Serum
Best Underarm Serum
|
Buy Now |
Cetaphil Brightness Reveal Bar
Best Brightening Soap
Nakakadry ba ng balat ang sabong pampaputi na gamit mo? Oras na para palitan ‘yan! Subukan ang Cetaphil Brightness Reveal Bar. May kakayahan itong iimprove ang iyong skin tone at palambutin ang balat dahil sa taglay nitong Niacinamide at Sea Daffodil.
Karagdagan, mayroon itong hypoallergenic formulation kaya naman maaari ring gamitin ng mga may sensitive skin. May kakayahan din itong masolusyunan ang iba pang skin concerns gaya ng acne, acne marks, dark spots at dull skin. Ang kagandahan sa produktong ito ay kahit na nakakapagpaputi ito ng balat ay hindi ito nagdudulot ng dryness. Bagkus, ito’y nag-iiwan pa ng hydrated at moisturized na balat.
Olay Body Science Body Wash – Brightening
Best Whitening Body Wash
Kung body wash naman ang ginagamit mo everyday, perfect para sa iyo ang Olay Body Science Body Wash. Sa kabila ng brightening effect na mayroon ang produktong ito ay nananatili itong mild at gentle sa balat.
Nagtataglay ito ng Niacinamide na kilala bilang effective whitening ingredient. May vitamin C rin ito kaya’t siguradong magiging radiant ang balat mo kapag ito ay iyong ginamit. Hindi rin ito nakakapagpadry ng balat at nag-iiwan ng malambot at refreshing na pakiramdam.
Vaseline Daily Protection & Brightening Serum Lotion
Best Lotion with SPF
Pagtapos maligo, kinakailangang imoisturize ang balat sa pamamagitan ng paggamit ng body lotion o cream. At isa sa mga best brands ng body lotion na mabibili mo online ay ang Vaseline. Isa sa mga bagong produkto ng brand na ito ay ang Vaseline Daily Protection & Brightening Serum Lotion.
Hindi lang moisturized skin ang maaachieve mo sa paggamit ng lotion na ito dahil may kakayahan din itong paputiin ang balat sa loob lamang ng 7 days. Naglalaman kasi ito ng Niacinamide na nakakatulong sa pagpapalabas ng natural radiance ng balat. Bukod pa riyan, mayroon din itong SPF 50 at PPF o Pollution Protection Formula na nagbibigay proteksyon mula sa UVA/UVB rays, polusyon at blue light.
Tiyak na mas magugustuhan mo ito dahil sa non-sticky texture nito at mabilis pang maabsorb ng balat.
Dr Teal’s Exfoliate And Renew Epsom Salt
Best Body Scrub
Mahalagang isama rin sa iyong weekly o monthly skin care routine ang paggamit ng body scrub. Kinakailangan kasing maexfoliate ang balat isang beses sa isang linggo upang mapanatili itong malambot at matanggal ang mga dead skin cells. Kaya naman kung wala ka pang ginagamit na body scrub, magandang subukan ang Dr. Teal’s Exfoliate and Renew Epsom Salt.
Ang epsom salt ang nagsisilbing exfoliator kaya naman gentle lamang ito sa balat. Sinamahan pa ito ng lavender oil na napaka relaxing at Shea Butter at Jojoba oil na nagbibigay extra softness at moisturization. Madali lamang ito gamitin at hindi rin ito mahirap banlawan.
The Body Shop Peppermint Reviving Pumice Foot Scrub
Best Foot Scrub
Kadalasan ay nakakaligtaan nating bigyan pansin ang ating mga paa. Dahil dyan, nagkakaroon ito ng kalyo o magaspang na balat at amoy. Kaya naman kung nararanasan mo rin ang mga foot concerns na ito, magandang isama sa iyong skin care routine ang The Body Shop Peppermint Reviving Pumice Foot Scrub. Gawa ang foot scrub na ito sa all natural ingredients na nakakatulong sa pagtanggal ng dead skin cells sa paa.
Nagtataglay ito ng peppermint essential oil na nagbibigay ng cooling effect sa balat kaya’t nakakarelax ito sa paa. Sinamahan pa ito ng volcanic rock granules na nakakatulong sa pag exfoliate ng balat para maachieve ang silky-smooth texture nito.
Maaari itong gamitin once a week para maiwasan ang build up ng dry skin.
Mink PH Rad Pits Underarm Serum
Best Underarm Serum
Para naman maachieve ang makinis at maputing kilikili, magandang isama rin sa iyong underarm skin care routine ang whitening serum na ito mula sa Mink. Bukod sa nakakapagpaputi ito ng kilikili ay nakakatulong din ito sa pagcontrol ng odor dahil sa Potassium Alum na taglay nito. Tiyak na mabibigyan ka nito ng magandang resulta sapagkat naglalaman ito ng Carica Papaya extract na matagal nang ginagamit sa iba’t ibang produktong pampaputi.
Karagdagan, sinamahan pa ang serum na ito ng Vitamin C na may brightening effect din sa balat at Shea Butter na nakakapagpalambot ng balat. Ang kagandahan pa sa serum na ito ay maaari mo itong gamitin bago maglagay ng deodorant sa kilikili.
Price Comparison Table
Brands | Pack size | Price |
Cetaphil | 100 g x 1
100 g x 3 |
Php 395.00
Php 790.00 |
Olay | 500 ml | Php 416.00 |
Vaseline | 300 ml | Php 704.00 |
Dr. Teal’s | 454 g | Php 399.00 |
The Body Shop | 100 ml | Php 695.00 |
Mink | 30 ml | Php 349.00 |
Tips kung paano kuminis ang balat
Anu-ano nga ba ang mga dapat mong gawin upang mapakinis ang iyong balat? Narito ang ilang mga tips na maaari mong sundin:
- Iwasang maligo ng matagal. Ang pagligo ng matagal ay maaaring magdulot ng pagkadry ng balat. Ang recommended na oras ng pagligo ay mula 5 hanggang 10 minutes lamang.
- Gumamit ng mga produkto sa balat na mayroong gentle at natural formulation upang maiwasan ang skin irritation. Maging mapanuri sa pagpili ng mga skin care products na gagamitin dahil mayroong mga brands na gumagamit ng harsh chemicals na maaaring makasira ng balat.
- Be gentle on your skin. Huwag itong kiskisin ng madiin o di kaya ay i-exfoliate palagi. Banayad lamang itong linisin at i-exfoliate 2 to 3 times a month.
- Kumain ng mga masusustansyang pagkain. Isama sa iyong diet ang prutas at gulay dahil mayaman ito sa iba’t ibang nutrients na nakakatulong sa pagpapaganda ng balat.
- Stay hydrated. Uminom ng 10 hanggang 12 glasses of water kada araw. Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkadry ng balat.
- Iwasan ang pagbilad sa araw. Ang pagka-expose sa araw ng mahabang oras ay nakakasira ng balat. Ugaliing gumamit ng sunscreen araw-araw upang maproteksyunan ang balat sa damaging effects ng UV rays.
Iba nga naman ang confidence na naibibigay ng smooth and glowing skin. Kaya naman ngayong bagong taon, simulan mo na ang paggamit ng mga produktong tiyak makakatulong sa iyo upang maachieve ang iyong skin goals.
Ano pa ang hinihintay mo? I-add to cart na agad ang mga napupusuang brands! At huwag palagpasin ang mga discounts na naghihintay sa iyo.