Paano kumita ng 20k kada linggo? This lumpia vendor earns that!

Paano ba kumita ng pera? 20 thousand a week, posible nga ba ito? Mahalaga ring turuan ang anak mo kung paano maging business-minded! Alamin kung paano.

Paano kumita ng pera? Paano kumita ng 20 thousand a week, posible ba ito?

Image from Joshua Hoehne on Unsplash

Paano kumita ng 20k kada linggo?

Trending sa social media ang post ng isang netizen na si Jomer Arañas tungkol sa isang lumpia vendor. Ayon kasi rito, kumikita raw ng 20 thousand ang vendor kada linggo dahil sa pagtitinda ng lumpia!

Paano kumita ng pera | Image from Jomer Arañas

Ayon kay Jomer, kasalukuyan siyang bumibili ng lumpia at napagdesisyonan niyang tangungin ang nagtitinda ng lumpia tungkol sa trabaho at kinikita nito.

Ang lumpia na ito ay nagkakahalaga ng bente pesos sa talong piraso. At sa isang araw, may 600 na lumpia ang nilalako ng vendor. Kung titignan, ang 3 for 20 pesos sa 600 ay nasa 200 na serving. Sa kwenta naman ng paninda, nasa 4,000 pesos na agad ang maiuuwing pera kapag naubos na ang lahat ng lumpia.

Minsan iba-iba pa ang oras ng tapos nito depende na lang sa dagsa ng bibili. Ngunit kung magiging good day naman para kay Kuya Vendor, makakauwi siya ng 4,000 pesos ng wala pang 8 hours na regular working hours sa mga nagtatrabaho!

Kung aaraw-arawin ang pagtitinda, makaka-28,000 pesos siya sa isang linggo!

Dagdag din ng lumpia vendor, mabilis na maubos ang lumpia dahil patok ito sa mga tao at halos paborito itong kainin ng lahat.

Pabiro pang ibinahagi ni Jomer na gusto na lamang niyang magpalit ng kurso at maglako na lamang ng lumpia.
Ngunit, hati naman ang mga naging komento ng netizens sa nasabing post. Ayon sa kanila, ang estimated 28 thousand na benta ni kuyang lumpia vendor sa kanyang mga benta sa isang linggo ay kailangan pang ibawas doon ang mga puhunan ng lumpia. Katulad ng gastos sa lumpia wrapper, karne, mantika at iba pang mga kailangan nito.
Narito naman ang iba pang mga komento galing sa netizens:

“The labor is hard. I hate making it and cooking it I’d rather buy. Lol.”

“Parang magtataho lang kumikita sila 2500 per day not even 8 hours nakapagpatapos ng 3 anak hawak pa oras nya 10:00am pa lang daw ubos na ang taho nya.”

“Syempre may puhunan pa yan. Gas, Mantika, gulay, wrapper atbp. Saktuhan lang din kita jan. hehe!”

Paano kumita ng pera | Image from Jomer Arañas

Teaching kids how to become business minded

Kung nais mo naman lumaki ang iyong anak na maging business minded, narito ang mga paraan na kailangang tandaan sa pagpapalaki ng business minded child:

“There are these unbelievable opportunities, as parents, that happen right under your roof to teach kids about money and entrepreneurship on the top of the list,”

-Thomas Henske

1. Bigyan sila ng pangaral sa buhay

Mahalagang turuan ang iyong anak ng iba’t ibang konsepto sa buhay. Mas maigi nang mamulat ang bata sa mga realidad ng mundo kaysa mabigla siya rito kapag siya ay tumanda. Kausapin sila tungkol sa pagiging praktikal. Ituro sa kanya kung paano tumatakbo ang mga bagay bagay sa mundo. Sa ganitong paraan, mas magiging wais din siya sa buhay.

Paano kumita ng pera | Image from Shitota Yuri on Unsplash

2. Alaming ang potensyal ng iyong anak

Nakikita mo ba ang potensyal ng iyong anak? Bakit hindi mo ito lalong pagyamanin?

Halimbawa, siya ay nakakagawa ng mga creative stuff sa binili mong popsicle stick para sa kanya. Kung habang naglalaro kayo, bigla na lamang niya itong kunyaring ibebenta sa’yo. Ito na ang senyales na maaaring may potensyal sa negosyo ang iyong anak. Ang tanging gagawin mo na lamang ay tutulungan siya para mag-improve dito.

3. Gabayan ang iyong anak

Laging bigyan ng advice at pangaral ang iyong anak sa lahat ng bagay. Ito ay makakatulong sa kanya upang maging ma-abilidad at matalino siya. Kaya kung sakaling hihingi ng laruan o gadget ang iyong anak, subukan mo siyang sabihan na gumawa ng paraan para makuha ito. Dahil dito, matututo siyang maging maparaan.

4. Hayaan silang magkamali

Kung sakaling magkamali ang iyong anak sa isang bagay na ginagawa niya, ‘wag kang magalit o sumuko. Hayaan mo siyang magkamali at matuto sa kanyang pagkakamali. Parte ng buhay ang pagkakamali. ‘Wag mo itong ituring na isang balakid sa isang bagay ngunit gawin mo itong isang pampalakas upang ituloy ang nasimulan.

Moms and dads, gabayan at suportahan ang inyong anak. Ang mga batang nagabayan nang maigi ang kadalasang malayo ang nararating sa buhay!

 

SOURCE: CNBC

BASAHIN: 5 Kid-friendly business ideas to help you raise money savvy kids!

Sinulat ni

Mach Marciano