Gusto mo bang makatanggap ng mga benepisyo mula sa Social Security System? Narito ang isang gabay kung paano kumuha ng SSS ID.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang SSS at ano ang mga benepisyo nito?
- Sino ang mga pwedeng kumuha ng SSS ID?
- Pinadaling gabay kung paano kumuha ng SSS ID
Sa hirap ng buhay ngayon, kahit anong tulong na pinansyal na makukuha natin ay malaking bagay na. Gayundin, karapatan natin bilang Pilipino at bilang taxpayers na makatanggap ng tulong mula sa ating pamahalaan.
Kaya naman kung mayroon kang pamilya o balak mong magkaroon ng pamilya sa hinaharap, makakatulong kung ikaw o maski isang miyembro sa iyong pamilya ang miyembro ng SSS.
Ano ang SSS?
Larawan mula sa SSS Facebook page
Taong 1957 nang inilunsad ng pamahalaan ang Social Security System o mas kilala sa tawag na SSS upang matulungan at mabigyan ng proteksyon ang bawat manggagawa sa bansa.
Ang state o ang gobyerno ang nagpapatakbo ng SSS. Layon nilang masiguro na ang isang Pilipinong manggagawa, sa loob man o labas ng bansa ay mayroong naiipon habang nagtatrabaho ito.
Upang maproteksyunan ang kanilang mga miyembro laban sa panganib ng pagkakaroon ng sakit, pagiging baldado, pagtanda, o kamatayan na nagreresulta sa kawalan ng income o paghihirap ng isang pamilya.
Mga benepisyo para sa mga miyembro ng SSS
Kung ikaw ay nagtatrabaho o mayroong sariling negosyo o serbisyo, alam mo kung gaano kalaki ang halagang maaring mawala sa’yo kung ikaw man ay lumiban sa trabaho ng isang araw.
Kaya naman napakahalaga ng pagiging miyembro ng SSS para masigurong mayroon ka pa ring makukuhang pera kung sakali mang ikaw ay magkasakit o kailangang lumiban sa trabaho.
Narito ang ilang benepisyo na natatanggap at maaring matanggap ng isang SSS member:
Ang mga miyembro ng SSS ay makakatanggap ng daily cash allowance mula sa SSS sa mga araw na siya ay liban sa trabaho dahil sa pagkakasakit.
-
Maternity (paternity) benefit
Ang mga babaeng miyembro ng SSS ay makakakuha ng daily cash allowance sa mga araw na siya ay naka-maternity leave dahil sa panganganak, miscarriage o termination ng pregnancy.
Samantala, ang paternity benefits naman para sa mga tatay ay ina-apply sa kompanyang kaniyang pinapasukan.
Ito naman ay isang cash benefit na ibinibigay sa retiradong miyembro sa pamamagitan ng buwanang pensyon o kaya lump sum.
Gayundin, binibigyan rin ng cash benefit (sa pamamagitan ng buwanang pensyon o lump sum) anng SSS member na wala nang kakayahang magtrabaho dahil sa pagiging baldado o pagkakaroon ng matinding sakit.
-
Death and Funeral benefit
Ibinibigay naman ang cash benefit na ito sa naiwang pamilya ng namatay na miyembro. Hiwalay pa rito ang pera para sa libing.
Maari ring makatanggap ng pera ang isang empleyadong miyembro ng SSS (kabilang ang mga kasambahay at OFWs) kung siya ay biglang mawalan nang trabaho
Basahin ang mas detalyadong benepisyo para sa SSS members dito.
Bukod sa mga benefits, maari ring mag-apply ng loan ang mga miyembro ng SSS na naaayon sa dami ng kanilang mga kontribusyon.
Sino ang pwedeng kumuha ng SSS ID?
Sa dami at lawak ng sakop ng mga benepisyo ng SSS, maraming Pilipino ang gustong maging miyembro nito. Pero sino ba ang mga pwedeng mag-aaply sa SSS?
Mayroong dalawang uri ng coverage sa ilalim ng programa ng SSS – compulsary at voluntary.
Sa ilalim ng compulsary ang mga negosyante at may-ari ng kompanya, mga empleyado, self-employed o nagbibigay ng serbisyo, househelper o kasambahay, at Overseas Filipino Workers o OFW (pwera na lang kung sila ay permanent residents sa bansang pinaglalagian).
Maaari namang maging voluntary members ng SSS ang mga non-working spouse, mga miyembro na nawalan ng trabaho at gusto pa ring ipagpatuloy ang paghuhulog sa SSS at mga Pinoy sa ibang bansa na hindi kabilang sa compulsary coverage ng SSS.
Lahat ng mga miyembrong ito ay makakatanggap ng benepisyo ng SSS basta siguruhing nakakapagbigay sila ng kontribusyon sa tamang oras.
Paano kumuha ng SSS ID?
Sa tulong ng internet, mas madali at mas mabilis na ang pag-aapply para maging member ng SSS at pagkuha ng ID.
Narito na ang step-by-step guide kung paano kumuha ng SSS ID:
- Tumungo sa SSS website at i-click ang icon na “NO SS NUMBER YET? APPLY ONLINE!”
- Sagutan nang maayos ang online form at pagkatapos suriin ang mga sagot, i-clik ang “SUBMIT.”
Paalala: Antayin ang email mula sa SSS para maipagpatuloy ang SSS Number application. Siguruhing tama ang email address na inilagay sa online application form.
- Kapag natanggap mo na ang email, i-click ang link sa loob nito at ilagay ang lahat ng hinihinging impormasyon sa form, mula sa Basic Information hanggang sa mga beneficiaries.
- Bago makapag-generate ng SSS number, siguruhin munang tama ang lahat ng impormasyong inilagay sa electronic registration form.
- I-click ang “Generate SS Number” na icon at hintayin ang system na ibigay ang generated SS number. Makikita mo rin sa screen ang option na i-print ang ePersonal Record Form at SSS Number Slip. Makakatanggap rin ang registrant ng email confirmation kung saan naroon ang generated SS number, kopya ng SSS Number slip at mga sunod na hakbang para makumpleto ang application.
- I-print ang ePersonal Record Form, SS Number Slip, at SS Number Application Confirmation email body na ipinadala sa iyo ng SS Number Issuance System.
-
Pumunta sa pinakamalapit ng SSS branch sa iyong lugar dala ang mga printed records at kasama ang mga kailangang dokumento.
-
- Kung ikaw ay kasal, magdala ng kopya ng iyong Marriage Contract/Certificate
- Kung mayroon nang anak, magdala rin ng kopya ng kaniyang birth certificate
- Para sa mga Non-Working Spouse, kailangang pumirma ang iyong asawa sa tabi ng kaniyang pangalan sa printed ePersonal Record Form bilang patunay na pinahihintulutan ka niyang mag-apply ng SSS membership.
BASAHIN:
Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS
8 facts tungkol sa Expanded Maternity Leave Law
Lahat ng kailangan mong malaman kung paano mag-claim ng SSS maternity benefit
Tandaan na kahit may SS number nang ibinigay sa iyong email, hindi pa rito natatapos ang proseso ng pagkuha ng SSS ID. Temporary lang ang status ng iyong membership hanggang maibigay mo na ang lahat ng mga hinihinging dokumento nang personal sa SSS branch.
Narito ang mga pangunahing dokumento na maaring isumite kasama ng iyong printed forms. Kailangang ipakita ang certified true copy ng dokumento at magdala na rin ng isang photocopy ng isa sa mga sumusunod:
- Birth Certificate
- Baptismal Certificate
- Passport
- Driver’s License
- Professional Regulation Commission (PRC) Card
- Seaman’s Book
Kung wala naman ng mga dokumentong binanggit sa itaas, maaaring mamili ng dalawa sa mga sumusunod na dokumento:
- Alien Certificate of Registration
- ATM card na may pangalan ng cardholder
- ATM card at certification mula sa issuing bank na ang account number ay pagmamay-ari ng cardholder, kung walang pangalan sa ATM
- Bank Account Passbook
- Birth/Baptismal Certificate ng mga anak
- Certificate mula sa:
- Office of the Southern/Northern Cultural Communities
- Office of Muslim Affairs
- Certificate of Licensure/Qualification Document/Seafarer’s ID & Record Book mula sa Maritime Industry Authority
- Certificate of Naturalization mula sa Bureau of Immigration
- Company ID
- Company Representative Authorization Card mula sa SSS
- Credit Card
- Fisherman’s Card issued mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
- GSIS Card/Certificate of Membership
- Health or Medical Card
Iba pang dokumento:
- ID card mula sa Local Government Units (e.g. Barangay/Municipality/City)
- ID card mula sa professional organizations recognized by the Professional Regulation Commission (PRC)
- Life Insurance Policy
- Marriage contract
- Membership card mula sa mga pribadong kumpanya
- NBI Clearance
- Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) card
- Pag-Ibig Member’s Data Form
- Permit to carry firearms issued by the Firearms & Explosives Unit of the Philippine National Police (PNP)
- PHIC Member’s Data Record
- Police Clearance
- Postal ID card
- School ID
- Seafarer’s Registration Certificate mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
- Senior Citizen Card
- Tax Identification Number (TIN) Card
- Temporary license at Permit mula sa Land Transportation Office (LTO)
- Transcript of School Records
- Voter’s Identification Card/Affidavit
Larawan mula sa Freepik
Kapag nakapagsumite na ng mga dokumento sa SSS branch, magiging permanent na ang status ng registrant at magkakaroon ka na ng SSS ID number, at pwede na ring mag-apply ng Unified Multi-purpose ID (UMID) card.
Kung ikaw ay naghahanap-buhay, mapa-negosyo man o bilang empleyado, mahalagang protektahan ang sarili mula sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Makakabuti talaga ang pagiging miyembro ng SSS hindi lang para sa’yo kundi para na rin sa iyong pamilya.
Kung mayroon ka pang ibang katanungan tungkol sa pag-aapply sa SSS at mga benepisyo nito, huwag mahiyang tanungin ang HR officer sa iyong kumpanya, o kaya tumawag sa SSS hotline sa numerong 920-6446 to 55.
Source:
SSS
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!