ALAMIN: Ang story nina Jasmine at Donna Francis-Smith, ang lesbian couple na successful na nagka-anak under Vivo Natural Fertilization. Plus tips kung paano mabuntis agad para sa mga couple na hirap magkaanak.
Donna Francis-Smith (kanan) at Jasmine Francis-Smith (kaliwa)
Isang nakakamanghang pagbubuntis ang nangyari sa same-sex couple na sina Jasmine at Donna Francis-Smith. Ito ay ang tinatawag na “shared motherhood”. Ang kanilang baby ay parehas nilang dinala sa kanilang mga sinapupunan. Sa loob ng 18 hours, ang incubated egg na galing kay Donna ay saka lamang inilabas at nilagay kay Jasmine na siyang magdadala ng baby hanggang sa ipanganak ito.
Matagumpay na naipanganak ni Jasmine ang first vivo fertilised baby na si Otis sa tulong ng Vivo Natural Fertilization.
Otis Francis-Smith, ang first Vivo fertilised baby
Sa isang interview kay Lance Corporal Donna sa The Telegraph, sabi nito na masyado silang nao-overwhelm at hindi pa rin makapaniwala sa atensyon na natatanggap.
“You get a lot of same-sex couples where one person is doing the whole thing, and the one person is getting pregnant and giving birth, whereas with this we’re both involved in a massive way,”
Ayon din kay Jasmine, sobrang swerte nila dahil naging matagumpay ang kanilang Vivo Natural Fertilization procedure. Dahil lingid sa kaalaman ng madami, laging hindi nagiging successful ang procedure na ito sa lahat ng sumubok.
Donna Francis-Smith (kaliwa) at Jasmine Francis-Smith (kanan)
Ano ang Vivo Natural Fertilisation?
Ang Vivo Natural Fertilisation ay isang procedure kung saan ang egg cell ng babae ay inilalagay sa loob ng miniature capsule at saka ipinapasok ulit ito sa kanyang matres para ma-incubate. Pagkatapos ng incubation, kinukuha ito at saka na ilalagay sa babaeng magdadala ng sanggol hanggang sa ipanganak ito.
“London Women’s Clinic has been in the forefront of fertility treatment since 1985 and it’s our great pleasure to report the first birth in the world with shared motherhood using Anecova’s groundbreaking technology for in vivo natural fertilisation.”
-Dr Kamal Ahuja, Managing and Scientific Director, London Women’s Clinic
Tips kung paano mabuntis agad
Itinuturing na isang biyaya para sa mag-asawa ang pagkakaroon ng anak ngunit hindi lahat ay nabibiyayaan agad nito. Narito ang mga tips kung na makakatulong sa’yo para sa mabilis na pagbuntis:
- Alamin ang iyong ovulation cycle. Ang ovulation ay parte ng iyong menstrual cycle. Nangyayari ito 14 days bago matapos ang iyong cycle. Ang egg cell ng isang babae ay tumatagal lamang ng 12-24 oras matapos ang ovulation. Ngunit hindi lahat ay ganito. Kaya’t kailangan ang perfect timing at pag-aralan maigi ito. Maaaring gumamit din ng ovulation prediction kit upang malaman kung ovulating ka na.
- Makipagtalik anim na araw bago ang ovulation. Mas malaki ang posibilidad ng iyong mabilis na pagbubuntis kung makikipagtalik ka anim na araw bago ang iyong ovulation.
- Suriin ang mga produktong ginagamit. Mabuting malaman ang mga produktong gagamitin bago makipagtalik. Suriin ito ng mabuti kung ano ang mga kayang gawin.
- Maging healthy. Ano mang bisyo sa katawan ng isang babae ay masama. Malaking epekto rin ito kung binabalak na magbuntis. Kumain ng healthy at iwasan ang ano mang bisyo katulad ng pag-inom o paninigarilyo.
- ‘Wag gumamit ng birth control. Mabuting itigil na ito ngayon dahil matagal ang epekto nito sa katawan. Maaaring ma-delay ang pagbubuntis kung gumagamit ka nito dati.
SOURCES: Independent, Annecova
BASAHIN: Molar pregnancy: Sanhi, sintomas, at treatment Cryptic pregnancy: Ang pagbubuntis na walang sintomas
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!