#AskDok: Paano mabuntis kahit may PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome)?

May PCOS at gustong magkaanak? Huwag mawalan ng pag-asa! Dahil may mga paraan kang maaring gawin upang ang pangarap mo ay maisakatuparan parin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mabuntis kahit may PCOS? Isa ka rin ba sa naghahanap ng kasagutan sa tanong na ito? Kung ganoon, narito ang mga maari mong gawin upang maisakatuparan ang pangarap mong magkaanak sa kabila ng kondisyong ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang PCOS o polycystic ovary syndrome?
  • Epekto ng PCOS sa kalusugan ng isang babae
  • Paano mabuntis kahit may PCOS?

Image from Freepik

Ano ang PCOS o polycystic ovary syndrome?

Ang PCOS o Polycystic Ovary Syndrome ay isang hormone problem na nakakaapekto sa kakayahan ng isang babae na magdalang-tao. Ang babaeng may taglay ng kondisyong ito ay may mas malaking ovaries kumpara sa normal. Sa loob ng ovaries ay may maliliit na cysts na naglalaman ng mga immature eggs ng isang babae.

Sanhi ng kondisyon na ito ay nagpo-produce din ang katawan ng isang babae ng mas mataas na level ng androgens o male hormones. Ito ay nakakaapekto sa ovulation ng isang babae o ang regular na pagdedevelop at pagre-release niya ng eggs cells.

Ang epekto nito hindi regular na madadatnan ng regla ang isang babae. Mahihirapan siyang magbuntis o makabuo ng baby.

Maliban dito ang PCOS ay nagdudulot din ng extra hair growth o sobrang pagnipis ng buhok sa mga babae. Pati na ang pagkakaroon ng acne o pagdagdag ng timbang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng PCOS sa kalusugan ng isang babae

Ayon naman kay Dr. Erin Dawson-Chalat, isang OB-Gyne mula sa Women’s Coastal Healthcare sa Maine, USA mahalagang ma-address o masolusyonan agad ang PCOS sa isang babae. Dahil maliban sa infertility issues ay maari rin itong magdulot ng long-term consequences sa kaniyang kalusugan.

“PCOS can have lifelong health implications like metabolic syndrome, type 2 diabetes, and possibly cardiovascular disease and endometrial cancer.”

Ito ang pahayag ni Dr. Erin.

Kaya naman mahalagang ang kondisyong ito ay maitama at malunasan. Lalo na sa mga babaeng nagnanais makabuo ng kanilang supling. Dahil possible parin naman umanong mabuntis ang isang babae sa kabila ng kondisyon ito. Bagamat kinakailangan  ng extra effort upang ito ay maisakatuparan. Ito ay ayon naman kay Dr. Elizabeth Fino, isang reproductive endocrinologist at infertility specialist sa NYU Langone Fertility Center sa New York.

Dagdag pa ni Dr. Gergen ng Makati Medical Center sa ekslusibong panayam ng theAsianparent Phillipines, mataas din ang mga babaeng may PCOS na magkaroon ng gestational diabetes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Yes, you have higher risk for gestational diabetes. So, anyone who has a history of PCOS and who gets pregnant, ano ‘yan first initial labtest kasama na dapat yung sugar test doon.”

Kaya naman sa babaeng may PCOS at nais magbuntis payo niya ay kumain lamang ng masustansiyang pagkain at iwasan ang matatatamis.

Paano mabuntis kahit may PCOS?

Image from Freepik

Ayon kay Dr. Gergen Dizon ng Makati Medical Center sa aming eksklusibong pananaw namin sa kaniya, may chance na mabuntis ang mga babaeng may PCOS. Kaya naman huwag mawalan nang pag-asa sapagkat hindi naman ito imposible.

“Oo naman ‘di naman ano ‘yun, it’s becoming very common at the at this time because diet, stress at saka mataas kasi ang incidence ng diabetes sa ating mga asians. It has relation e, ang diabetes and PCOS.”

Dagdag pa ni Dr. Gizon, kailangan pa talagang siguruhin kung may PCOS talaga ang isang babae. Kaya umano na magpakonsulta sa isang OB-GYN upang malaman talaga kung ano ang iyong kundisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Tapos ‘yun na nga kung PCOS ka at normal mens mo at nahihirapan ka magbuntis, lifestyle talaga. Kung medyo on the heavy side, you have to lost 15% of your present weight. May malaking pagbabago ‘yun sa PCOS mo at makakatulong sa pagbubuntis.”

Kaya naman narito ang mga paraang dapat malaman ng isang babae kung paano mabuntis kahit may PCOS ay ang sumusunod:

Pagkain ng balanced diet at pag-eexercise ng regular.

Ayon kay Dr. Fino ang unang paraan upang mabuntis ang isang babaeng may PCOS ay ang pag-reregulate ng kaniyang ovulation. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng tamang diet at pag-eexercise. Dahil dagdag pa niya ang dalawa sa mga sintomas ng PCOS ay ang pagtaba ng isang babae at ang hirap na mabawasan ito.

Pero paglilinaw ni Dr. Dawson-Chalat, hindi naman lahat ng may PCOS ay overweight. Pero makakatulong ang pagbabawas ng timbang ng 5-10% ng isang babae para masaayos ang kaniyang ovulation at makabuo ng sanggol.

Pagpapaliwanag din ni Dr. Dizon, isa sa mga pinakakailangan gawin ng mga may PCOS at mga nierekomenda niya sa kaniyang pasyente na may PCOS.

“Then titingnan ko ‘yung weight niya and then you give her the target weight.  Itong weight na target ko sa ‘yo and then pati diet. And then papa-check mo rin ‘yung mga hormonal test to really document kung talaga bang PCOS na to through form of PCOS.” “Tapos ‘yun nga more of diet and ano paulit-ulit lang.”

Ayon pa kay Dr. Gizon kailangan ding tignan ang sugar, isa iyon sa mga basic na method. Saka kapag iregular talaga ang regla nang may PCOS kahit na pumayat siya at lahat ng mga payo ng OB-GYN maaaring subukan ang paghingi ng tulong sa isang fertility medicine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakatulong ang pagkain ng balanced diet na rich in protein at healthy fats. Tulad ng olive oil, avocado, nuts, vegetables at whole grains.

Hindi rin daw dapat masyadong pwersahin ang sarili sa pag-eexercise. Ayon kay Dr. Fino, i-aim lang ang 30 minutes na moderate-intensity exercise ng 3-5 beses sa isang linggo.

Pag-inom ng gamot o medication.

Kung sakaling hindi naging successful ang pag-aadjust ng iyong diet at pagboboost ng iyong exercise habits para mabuntis ay sunod na i-rerekomenda ng iyong doktor ang pag-inom mo ng gamot o medikasyon kontra PCOS.

Ang madalas ngang nireresetang gamot para ma-induce ang ovulation ay ang clomiphene and letrozole. Habang sa ibang kaso naman ng babaeng may PCOS na may labis na timbang ay kailangang kontrolin ang kaniyang insulin. Kaya naman siya ay maaring resetahan ng diabetes medication na metformin upang mai-stimulate ang kaniyang fertility.

“But this doesn’t work in the absence of following a healthy diet. You still have to eat well and exercise.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang dagdag pang paalala ni Dr. Fino,

BASAHIN:

Mga dapat malaman tungkol sa Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS)

New research presents long awaited answer to what causes PCOS

Good news for women with PCOS who wish to get pregnant

Image from Unsplash

Pag-iinject ng fertility drugs.

Kung hindi parin ito umepekto at maging daan sa pagbubuntis ng isang babae ay maari rin siyang bigyan ng medikasyon na kung tawagin ay gonadotropins. Ito ay injectable fertility drug na gawa sa hormones na FSH o follicle stimulating hormone at LH o luteinizing hormone.

O kaya naman ay maari ring i-rekumenda ng doktor na pagsabayin ang oral at injectable fertility drug ng isang babae.

IUI o Intrauterine Insemination Procedure

Maari ring isagawa ang IUI o intrauterine insemination procedure sa kaniya habang binibigyan ng injectable fertility drug na gonadotropins.

Ang IUI ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng washed semen sa uterus ng isang babae upang siya ay makabuo ng sanggol. Ang semen ay maaring magmula sa kaniyang partner o kaya naman ay sa isang sperm donor.

Ngunit ang paggamit ng gonadotropins ay may kaakibat ding peligro sa kalusugan ng isang babae. Maari siyang makaranas ng hyperstimulation syndrome o OHSS. Ito ang kondisyon na kung saang nag-overreact ang ovaries ng isang babae sa fertility medication na kaniyang natatanggap.

IVF o In Vitro Fertilization

Kung sakali namang hindi parin nakakabuo ang isang babae sa tulong na mga nabanggit na paraan ay maari niyang subukan ang IVF. Ito ay ang in vitro fertilization na kung saan una ay tinuturukan ng fertility drug ang isang babae para mag-istimulate ang kaniyang ovaries ng mas maraming mature eggs. Ang mga mature eggs ay kukunin sa kaniyang ovaries na kilala sa tawag sa egg retrieval procedure. Saka ito ipapares sa sperm at i-fefertilize sa isang laboratory. Kapag fertilized na o nakabuo na ng embryo ang egg at sperm ay saka ito ilalagay sa sinapupunan ng isang babae. Makalipas ng dalawang linggo ay magsasagawa ng pregnancy test ang doktor upang malaman kung naging successful ba ang procedure. Kung successful, ang embryo ay lalaki na sa tiyan ng babae at tuluyan ng magiging sanggol.

Ilan lamang iyan sa mga paraan kung paano mabuntis kahit may PCOS ang isang babae. Patunay nga sa effectivity ng mga paraan na iyan ay ilang Filipino celebrities na matagumpay na nagkaanak sa kabila ng pagkakaroon ng PCOS.

Celebrity na nagkaaanak kahit may PCOS

Sitti Navarro

Cindy Kurleto

Nadine Samonte

Kristine Hermosa-Sotto

Cristalle Belo

Victoria Beckham

 


Source:

Health, WebMD, Very Well Family