Pag-iyak, nakakapayat ayon sa pag-aaral

Nag-iisip ka ba ng paraan kung paano mag diet ng walang exercise? May simpleng sagot diyan ang isang pag-aaral at iyon ay ang pag-iyak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mag diet ng walang exercise ang kadalasang tanong ng marami sa atin.

Nakakatuwa man kung iisipin, ngunit may isang paraan na maaring gawin para magpapayat na hindi kailangang pagurin at pahirapan ang sarili sa pag-exercise. At iyon ay ang pag-iyak.

Image from Freepik

Pag-iyak bilang paraan kung paano mag diet ng walang exercise

Ang pag-iyak ay ang natural na response ng tao sa sakit, stress, kalungkutan o kaya naman ay kasiyahan.

Bagamat madalas ang pag-iyak ay dulot ng sakit o kalungkutan, may magandang benepisyo naman daw itong maibibigay sa katawan lalo na sa mga nagpapayat.

Dahil ayon sa isang pag-aaral, isa daw itong mabisang paraan ng pagbabawas ng timbang. At isang magandang alternatibo para sa mga tamad at ayaw mag-exercise na gustong pumayat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magandang epekto ng emotional crying

Ayon kay Dr. Aaron Neufeld ng Los Altos Optometric Group ay may tatlong uri ng luha na lumalabas sa katawan ng isang tao. Ito ay ang basal, reflex at psychic tears.

Ang basal tears ay ang “basic functional tears” na lumalabas sa ating mata na naglilinis at nagsisilbing lubricant para manatili itong basa.

Ang reflex tears naman ay ang “irritation tears” na lumalabas sa tuwing nai-irritate ang ating mata ng mga environmental stressors gaya ng usok at alikabok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantalang ang psychic tears naman ay ang luhang lumalabas sa ating mata na dulot ng emotional crying. O ang pag-iyak dahil sa sakit, sobrang kasiyahan o kalungkutan.

Ito din daw ang uri ng luha na kailangang mailabas ng isang tao para mabawasan ang kaniyang timbang o pumayat, ayon sa isang pag-aaral. Ito ay dahil ang emotional crying ay may kaugnayan sa mga hormones na nagpapataas ng cortisol level o adrenaline rush ng isang tao.

Dagdag pa ng biochemist na si William Frey, ang stress-induced tears ay nakakapagtanggal ng toxic substances sa katawan ng isang tao. Ito ay dahil ang pag-iyak ay isang excretory process na kung saan inilalabas nito ang toxic substances sa katawan gaya ng fats sa tuwing tayo ay umiiyak dahil sa emotional stress.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon din sa pag-aaral ang pinakamagandang oras para umiyak gamit ang real emotions ay mula 7 to 10pm. Dahil ito ang the best time para umiyak habang nanonood ng sad movies o habang inaalala ang iyong broken relationship, ayon sa mga scientist.

Kaya naman masasabing sa pag-iyak ay hindi lamang bigat ng iyong damdamin ang gagaan. Gagaan at mababawasan narin ang bigat ng iyong timbang na minsan ay mahirap para sa atin na gawin.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Inquirer Pop
Image: Freepik, Shutterstock

Basahin: Pagiging payat, nasa DNA ng tao—ayon sa isang pag-aaral