Paano mag-disinfect ng grocery? Kailangan ba talaga itong gawin para makaiwas sa COVID-19?
Paano mag-disinfect ng grocery
Ayon kay Dr. VanWingen, para masigurong COVID-free ang mga groceries na pinamili ay maari itong gamitan ng sterile technique. Ito ang technique na ginagawa ng mga healthcare workers upang masigurong malinis ang isang equipment o area na gagamitin bago magsagawa ng surgery o iba pang medical procedure.
Ang unang paraan para mai-apply ito sa groceries na ating pinamili ay ang hindi muna ipapasok ito sa loob ng bahay hangga’t maari. Paano mag-disinfect ng grocery kapag kailangan na itong ipasok sa loob ng inyong bahay?
Sa pagdi-disinfect ay gumamit si Dr. VanWingen ng simple disinfectant na kayang patayin ang human coronavirus tulad ng Lysol. Naglagay siya nito sa isang sanitizing towel na kanyang gagamiting pamunas sa mga groceries na pinamali. Paalala niya dapat siguraduhing basa ng disinfectant ang towel na gagamiting pamunas sa mga groceries para masigurong mapatay nito ang germs at virus. Saka punasan ng isa-isa ang mga mga ito tulad ng mga pagkaing may plastic na packaging.
Para naman sa mga fresh produce tulad ng prutas at gulay, hugasan ang mga ito sa cold running water na makakapag-alis sa mga mikrobyo o germs na taglay ng mga ito. Hugasan ito sa loob ng 20 seconds katulad ng paghuhugas ng kamay.
Pagdating sa mga takeout o delivered food, tanggalin ang packaging nito at ilipat sa malinis na container. Saka ito initin sa microwave para makasigurado.
Kailangan ba itong gawin para makaiwas sa COVID-19?
Gaano nga ba kahalaga ang pag-disinfect ng groceries at takeout food? At saan nga ba nagsimula ang pangamba ng mga tao na maaring makuha ang virus mula rito?
Ayon sa isang pag-aaral, maaring tumagal ang COVID sa mga surface katulad ng plastic at cardboard. Bilang ang mga pagkain na ating binibili ay mayroong packaging, maaring nahawakan ito ng isang taong infected. Sa paraang ito ba, masasabing contaminated na rin ang bagay na ito?
Ayon sa mga eksperto, kung nais talagang makaiwas sa sakit, paghuhugas ng kamay pa rin ang sagot.
“I don’t want to discount this conversation or people’s fears, but it’s almost like it doesn’t matter much as long as everyone is washing their hands,” pahayag ng isang scientist.
Kung ikaw ay nababahala pa rin, ang maari mong gawin ay kaysa punasan ito o i-disinfect, alisin na lamang ang mga food packaging bago i-store sa inyong mga ref at cabinet.
No evidence of food packaging transmission of COVID
Ayon sa US Food and Drug Administration, wala pa ring kaso ng COVID-19 transmission sa pamamagitan ng food packaging.
Kaya naman giit nila, walang totoong risk mula rito.
Maging ang scientist na naka-discover na maaring mabuhay ang virus sa mga surface katulad ng cardboard at plastic, hindi rin pinupunasan ang kanyang groceries. Aniya, mas maigi na maghugas ng kamay pagkatapos hawakan ang mga ito. Dahil ayon sa kanya, ang totoong risk ay nasa kamay na hinawak niya rito at maaring maihawak sa mukha o bibig.
Isa pang scientist ang nagsabi na hypothetical risk lamang daw ito. Ang kanya namang ginagawa, hinahayaan niya ang groceries ng isang araw bago ito i-unpack. Sa ganitong paraan, makasisiguro ka na patay na ang virus bago mo ito mahawakan.
Dahil wala pa ring nakakaalam ng mga risks at limitations ng virus, lahat ay nag-iingat lamang upang hindi makuha ang sakit. Ang mga pag-aaral na ito ay gabay lamang upang maiwasan ang sobrang pagpa-panic. Ngunit bilang magulang, kung sa tingin mo ay mas gumagaan ang iyong loob kapag disinfected ang mga pinamimili mo, maari mo pa rin itong gawin. Naiintindihan namin na gusto mo lamang maging sigurado na safe ang pamilya mo.
Source:
Basahin:
Tips para maiwasan ang COVID-19 kapag nag grocery, ayon sa doktor
Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din