Gabay kung paano madaling mag-migrate sa Canada

Narito ang mga hakbang kung paano makapagtrabaho at tuluyang manirahan sa Canada ang isang Pilipino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mag migrate sa Canada? Iyan ba ang katanungang laging pumapasok sa isip mo? Pwes narito na ang mga paraan at hakbang na dapat gawin para masagot at maisakatuparan ang ninanais mo! Para makaraos at makaahon sa buhay, isa sa mga paraang naiisip ng karamihan sa mga Pinoy ay ang magtrabaho abroad.

Sa isang 2017 statistics sa pagitan lamang ng buwan ng Abril hanggang Setyembre, ay may naitalang 2.3 million na OFWs o Overseas Filipino Workers ang nagtratrabaho sa ibang bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Sa dami nga ng Pinoy na nakikipagsapalaran abroad, ang iba ay sinuswerte at mas pinipiling manatili na lamang doon. Dahil sa mas magandang oportunidad at kinabukasan para sa kanilang pamilya. Isa na nga sa mga bansa na nagbibigay ng mga benepisyong ito ay ang Canada.

Paano mag-migrate sa Canada mula sa Pilipinas?

Ayon nga sa 2016 Canadian Census, ay may naitalang 837,130 na Filipino ang disenteng namumuhay sa Canada na halos nakatira sa mga urbanized areas o sa mga siyudad.

Ang bilang ng mga Pinoy na ito ay napipiling tumira at manatili sa Canada dahil sa mga benepisyo gaya ng malaking network ng social services, high-quality education system, free health care system, discrimination-free job market. At siyempre ang mas mataas na sweldo. Encouraged din na mag-apply ang foreign workers na may mga anak.

Isa ka ba sa mga Pilipino na gustong manirahan sa Canada? Ito ang mga dapat mong gawin at malaman para makapag-migrate at masimulan ang buhay sa Canada. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa mga paraan para maisakatuparan ito ay ang makapagtrabaho muna sa Canada bilang temporary worker. Bago tuluyang mag-apply sa permanent resident status.

Ngunit paano mo nga ba dapat simulan ang prosesong ito para sa buhay na pinapangarap mo? Narito ang mga hakbang kung paano maghanap ng trabaho sa Canada at tuluyang makapag-migrate dito.

Photo: Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Steps kung paano mag-migrate sa Canada mula sa Pilipinas?

Step 1: Alamin ang iyong options at eligibility.

Ang unang hakbang kung paano mag-migrate sa Canada ay ang pagtratrabaho dito. Ngunit bago ang lahat ay kailangan mo munang alamin kung ano ang iyong mga options at kung eligible ka ba na makapagtraho dito.

May dalawang bagay ang maaaring pumigil sa ‘yo na makapagtrabaho sa Canada. Una, ang hindi mo pagkakaroon ng kinakailangang qualification skills o employment background. Pangalawa, ang pagiging “inadmissible” o hindi ka pupuwedeng pumunta sa Canada sa ilalim ng Canada’s immigration law.

Ilan sa mga dahilan para maging “inadmissible” ang isang tao sa Canada ay ang sumusunod:

  • May naitalang gawain na maaaring maging banta sa security gaya ng espionage, subversion, terrorism at violence
  • Pagiging miyembro ng isang organization na gumagawa ng human o international rights violations kabilang ang war crimes at crimes against humanity
  • Nakagawa ng krimen gaya ng pagda-drive ng lasing o nasa impluwesya ng droga
  • Medical reasons na magiging banta sa public health at safety
  • Financial reasons o ang kawalan mo ng kakayahan masuportahan ang sarili mo

Samantala, may apat na paraan para tuluyang makapag-apply ng permanent residency sa Canada sa pamamagitan ng pagtratrabaho. Ito ay mapabilang sa isa sa apat na categories na ito:

Federal Skilled Worker, Federal Skilled Trades Worker, Canadian Experience Class at ang Provincial Nominee Program.

Ang mga Canadian Experience Class ay ang manggagawa na may skilled work experience na sa Canada. Samantala, an mga Provincial Nominee naman ay iyong may mga qualifications at ni-nominate ng isang Canadian province o territory para mag-migrate sa Canada.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga Federal Skilled Workers naman o FSW ay ang mga aplikanteng may at least 1 year work experience na sa bansa sa isa sa mga 50 eligible na occupations o trabaho.

Samantalang, ang Federal Skilled Trades Program o FSTP naman ay ang mga aplikanteng may dalawang taon ng work experience sa loob ng nakaraang limang taon sa isa sa 90 eligible skilled trades.

Ngunit, ang pag-aapply sa mga programang ito para sa permanent status ay matagal lalo na kung wala kang qualifying job offer. At dito pumapasok naman ang Temporary Foreign Worker o TFW program. Sa pamamagitan ng programang ito ay i-hihire ka ng isang Canadian employer sa maiksing panahon o contractual basis.

Kapag naayos at nakumpleto na ng iyong employer ang mga requirements mo ay maaari ka ng maisyuhan ng work permit para makapagtrabaho agad sa Canada. Sa ganitong paraan ay maaari kang magtrabaho habang hinihintay na maapproved ang permanent residency application mo.

Step 2: Maghanap ng trabaho.

Para naman makabilang ka sa mga programang nabanggit ay dapat kang maghanap ng trabaho o job vacancies sa Canada na babagay sayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan nga sa mga pinaka-in demand na trabaho para sa mga Pilipino sa Canada ay ang mga registered nurses, computer engineers, welders, specialist physicians, general practitioners, accountants, software engineers, machinist at caregivers.

Isa nga sa pinakamadaling paraan ng paghahanap ng trabaho sa Canada ay sa pamamagitan ng internet o online. Mula dito, maaari kang mag-submit ng iyong resume sa mga online job portals o hindi kaya naman ay magpa-refer sa mga kakilala mong may alam na job opening sa bansa.

Ilan sa mga online sites na maaari mong applyan ay ang mga sumusunod:

  • Monster Canada
  • Workopolis
  • Canada Job Bank

Malaking tulong din kung mayroon kang kakilala na nakatira o nagtratrabaho sa Canada para makapaghanap agad ng trabaho. Dahil ayon sa isang job search seminar sa Canada, tanging 20% lang ng mga job vacancies dito ang pinopost online.

Ang 80% sa mga ito ay kadalasang ipino-post sa mga bulletin boards ng mga kumpanyang may bakante sa trabaho.

May mga recruitment agencies din naman ang maari mong malapitan para malaman ang mga job vacancies at makapag-apply sa Canada. Ang kailangan mo lang ay i-verify muna ang legitimacy ng agency sa POEA bago makipagtransaksyon dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Step 3: Pagse-secure ng trabaho.

Kung sakaling nakahanap ka na ng trabaho at ikaw ay na-hire na ang susunod mong gagawin ay ang antayin ang pagdating ng mga papeles mula sa employer mo para tuluyan ng makapunta sa Canada.

Para sa mga job offer, importanteng suriin muna ang mga specific details ng document katulad ng salary and benefits, job description at working hours.

Dapat ang nakasulat dito ay tulad ng napag-usapan niyo. Huwag ding tatanggap ng kahit ano mang job offer na hihingi ng pera mula sa ‘yo o ng credit card information mo dahil isa itong uri ng scam o pangloloko.

Kapag na-received mo na ang mga required documents galing sa employer mo ay maari ka ng makapag-aaply ng work permit at temporary resident visa kung kinakailangan.

Step 4: Pag-a-apply ng work permit.

Hindi lahat ng trabaho sa Canada ay kinakailangan ng work permit kaya dapat ay alamin mo muna ito para hindi masayang ang oras mo.

Ngunit maliban sa work permit ay kailangan mo paring mag-apply ng visa para makapunta sa Canada. Sa ngayon ay maaari ka ng magpasa ng visa applications sa Canada online o isa sa mga Visa Application Centres (VACs) sa Pilipinas.

Ang pag-aapply ng work permit ay maaari ring gawing online. Kailangan mo lang siguraduhin na kumpleto ang mga forms at documents mo sa pag-aapply at isang valid debit o credit card na gagamitin mong pambayad sa proseso.

Step 5: Magpa-register sa POEA.

Para maprotektahan ang karapatan mo bilang isang OFW at legal na makapagtrabaho sa ibang bansa ay kailangan mong magparegister sa POEA.

Ang mga name-hired workers o ‘yong direct hire ng mga Canadian employers ay hindi na kailangan magbayad ng placement fees. Ngunit kung ikaw ay dumaan sa recruitment agency at isa ito sa nakasaad sa kontrata mo sa kanila ay kailangan mong magbayad at sundin ito.

Maliban sa pagpapa-register ay kailangan mo ring iproseso ang exit clearance mo o ang overseas employment certificate bago tuluyang makaalis ng bansa.

Step 6: Pagtratrabaho sa Canada

Bilang isang temporary worker, ikaw ay dapat matrabaho sa kung ano ang nakalagay sa iyong kontrata. Maari kang magbago ng employer sa Canada ngunit kakailanganin mo ng panibagong work permit para dito.

Mula sa pagiging temporary worker ay maaari ka ng maghanap ng ibang trabaho na nag-o-offer ng mas matagal na kontrata o permanent basis para tuluyan ka na ring makapag-apply ng permanent resident status.

Ang pag-aapply ng trabaho sa ibang bansa ay sadyang mahirap at napakahabang proseso. Ang kailangan mo lang ay sipag at tiyaga lalo na kung ito ang nakikita mong paraan para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya mo.

10 bagay na kailangan mong malaman bago mag-migrate sa Canada

Paano mag migrate sa Canada? | Larawan mula sa Pexels

  • Gusto ng Canada ang Immigrants.

Nobyembre 2020 nang ianunsyo ng Immigration, Refugee Council Canada (IRCC) ang kanilang immigration plans sa susunod na tatlong taon.

Ito ay para masuportahan ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga skilled at non-skilled foreign workers na mag-apply ng permanent residency sa Canada.

  • Ang Canada ay mayroong higit sa 100 Visa at Immigration Programs.

Ang IRCC ang pinuno ng immigration program pero ang provincial government at mga komunidad ang may kakayahan na matulugan ang mga immigrants na maging permanent residents at mag-migrate sa Canada upang makadagdag ng halaga sa ekonomiya.

  • Mayroong apat na panahon sa Canada. 

  • Hindi lahat ng Healthcare, Education at Social services ay libre sa Canada.

Mayroon mang malaking pondo ang pampublikong healthcare system na may mga libreng serbisyo sa mga Canadian residents at citizen, may mga hindi pa rin libre.  

  • Mahal tumira sa Canada.

Maraming pwedeng pagpilian na lugar kung saan mo nais mag-migrate sa Canada. Ang mga malalaking syudad tulad ng Vancouver at Toronto ay maraming job opportunities ngunit mataas din ang cost of living.

  • Sa Canada matututo kang mag-sorry.

Bahagi na ng national identity at kultura ng mga tao sa Canada na masanay magsabi ng excuse me, please, thank you, lalo na ang I’m sorry.

  • Ang una mong trabaho ay posibleng hindi mo gusto.

Maraming oportunindad sa Canada kailangan mo lamang magsaliksik at araling mabuti upang makita mo kung ito ang gusto mong trabaho.

  • Ang Canada ay isang multicultural country.

Napag-alaman ng UP Population Division na 21% ng populasyon ng Canada ay foreign-born. Kaya naman ano man ang iyong trabaho, posisyon, o gaano ka man kayaman, o ano man ang iyong lahi, gender o sexual orientation, pantay-pantay ang karapatan at kalayaan ng lahat.

  • Mahilig ang Canada sa sports, pagkain at maple syrup. 

  • Kailangan mo ng work permit upang makapagtrabaho sa Canada.

Work Permit sa Canada

Kapah ikaw ay nakahanap na ng trabaho sa Canada, ang susunod mong maaaring gawin ay magproseso ng mga kinakailangan mong requirements upang makapasok sa bansa bilang isang Foreign worker. Maaari mong maasikaso ang iyong work permit habang ikaw ay nasa Pilipinas.

Maraming mga trabaho ang kayang ibigay ng Canada sa mga Pilipino. Pero kinakailanganmong kumuha ng open work permit kung ikaw ay naninirahan pa rin sa Pilipinas.

Ang open work permit ang kadalasang kinukuha ng mga foreign worker, o non-job-specific work permit. Kung ikaw ay kukuha ng non-job-specific worker permit, hindi mo kinakailangan ng:

  • Labour Market Impact Assessment (LMIA) galling sa Employment and Social Development Canada, o
  • Katunayan  na mayroong employer na nagbigay sa’yo ng trabaho sa pamamagitan ng Employer portal at nagbayad ng employer compliance fee.

Gayunpaman, kinakailangan mong bayaran ang open work permit holder fee, karagdagan sa work permit price.

Kapag ikaw ay nakatanggap na ng Labour Market Impact Assesstment (LMIA) at job offer galomg sa iyong employer, nangangahulugan ito na walang Canadian citizen ang available para sa trabaho at ang foreign worker ang gaganap sa trabahong iyon. 

Maaari ka nang mag-apply ng work permit sa mga approved visa applications centers kapag ikaw ay mayroon nang LMIA at job offer mula sa iyong kompanya.

BASAHIN: 

Planning to go abroad? 5 things to know about DFA online appointment

Need to apply or renew your passport? DFA has opened slots in 8 locations

Do you have enough work experience to land a healthcare job abroad?

Ano ang kailangan sa pag-aapply ng work permit?

Paano mag migrate sa Canada? | Larawan mula sa Pexels

Ilan sa mga kinakailangan mo para sa pag-apply ng work permit sa Canada ay:

  • Kontrata sa trabaho
  • Job offer letter
  • Kopya ng Labor Market Impact Assessment (LMIA)
  • LMIA number

Paano mag-apply ng work permit habang nasa Pilipinas?

  • Magpasa ng application.

Maaari itong gawin ng personal o online. Gayunpaman, mas inirerekomenda ang pag-apply nito online dahil mas mabilis, at makikita ang real-time information tungkol sa status ng aplikasyon. Mag-apply dito, i-click ito.

  • Magpakuha ng biometrics.

Matapos magpasa ng application at bayaran ang biometrics makakatanggap ng instruction letter na nagsasabi kung saan at paano mo maibibigay ang iyong biometrics. Mayroon ka lamang 30 na araw upang maipasa ang iyong biometrics nang personal at sa tinukoy na lugar sa Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon maaaring magpunta sa i-click ito.

  • Sumailalim sa medical exam.

Kapag kinailangan ng medical exam, sasabihin ng interviewer kung saan at paano ka sasailalim sa medical exam.

  • Hintayin ang approval letter.

Kung naaprubahan ang iyong aplikasyon, makakatanggap ng sulat na ikaw ay pinapayagang magtrabaho sa Canada sa loob ng panahon na nabanggit sa kontrata.

Tandaan na ito ay hindi ang aktwal na work permit. Dalhin ang sulat na ito kapag pumunta sa Canada. Ang mga Filipino workers lamang ang binibigyan ng work permit pagdating sa Canada.

  • Maghandang maging Overseas Filipino Woker (OFW).

Bilang isang OFW, kinakailangan mong umattend ng mga Pre-employment Orientation Seminar (PEOS) na ibinibigay ng libre ng POEA Agency. Ginagawa nila ito upang maiwasan ang unlawful recruiting.

Ang lahat ng OFW na papuntang Canada ay kailangan mag-file ng Overseas Employment Certificate (OEC), na ipapasa sa Philippine Immigration officials upang payagang makalabas ng bansa.

  • Pagdating sa Canada.

Pagdating sa Canada ay hindi ka muna bibigyan ng work visa, sa halip ay sasailalim ka muna sa screening upang masigurado na ikaw ang parehas na tao na pinayagang magtrabaho  sa Canada. Kinakailangan mong magpakita ng mga sumusunod na dokumento para sa identity check:

  • Port of Entry (POE) Letter of Introduction
  • Passport
  • Visa (kung kinakailangan)
  • Travel documents tulad ng ticket sa eroplano
  • Mga dokumento na nagpapatunay ng iyong application, tulad ng positive LMIA mula sa employer, proof of work experience/education, o offer of employment number.

Magkaiba ang work permit sa visa, maaari pa ring kailanganin ng visa kahit ikaw ay mayroon nang work permit. Maaari kang mag-apply online para sa temporary resident visa habang nasa Canada o kaya sa Visa Application Centres (VACs) sa Pilipinas. Maaaring bisitahin ang canada.ca para sa iba pang impormasyon.

Ang temporary resident resident visa (TRV), o tinatawag ding resident visa ay isang opisyal na dokumento na ibinibigay ng Canadian visa office at inilalagay sa passport.

Bilang patunay na natugunan mo ang mga kinakailangan upang makapasok sa Canada bilang isang temporary resident, ikaw man ay visitor, student, o worker.

Sa pag-aapply ng visa ay narito ang ilan sa maaaring kailanganin:

  • Passport
  • Nasagutan na Canada visa application form (IMM 5257)
  • Patunay na nabayaran ang Canada visa fees
  • Patunay ng malinis na criminal record
  • Medical exam
  • Mga litrato na sumusunod sa kailangan para sa Canada visa
  • Patunay ng financial means
  • Patunay na babalik ka sa’yong bansa kapag nag-expire ang visa
  • Identity at civil status documents
  • Cover letter na nagpapaliwanag ng dahilan nang pagpunta sa Canada
  • Letter of support/invitation to Canada

Maaaring bisitahin ang link ( https://visa.vfsglobal.com/phl/en/can/apply-visa ) na ito para sa ibang impormasyon at para makapag-apply ng iyong Canadian Visa.

 

Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas