X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Paano ba mag muscle control at paano ito makakatulong sa sex life namin ni mister?

4 min read

Narito kung paano mag muscle control habang nakikipagtalik na sinasabing mas nagpapalusog ng sex life ng isang mag-asawa.

Ibig sabihin ng muscle control in tagalog

Maaring may ilan sa inyo ang wala pa talagang ideya sa kung ano ang ibig sabihin ng muscle control at sa kung paano ito ginagawa sa pagtatalik? Huwag kayong mag-alala! Dahil sa pamamagitan ng artikulong ito ay matutunan ninyo ang sinasabing “secret” ng maraming babae at lalaki pagdating sa umaatikabong pagtatalik.

paano mag muscle control habang nakikipagtalik

Image from Freepik

Ang muscle control in tagalog ay mailalarawan sa pamamagitan ng pag-kontrol ng isang babae sa muscles o kalamnan sa loob ng kaniyang vagina. Ito ay madalas na ginagawa ng maraming babae habang nakikipagtalik. Dahil ayon sa mga lalaki, sa pagsasagawa nito ay parang nasasakal ang kanilang ari na mas nagpapalakas pa ng kanilang libog o pagnanais na maabot ang orgasm. Kung sa simple ngang mga salita ay masasabing sa pamamagitan ng muscle control na ginagawa ng mga babae ay mas lalong nasasarapan at ginaganahan ang mga lalaki sa sex.

Pompoir o pagmumuscle control ayon isang sex expert

Ayon sa mga sex experts ang muscle control ay kilala rin sa tawag na pompoir. Ang act o gawing ito ay orihinal umanong nagmula sa ancient India at sa Saudi Arabia. Ito nga daw ay napatunayang nakakapagpalakas sa vaginal wall na nakakatulong upang maiiwas ito sa incontinence at bladder health. Higit sa lahat ito daw ay nakakapag-improve ng sexual experience ng isang magka-relasyon.

“It improves the sexual experience for both the woman and her partner.”

Ito ang paliwanag ng author at pompoir expert na si Denise Da Costa.

Sa kaniya ngang libro na pinamagatang “Pompoir: The Ultimate Guide to Pelvic Floor Fitness ay ibinahagi niya kung paano mag muscle control habang nakikipagtalik.

Ayon kay Da Costa, ang pagmumuscle control o pompoir ay tinatawag ring “milking the penis”. Dahil sa pagsasagawa nito ay tila ba sinasakal ang penis para maglabas ng kaniyang katas na nangyayari sa tuwing nakakamit niya ang orgasm. Ito nga daw ay hindi lang basta nagagawa sa pamamagitan ng pag-squeeze o pagpiga sa ari ng lalaki habang nasa loob ng vagina. Sinasabayan rin ito ng contracting, pushing at pulling habang ang penis ay naglalabas-masok sa vagina.

paano mag muscle control habang nakikipagtalik

Image from Freepik

Paano mag muscle control habang nakikipagtalik?

Para nga daw mas maintindihan sa kung paano mag muscle control habang nakikipagtalik ay narito ang dalawang exercises na maaring gawin.

1. Twisting exercise.

Ayon parin kay Da Costa, ang unang paraan para malaman kung paano mag muscle control habang nakikipagtalik ay sa pamamagitan ng isang twisting exercise.

Ihalintulad ang kailangang gawin sa pamamagitan ng paghawak sa isang pen sa pagitan ng iyong hinlalaki at hintuturong daliri. Saka galawin ang dalawang daliri sa magkasalungat na direksyon. Sa ganitong paraan ay na-twitwist o tila pinipiga ng iyong mga daliri ang pen na nasa pagitan nito. Ganito rin ang dapat gawin ng iyong vaginal muscles sa ari ng iyong partner kapag nagtatalik.

2. Kegel exercise.

Sumunod na exercise na maaring gawin upang maintindihan kung paano mag muscle control habang nakikipagtalik ay ang Kegel exercise. Ang exercise na ito ay madalas na inirerekumendang gawin ng mga babae matapos manganak. Dahil sa tulong nito ay ibinabalik sa dating lakas o strength ang vaginal wall ng isang babae. Kaya naman ay naiiwasan niyang makaranas ng urinary leaking o ang pagtagas ng ihi sa tuwing tatawa, uubo o aatsing.

Kumpara sa twisting exercise, ang kegel exercise ay magagawa kahit hindi sa aktwal  na pagtatalik. Ito ay magagawa kahit saan ng hindi mapapansin ng mga tao sa iyong paligid. O kaya naman kahit ikaw ay nakaupo pa o nakatayo.

Isa sa pinaka-magandang halimbawa sa kung paano masasagawa ang kegel exercise ay sa tuwing ikaw ay umiihi. Dahil ang muscle na iyong ginagamit upang pigilin ang iyong ihi ay ang parehong muscle na kailangan mong kontrolin habang nakikipagtalik. Kailangan mo lang i-apply ang pagpipigil na ginagawa habang nakikipagtalik o habang nasa loob ng iyong vagina ang ari ni mister.

Pero payo ng mga eksperto ay huwag ugaliin o gawin ang kegel exercise sa pagpipigil ng ihi. Dahil sa ito ay maaring pagmulan at mauwi sa urinary tract infection. Mas mabuting gawin ito sa ibang pagkakataon tulad ng kapag ikaw ay nakaupo at naghihintay. Ito ay para mas lumakas ang iyong vaginal wall na nagdadagdag ng sensation sa mga lalaki habang nakikipagtalik.

paano mag muscle control habang nakikipagtalik

Image from Prime Yours

Gawin lang ito ng paulit-ulit

Dagdag na payo ni Da Costa, hindi dapat mag-alala kung hindi magagawa ng tama sa una ang pagmumuscle control. Subukan at ult-ulitin lang na gawin ito. Dahil sa ito ay parte ng ating instinct na kusa nating matutunan at makakasanayan lalo na kapag tayo na ay nasasarapan.

 

Source:

Cosmopolitan, Mayo Clinic

Basahin:

Mga sex positions na puwedeng gawin para sa tahimik na pagtatalik

Partner Stories
This new Jollibee Christmas video will surely have you emotional, again!
This new Jollibee Christmas video will surely have you emotional, again!
Cleene Ethyl Alcohol Refilling Stations make disinfection more accessible and environment-friendly
Cleene Ethyl Alcohol Refilling Stations make disinfection more accessible and environment-friendly
Postpartum Hair Loss: 5 Most Effective Tips To Restore Your Luscious Locks
Postpartum Hair Loss: 5 Most Effective Tips To Restore Your Luscious Locks
The Komo digital banking experience: keeping you in control even when on the go
The Komo digital banking experience: keeping you in control even when on the go

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Paano ba mag muscle control at paano ito makakatulong sa sex life namin ni mister?
Share:
  • Birth control side effects: Your periods change quite a bit

    Birth control side effects: Your periods change quite a bit

  • What happens to your body when you stop birth control pills?

    What happens to your body when you stop birth control pills?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Birth control side effects: Your periods change quite a bit

    Birth control side effects: Your periods change quite a bit

  • What happens to your body when you stop birth control pills?

    What happens to your body when you stop birth control pills?

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.