Gusto mo bang lumaking matalino at mabait si baby? Gawin mo ito araw-araw

Kung ikaw ay magulang at nagtatanong kung paano maging matalino si baby, narito ang ilang mga bagay na dapat mong gawin araw-araw.

Paano maging matalino si baby? Hindi lang dapat lumaking matalino ang isang bata. Dapat ay lumaki rin siya na mabait at responsable. Ngunit bilang magulang, paano mo nga ba masisiguro ito?

Paano maging matalino si baby

Image from Freepik

Alam mo ba na mayroong mga maliliit na bagay na puwedeng magkaroon ng malaking epekto sa iyong anak? Isa na rito ang pagbabasa sa kanila ng libro. Marahil ay marunong na silang magbasa mag-isa pero ang pagbabasa ng libro sa kanila ay mas nakakabuti raw ayon sa mga pag-aaral.

Subukan daw itong gawin araw-araw at makikita mo unti-unti ang mga benepisyo nito. Bagama’t madalas ay abala ang mga magulang sa ibang bagay, importante talagang bigyan pa rin ang iyong anak ng kahit kaunting oras at atensyon. Lalo na sa pagsisiguro kung paano maging matalino si baby o ang iyong anak sa kaniyang paglaki.

Ano ang mga benepisyo nito

Image from Freepik

1. Malawak na vocabulary

Dahil ang bata ay makakarinig ng mga bagong salita at kahit papano ay malalaman ang ibig sabihin nito, lalawak ang kanyang vocabulary. Ayon sa mga pag-aaral, ang batang may malawak na vocabulary ay mas nage-excel sa eskwela dahil kapag mayroong itinuturo ang kanyang guro, naiintindihan niya ito nang buo. Kumpara sa bata na kaunti pa lang ang alam na salita. Dagdag pa nito ay mas maipapaliwanag niya rin ang kaniyang sarili ng maayos. Dahil sa mas marami siyang alam na salita para i-express ang kaniyang nararamdaman o sarili.

2. Siya ay masasanay na magbasa ng libro

Dahil ito ay isang habit na mabubuo sa kanya, lalaki ang bata na nagbabasa ng libro. Hindi ka mahihirapan sa tuwing mayroon silang kailangang basahin para sa eskwela. Sa panahon din kasi ngayon, maraming bata ang mas gustong gumamit ng gadgets o di kaya ay matuto mula sa mga pinapanood sa YouTube. Wala namang masama sa mga ito, pero ang batang mahilig magbasa ay mas maituturing pa rin na advanced. Ito ang unang hakbang kung paano maging matalino si baby.

3. Bonding time

Ito rin ay magsisilbing bonding time niyo ng iyong anak. Sa tuwing babasahan mo siya ng libro, mararamdaman niyang naglalaan ka ng oras para sa kanya at dahil dito ay iloo-look forward niya ang bonding na ito. Kaya naman hindi lang siya basta matututo sa pagbabasa, mas magiging malapit rin sayo. Dahil kayo ay nagkakaroon ng quality time sa isa’t-isa.

4. Nagkakaroon siya ng empathy

Dahil sa mga kuwento ay nai-immerse ang bata sa iba’t ibang karakter. Dahil dito, natututo siyang pakiramdaman ang mga saloobin ng mga ito at siya ay magkakaroon ng sense of empathy. Mas naiintindihan niya ang mga tao o kilos ng mga tao sa paligid niya. Kaya naman mas nauunawaan niya kung paano ang tamang reaksyon sa mga ito.

Paano mo ito magagawa araw-araw

Image from Freepik

Dahil marami sa mga magulang ay abala, mahirap itong gawin araw-araw. Kaya naman narito ang ilang tips para magawa mo itong exercise na ito nang tuloy-tuloy.

Paano ma-improve ang reading habit niyo ng iyong anak

  • Magsimula muna sa mga maiikling kuwento para hindi masyadong matagal na oras ang kailanganin.
  • Mag-set ng oras na walang makakaabala sa inyo. Siguraduhin muna na tapos na ang mga dapat mong gawin.
  • Kung gusto mo ring masukat kung natututong magbasa ang iyong anak, pwede kayong mag-take turns sa pagbabasa ng isang kuwento.
  • Kung nahihirapan ka naman dahil distracted ang iyong anak sa tuwing kayo ay nagbabasa, siguraduhin na engaging ang istorya na iyong pipiliin.
  • Paminsan ay tanungin mo rin siya kung ano ang kanyang natututunan at huminto minsan minsan habang nagbabasa para siguraduhing siya ay nakikinig.
  • Para sa mga mas bata, ayos lang kung magbasa kayo ng istorya ng ilang ulit. Pero para sa toddlers at preschoolers, marahil ay palagi silang maghahanap ng bagong kuwento.

Simple lang ang pagbabasa sa iyong anak pero napakarami nitong benepisyo para sa kanila. Kung talagang gusto mo na lumaki silang matalino at mabait, alam mo na kung ano ang iyong dapat gawin!

Paano i-encourage ang iyong anak na magbasa

Para ma-encourage ang iyong anak na mahiligan pa ang pagbabasa, narito ang ilang hakbang na maari mong gawin.

Bigyan siya ng iba’t-ibang klase ng libro at hayaan siyang mamili ng gusto niyang basahin.

Para unti-unting ma-encourage ang iyong anak na magbasa ay bigyan siya ng iba’t-ibang klase ng libro. Hayaan siyang mamili ng gusto niyang basahin. Sa ganitong paraan ay mai-enjoy niya ang reading experience niya at uulit-ulitin niya itong gawin.

Gawing fun ang reading experience ng iyong anak.

Para mas ma-encourage ang iyong anak sa pagbabasa ay gawing fun ito para sa kaniya. Gumawa ng mga gimik tulad ng paggawa ng set-up na kung saan puwede kayong magbasa. Maaring ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng tent o magdedesign sa reading corner ninyo sa bahay. O kaya naman ay magsuot ng costumes ng tulad ng mga karakter na inyong binabasa.

Paano lumaking matalino si baby? Simulan mo na ang pagbibigay ng fun reading experience sa kaniya ngayon!

 

Source:

Happy You, Happy Family

Basahin:

Pinakamatalino sa magkakapatid ang panganay, ayon sa pag-aaral

Sinulat ni

mayie