X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Matapos ang 10 anak na lalaki, nagkaroon narin ng anak na babae

4 min read
Matapos ang 10 anak na lalaki, nagkaroon narin ng anak na babae

Paano magkaroon ng baby girl? Posible bang magkaroon ng mga sex positions para magawa ito? Heto ang lahat ng dapat mong malaman

Paano magkaroon ng baby girl? Heto ang tanong ng mag-asawa na inabot ng labing limang taon bago magkaroon ng anak na babae. Sa kakasubok, ng mag-asawa nagkaroon na sila ng 10 anak na lalake, ngunit sa wakas ay nagkaroon na sila ng 1 anak na babae. Alamin ang kwento ni Alexis at David Brett at ang ilang paraan kung paano magkaroon ng baby girl.

Paano magkaroon ng baby girl? Heto ang kuwento ng mag-asawa

1998 nang magsimulang magsama ang mag-asawang si Alexis at David Brett. Nung siya ay 22 taong gulang, naging ina si Alexis sa panganay na anak na lalaki. Mula nuon, halos kada 18 na buwan ay muli siyang nanganganak ng isa pang anak na lalaki. Sa totoo, kinilala ang mag-asawa bilang ang unang nagkaroon ng sunod-sunod na 10 anak na lalaki nang magkakasunod.

Bisperas ng pasko nuong nakaraang taon nang maghinala si Alexis na siya ay muling nagbubuntis. Matapos sumubok ng pregnancy test, ito ay kanyang nakumpirma.

Ayon kay Alexis, hindi na sila nababahala kung lalaki man ulit ang kasunod na maging anak. Sanay na sila dito. Ganunpaman, naisipan ng mag-asawa na magsagawa ng gender scan, isang bagay na hindi nila nagawa sa unang 10 mga anak.

Laking tuwa ng mag-asawa nang malaman na magkakaroon na sila ng anak na babae. Hindi man planado na muli siyang magbuntis, hindi sila nagsisisi na dumating ang baby girl sa kanilang mag buhay. Ipinaganak nuong ika-27 nang Agusto ang 7 lb 2 oz na baby girl na si Cameron.

Makikita narin ang pagbabago sa ugali ng mga kuya, kwento ni David. Ang mga bata na may edad mula 2 taong gulang hanggang 17 taong gulang ay natutuwa sa kanilang bagong kapatid. Makikita na sila ay masmabait kumilos sa paligid nito at maingat na hindi nila ito magising mula sa pagtulog. Natutuwa rin silang hawakan at tumutulong pa sa pagpapakain ng kanilang bunso.

Hindi sinadya ng mag-asawa na lumaki nang ganito ang kanilang pamilya sa paghahangad na magkaroon ng anak na babae. Si Alexis ay isang only child at hindi siya naghangad ng malaking pamilya. Ngunit ngayon, kanya nang nasasabi na sila ay kumpleto na.

May mga sex positions ba para magkaroon ng baby girl?

Hindi man pinilit ng mag-asawang sila Alexis at David ang pagdating ni Cameron, mayroon paring mga mag-asawa na nais magkaroon ng anak na babae. Upang hindi umabot sa kasinglaki na pamilya upang makamit ito, ito ang ilang mga posisyon sa pagtatalik an pinaniniwalaang nakakatulong para magkaroon ng baby girl.

Missionary position

Hindi man kakaibang posisyon, marami ang naniniwala na nakakatulong ito upang magkaroon ng baby girl. Ginagamit nito ang kaalaman na kahit masmabagal lumangoy ang mga female sperm, mas matagal naman itong nabubuhay. Dahil pinaniniwalaan na ang missionary position ay nakakapigil sa penetration, nagiging kalamangan ito ng female sperm.

Spooning

Tulad ng missionary position, napipigilan ng spooning ang penetration. Ang mga hita ng babae ang pumipigil sa lubos na pagpasok ng sperm sa ari ng mga babae. Sa makatuwid, hinahayaan nito ang mga masmatitibay na female sperm na kayanin at umabot sa egg cells para sa implantation.

Woman-on-top

Ang posisyon na ito ay inirerekumenda rin sa pagbuo ng baby boy ngunit ang pinagkaiba ay ang pagkontrol sa lalim ng penetration. Kung gusto ng baby girl, huwag hayaan na maging sobrang lalim ng pagtatalik. Ginagamit ng posisyon na ito ang gravity upang tumagal ang implantation kung saan ang aabot na lamang ay ang mga female sperm.

Isa ring rekumendasyon ang hindi pagkakaroon ng orgasm ng babae. Kapag nagka-orgasm ang babae, mas nagiging alkaline ang ari ng babae na makakatulong sa mga male sperm. Ang mga female sperm ay mas napapabuti kung ang vagina ay acidic.

Source: Daily Mail, The Asian Parent

Basahin din: 173 beautiful baby girl names for 2019, 70 beautiful Filipino names for your baby girl

Partner Stories
Visa and Tanghalang Pilipino promote financial literacy with the launch of “Lukot-lukot, Bilog-bilog” web series 
Visa and Tanghalang Pilipino promote financial literacy with the launch of “Lukot-lukot, Bilog-bilog” web series 
5 Proven Ways To Unlock Your Child's Academic Potential
5 Proven Ways To Unlock Your Child's Academic Potential
PayMaya makes government payments easier and more rewarding with Bills Bayad Rewards promo
PayMaya makes government payments easier and more rewarding with Bills Bayad Rewards promo
Introducing solids to your baby? Here are some important dos and don’ts
Introducing solids to your baby? Here are some important dos and don’ts

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Matapos ang 10 anak na lalaki, nagkaroon narin ng anak na babae
Share:
  • 10 kakaibang sex positions na dapat ninyong subukan ni mister

    10 kakaibang sex positions na dapat ninyong subukan ni mister

  • Anal sex positions na na puwede ninyong subukan na mag-asawa

    Anal sex positions na na puwede ninyong subukan na mag-asawa

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.