Dumarami ang mga tanong ng mga ama kapag malapit nang ipanganak ang kanilang anak. “Magiging magaling na ama ba ako?“, or “paano namin kakayanin ang gastos?”
Lalo na pagdating sa mga praktikal na isyu. May panahon na hindi ko alam kung paano magpalit ng diaper.
Normal lamang sa mga bagong ama ang magkaroon ng mga tanong pagdating sa pagpapalaki ng bata. Ang magandang balita ay dumadali ito habang tumatagal!
Isa sa mga unang kailangan matutunan ay kung paano magpalit ng diaper. Mukha mang natural itong kakayanan ng iyong asawa, nagsimula rin siya sa iyong posisyon.
Maaaring hindi agad maging bihasa pagdating dito. Ngunit, matapos ang ilang paggawa nito, magiging napakadali nalang nito para sa iyo.
Sundin ang step-by-step guide na ito sa ligtas na pagpapalit ng diaper ng baby.
Paano magpalit ng diaper ni baby? Sundin ang 7 steps na ito
1. Kunin lahat ng gamit na kakailanganin
Naaalala ko ang unang pagpalit ko ng diaper ng aking baby. Habang hawak ko siya, may naamoy akong masangsang – dumumi siya sa kanyang diaper. Sa kagustuhang mabilis siyang mapalitan ng diaper, binaba ko siya ng dahan dahan, at biglang nablanko ang isip ko.
Step-by-step lang, dad! Kapag hindi sanay sa pagpapalit ng diaper, madaling kang mao-overwhelm.
Ang unang step ay umayos ng posisyon. Ihanda ang wet wipes, maligamgam na tubig, cotton balls, pamunas, bagong diapers, malinis na damit, at diaper cream. Hangga’t madaling maaabot ang mga ito, magiging maayos ang lahat.
Ito ay proactive na step, kaya maaari itong ihanda bago matulog o habang tulog ang baby.
2. Ihiga ang baby
Kapag oras nang magpalit, ihiga ang baby sa changing table.
Tanggalin ang mga straps at dahan-dahang buksan ang harapan ng diaper.
Habang hindi pa nakaka-gulong mag-isa ang baby, panatilihin ang kamay sa iyong baby upang hindi siya maka-alis sa pagkakahiga.
Hindi dapat iwanan mag-isa ang baby sa changing mat nang walang nagbabantay.
3. Maglagay muna ng bagong diaper sa ilalim!
Bago simulan ang paglilinis, maglagay muna ng malinis na diaper sa ilalim ng iyong baby.
Mahirap hulaan kung kailan biglang magpapakawala ang iyong baby habang nagpapalit ng diaper.
Subukang i-distract ang iyong baby sa pamamagitan ng pagkanta o pakikipag-usap sa kanya.
Isa pa, makakatulong din ang paglagay ng tela sa ibabaw ng ari ng mga baby na lalaki kung sakaling bigla nito maisipang umihi.
4. Punasan mula harap papuntang likod
Ngayon na nakahanda na ang lahat, oras na para simulan ang paglilinis.
Gamit ang wet wipe o pamunas, linisin ang bandang ari ng ng iyong baby mula harap papuntang likod.
Ito ay para maiwasan ang panganib ng pagkakaroon ng UTI.
Kung naglilinis ng bagong panganak, maaaring ang nililinisan ay meconium. Ang mga dumi ng mga newborn ay itim, malagkit at ibang iba sa kanilang dumi pagtanda nila.
Gumamit ng maligamgam na tubig at pamunas upang tiyak na malinisan ang dumi ng newborn.
5. Patuyuin ang iyong baby
Gumamit ng tuyong pamunas sa iyong baby matapos linisin ang lahat ng dumi.
Ang pagpapanatiling tuyo ang baby ay mahalaga sa pag-iwas sa diaper rash. Importante rin na patuyuin ang iyong baby bago gumamit ng diaper cream.
Tandaan na ang diaper area ng baby ay hindi kailangan ng sobrang daming cream. Gumamit lamang ng kakaunti, dads!
6. I-seal ang bagong diaper
Malapit ka nang matapos, dad!
Nalinisan at napunasan mo na ang iyong baby. Ngayon naman ay kailangan mo siyang i-seal!
Gamit ang isang kamay, iangat mo ang parehong paa ng iyong baby. Hilahin ang harap ng diaper sa pagitan ng kanyang mga hita.
Ibaba ang legs ng baby at isara ang mga strap ng diaper.
7. Itapon ang maruming diaper
Ang huling step ay ang ligtas na pagtapon sa gamit na diaper. Iikot lamang ito ay gamitin ang strap para hindi ito magbukas.
Ilagay ito sa maliit na plastic at tsaka itapon. Huwag kalimutan maghugas ng kamay.
Yan na iyon! Napalitan mo na ang diaper ng iyong baby! Magaling, daddy. Ilan pang ulit at magiging masmabilis at mas sanay ka na dito. Sa loob ng isang lingo, makakayanan mo nang magpalit ng diaper nang nakasara ang mata (ngunit hindi namin inirerekumendang gawin ito!)
Nakatulong ba ang guide na ito? Ibahagi sa iyong mga kaibigan na malapit nang maging mga magulang!
Basahin: #TipidTips: Mga paraan para maka-menos sa gastos sa diapers