Paano makabuo ng baby boy? Mayroong natuklasan ang isang pag-aaral na maaring makatulong sa pagkakaroon ng pinapangarap mong Junior!
Health tip kung paano makabuo ng baby boy
Isang pag-aaral ang may natuklasan na maaring makatulong sa mga magulang na nangangarap magkaroon ng baby boy. Ito ay ang research na pinamagatang “High maternal linoleic acid diet in pregnancy” na nailathala kamakailan lang sa The Journal of Physiology.
Base sa pag-aaral, ang pagkain umano ng mga pagkaing may mataas na omega 6 content ay maaring makaapekto sa pagkakaroon ng anak na lalaki ng mga babae.
Ito ang natuklasan ng mga researchers sa pamumuno ni Dr. Deanne Skelly, deputy dean at senior lecturer ng Griffith University sa Australia.
Ayon sa kaniya, ang pagkain daw ng mga pagkaing may high concentrations ng omega 6 fatty acids partikular na ang linoleic acid ay nakakabawas ng tiyansang magkaroon ng anak na lalaki ang isang babae. At ang mga pagkaing mataas sa linoleic acid ay tulad ng potato chips at mga pagkain may vegetable oil.
Epekto ng pagkain ng sobrang omega 6 fats sa mga babae
Ayon parin kay Dr. Skelly, sa tulong ng mga rat models ay natuklasan ng kanilang pag-aaral na ang mga babaeng daga na kumakain ng high linoleic acid ay nagkakaroon ng altered concentrations ng inflammatory proteins sa kanilang liver.
Tumataas din ang circulating concentrations ng kanilang prostaglandin protein o ang protein na nagdudulot ng contraction sa uterus habang buntis. Habang ang leptin o ang hormone na nagreregulate ng growth at development ng baby sa loob ng tiyan ay nababawasan.
At ang naging resulta nito ay ang kabawasan ng percentage ng male babies sa mga rat mothers na dumaan sa pag-aaral.
Bagamat ang pag-aaral ay ginawa gamit ang animal models, naniniwala ang mga researcher na makakatulong ang kanilang natuklasan sa mga magulang na naghahanap ng paraan kung paano makabuo ng baby boy.
“Our findings suggest that it’s probably a good recommendation for women who are thinking of getting pregnant to reduce the content of omega 6 in their diet. But we don’t know at this point if it is going to cause deleterious effects long-term,” dagdag pa ni Dr. Skelly.
Samantala ang iba pang pagkaing may mataas na linoleic acid ay ang sumusunod:
- processed foods
- chicken at mga chicken dishes
- grain-based desserts
- salad dressing
- potato at corn chips
- pizza
- bread
- french fries
- pasta dishes
- mayonnaise
- eggs
- popcorn
- nuts at seeds
Sources: Griffith University News , SF Gate Healthy Eating
Basahin: Puwede nga bang planuhin ang gender ng baby bago ito mabuo?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!