Pagkawala ng sense of smell at taste? Maaaring sintomas ng COVID-19

Base sa pag-aaral, ang biglaang pagkawala ng lasa at pang-amoy ay isang hidden sign ng virus. Paano nga ba makakaiwas sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang bago at kumplikado pa ring matuturing ang COVID-19 para sa atin. Ito ay kahit madami na ang nagawang pag-aaral dito. Sa ngayon ang global pandemic na ito ay isang major concern ng buong mundo na kailangang bigyan solusyon kaagad dahil hindi pa rin alam kung hanggang kailan ba ito tatagal at kung paano makakaiwas sa COVID-19.

The panic is real. Ngunit sa kabila nito, kailangan nating panatilihin ang pagiging kalmado at sundin ang lahat ng health directives at measures na binibigay ng eksperto. Ito ay para mabawasan ang tyansang magkaroon tayo ng virus. Bilang isang magulang, kailangan nating mas maging maalam sa COVID-19. Kasama na dyan ang mga mild at hidden na sintomas ng coronavirus na minsan ay nakikita sa ibang pasyente.

Paano makakaiwas sa COVID-19 | Image from Freepik

Paano makakaiwas sa COVID-19: Hidden Symptoms

1. Lost sense of smell or taste

Ayon kay Professor Nirmal Kumar, isang consultant otolaryngologist at head and neck surgeon mula UK, may ibang batang pasyente na hindi nakikitaan ng mga sintomas ng COVID-19.

Ang sintomas na ito ay maaaring maranasan mo ang unti-unting pagkawala ng iyong sense of smell, taste, anosmia at ageusia. Maraming doctor ang nagbibigay ng warning ngayon sa sintomas na ito. Kung nakakaranas sila ng ganitong sintomas, maaaring magpatingin at magpakonsulta agad sa mga doctor. Ito ay para hindi na makahawa pa sa iba kung sakaling carrier na talaga ang isang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano makakaiwas sa COVID-19 | Image from Freepik

Hidden Coronavirus Symptoms – What Parents Need to Know

Ang pagkawala ng panlasa at pang-amoy sa pagkain ay isang sintomas ng common flu at cold. Maaaring ito ay temporary lang para sa iba. Ngunit ito ay kailangang wag ipagsawalang-bahala dahil maaaring ito ay sign na pala ng isang seryosong sakit.

Ngunit gaano katagal ang pag iintay mo bago magpa-check up sa mga medical experts? Paano mo malalaman na nakakaranas kana pala ng isang sintomas ng hidden sign of coronavirus?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kung ikaw ay may common cold at nakakaranas ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy. At kung hindi ka nakakaranas ng ibang sintomas ng COVID-19 katulad ng lagnat, maaari kang mag intay ng isang araw. Hanggang sa ikaw ay bumalik sa normal. Ngunit igaliin na kapag nakakaranas ka ng ganito, kailangan mong ilayo ang sarili mo sa mga tao o magsagawa ng self-quarantine upang hindi makahawa kung sakaling carrier ka. Kung sakaling nakakaranas ka pa rin ng ganitong mga sintomas, mas mabuti kung magpa konsulta kana sa doktor.
  • Samantala, kung ang pagkawala ng panlasa at pang-amoy na hindi sinamahan ng lagnat, kailangan mo agad na magpatingin sa doctor once na maranasan mo ito para pa-test ka sa COVID-19. Ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa ay hindi normal at hindi dapat patagalin.

Ang advise ng mga doctor sa mga tao ay magsagawa ng self quarantine sa loob ng ilang mga araw kung sakaling makakaranas ka ng ganitong mga sintomas. Sa ganitong pag-uugali, mababawasan ang tyansa na makahawa sa iba.

Paano makakaiwas sa COVID-19 | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Patients reported loss of smell, taste, and appetite

Ang mga bagong findings na ito ay nagpapakita ng mga taong nagpositive sa coronavirus matapso nilang hindi maamoy ang kanilang mga shampoo at mga taong bigla na lamang nakaranas ng pagkawala ng panlasa at hirap maka-idenity ng mga pagkaing inaamoy. Meron naman na hindi nila maamoy ang diaper ng kanilang anak at iba pa. May ibang pasyente na nag-reklamo sa kanilang mga doctor na wala silang ganang kumain dahil wala silang malasahan sa pagkain.

Ayon sa isang report, sa 2,200 na infected ng coronavirus sa South Korea, 30% sa kanila ay napag-alamang nagkaroon ng issue sa sense of smell at taste.

Sa lahat ng kasong ito, kasama ang basketball player na si Rudy Gobert, ang mga pasyente ay nagpakita ng sign ng pagkawala ng sense of smell at taste. Habang ang iba namang hindi nakakaranas ng ganito ay nagkaroon ng issue sa nasal congestion. Hindi pa malinaw kung bakit ang mga sintomas na ito ay lumalabas. Ayon sa mga doctor, ang ability daw ng virus ay ang i-target ang utak ng tao kaya naman maaaring kadalasang respiratory failure ang nagiging sanhi ng problema.

Ang pagkawala ng pang-amoy at panlasa ay isang rare at bizarre sintomas ng COVID-19. Pero dahil marami-rami na rin ang mga pasyenteng nakaranas nito bago ikumpirma na positibo sila kaya masasabing ito ay hidden symptoms ng coronavirus. Dahil rito, kailangan nating mas maging aware sa nangyayari sa katawan. Katulad ng biglaang pagbabago ng temperatura o kondisyon. ‘Wag itong ipagsawalang bahala at bigyang aksyon agad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN: COVID-19 on babies: Sintomas, paano iiwasan at mga dapat gawin

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano