Maaaring may pakiramdam ka na ayaw mawala-wala. O maaari rin na napakalinaw ng mga senyales. Ngunit minsan, talagang may mga panahon na ayaw sa iyo ng iyong biyenan. Ito ay kahit na pilitin mo pang alamin kung paano makitungo sa biyenan mo.
Ang hindi magandang pakikisama sa iyong biyenan ay maaaring ang pinakaproblema sa inyong pagssama. Maaaring hindi ito malinaw sa iyong asawa dahil iba pa rin ang dating ng mga ito sa kanya.
At kahit pa maganda ang naging papapalaki niya sa kanyang anak, hindi ibig sabihin ay ganito rin ang pagtingin niya sa iyo.
Ano man ang gawin mo, hindi ka niya tinatantanan at ipinaparating kung gaano ka kasama at kung gaano kagaling ang anak niya.
Kung hindi sigurado kung hindi lang kayo nagkasundo o ayaw talaga sa iyo ng iyong biyenan, tignan ang aming listahan para malaman kung ayaw sa iyo ng iyong mother-in-law. Alamin din kung paano makitungo sa biyenan.
17 Senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan, at mga tips kung paano makitungo sa biyenan
1. Tinatanggap at bawat pagkakataon na ipahiya ka
Maaaring balewalain ng iyong asawa ang ugali ng iyong biyenan at sabihin lamang na “ganyan siya sa lahat”. Ngunit, kung napapansin na humahanap talaga siya ng oras para ipahiya o pagalitan ka sa harap ng mga tao, iba naito.
Ang pagpagalit sa harap ng iba ay may intensyon na magpahiya.
Kung lagi itong nangyayari, magbigay ng mga specific na pangyayari sa iyong asawa at sabihan siya na kampihan ka.
2. Hindi niya pinapansin ang mga imbitasyon mo
Kung ang iyong biyenan ay umiiwas sa mga imbitasyon mo, malamang ay hindi ka talaga niya gusto.
Lalo na kung ang nangyayari ay tinatanggap niya ito kapag galing sa iyong asawa!
3. Walang siyang paki-alam sa iyong career o personal life
Malalaman mong ayaw sa iyo ng iyong biyenan kung nawawalan siya ng interes kapag napaguusapan ang iyong trabaho.
O hindi niya man lang tinatanong kung kamusta ka.
Ang pagbibigay ng interes sa iyong career ay simpleng paraan ng pagpapakita ng paki-alam sa iyo. Kung ang iyong biyenan ay may paki-alam, siya ang lalapit para kamustahin ang araw mo.
4. Minamaliit ka sa kanyang anak
Hindi lamang siya humahanap ng ire-reklamo tungkol sa iyo, ngunit ginagawa niya ito sa harap ng iyong asawa.
Ang iyong biyenan ay walang maganda masasabi tungkol sa iyo at minamaliit ang iyong trabaho, itsura, o maging ang katotohanan na pinakasalan ka ng kanyang anak!
Kung lagi itong ginagawa ng iyong biyenan sa harap ng iyong asawa, maglaan ng oras para kausapin ang iyong asawa na kampihan ka. Bilang mag-asawa, team kayo. Yun ang ipinangako niyo sa isa’t isa nuong kayo ay ikasal!
Kung madalas itong mangyari sa harap ng iba, sabihan ang iyong partner na pumanig sa iyo. Subalit, kung ang iyong asawa ay may prublema sa gawain mo o sa kung paano mo kausapin ang nanay niya, dapat ay pribado ka niyang kausapin tungkol dito.
5. Nagbibigay ng mga pekeng paghingi ng tawad
Maaaring ikagulat mo kapag ang iyong biyenan ay humingi ng tawad sa kanyang nagawa. Subalit, bigyang pansin kung ito ay “peke”.
Maaari itong maging “Sorry kala mo minamasama ko ang hobby mo.”
Hindi talaga siya humihingi ng tawad, ikaw ang sinisisi niya kasi mali ang pagkaka-intindi mo.
Ang mga buong puso na paghingi ng tawad ng iyong biyenan ay kinikilala ang problema at nais itong ayusin.
6. Ang mga “thoughtful” na regalo ay pasimpleng pambabastos
Para sa iyong kaarawan o para ipagdiwang ang isang ispesyal na okasyon, binigyan ka ng iyong biyenan ng regalo na tila may pinapahiwatig.
Sa unang tingin, maaaring para itong napaka thoughtful. Ngunit, kapag kinausap mo siya kung bakit niya ito napili, malalaman na ito ay para ayusin mo ang isyu sa iyo na hindi niya gusto.
Skincare products o sets? Sinasabi niyang hindi oily ang iyong mukha. Voucher para sa mga libro? Maaaring tingin niya ay hindi ka edukado.
7. Kinakalimutan ka pagdating sa mga family activities
Kahit pa kakain lamang o birthday ng isa, tila laging kang nakakalimutan na imbetahan.
Kung tingin mo ay saktong nalilimutan kang sabihan sa mga ganap, malamang ay ayaw niya talaga sa iyo.
Napapakita ang tunay na pagkatao sa kung paano sila makisama. Maaaring nakakalungkot kapag mapansin ito. Sabihin ito sa iyong asawa at tignan kung kaya nila itong sabihin sa kanilang nanay.
8. Wala ka at ng asawa mo na picture sa kanyang bahay
Maaaring old fashioned, ngunit ang pagkakaroon ng picture sa bahay ay hindi nawawala sa uso. Normal lamang na makakita ng napakaraming picture ng iyong asawa at kanyang pamilya na nagdidiwang ng mga dating birthday o graduation.
Kung mapansin na walang picture ng kayong mag-asawa kahit saan, ito ay senyales na ayaw sa iyo ng iyong biyenan!
Ang pagpapakasal ay malaking milestone para sa lahat. Kaya nakakatakot na walang larawan ang iyong biyenan ninyong mag-asawa sa kanilang dingding o shelves.
9. Hindi ka niya pinapansin
Kala mo ang hindi pagpansin sa hindi mo gusto ay ugali lamang sa high school. Ngunit kung ang iyong biyenan ay hindi ka pinapansin kapag magkasama kayo, malamang ay ayaw ka niya.
Mahirap sabihin kung sadyang hindi ka pinapansin o hindi ka lang narinig.
Kung busy siyang maglaro sa kanyang phone o hindi tumugon nung kinakausap mo siya, nakuha mo na ang sagot!
10. Sinasapawan ang mga desisyon mo para sa anak
Maaaring tingin ng biyenan mo ay isa siyang expert. Subalit, maaari rin siyang maging sobrang conttrolling at laging sinasabi kung paano dapat palakihin ang iyong mga anak.
Lahat ng ginagawa mo ay hindi sapat at ipipilit niya kung paano niya nakikitang dapat palakihin ang mga bata.
Kausapin ang iyong partner para mag-set ng mga boundaries kung patuloy itong nangyayari.
Mahalaga man ang karanasan ng iyong biyenan, hindi dapat nanganganib na mabalewala ang iyong papel bilang pangunahing tagapag-alaga ng bata.
11. Lumalapit sa iyo para laitin ka
Isang pasimpleng pahiwatig na ayaw sa iyo ng iyong biyenan ay ang hindi harapang panlalait sa iyo.
Maaaring magbigay siya ng mga passive-aggressive na komento sa gitna ng pagsasalita at biglang aarte na tila walang nangyari.
Sobrang pasimple ito na hindi mo ito mapapansin kung hindi ka nakatuon. Sa mga ganitong pagkakataon ay mahirap malaman kung paano makitungo sa biyenan, ngunit maaari itong magawa kung maging masigasig ka, at piliting gumawa ng paraan.
12. Backhanded na papuri
Tulad ng pekeng paghingi ng tawad, ang mga backhanded na papuri ay isa ring paraan ng iyong biyenan para iparating na ayaw niya sa iyo.
“Di ko naisip na matatanggap ka sa trabaho! Congratulations!”
13. Iniinsulto ka kapag walang tao sa paligid
Kung hindi ka talaga gusto ng iyong biyenan, gagamitin niya ang panahon na walang tao sa paligid para sabihin niya sa iyo ang tunay niyang nararamdaman.
Maaaring hindi niya ito gawin sa harap ng iba para hindi mapahiya ang kanyang anak. Ngunit iba kung kayo lamang ang magka-usap at hindi ito inaasahan.
14. Laging kinu-kwento ang mga ex ng asawa mo
Paano malalaman kung mababa ang tingin sa iyo ng biyenan mo? Kapag tinatanggap niya ang bawat pagkakataon na pag-usapan ang ex ng asawa mo.
Kung ayaw sa iyo ng iyong biyenan, lagi ka niyang ikukumpara sa mga ex ng kanyang anak at ipagmamalaki kung gaano sila kagaling. Kahit pa ginagawa niya ito nang sadya o hindi ay walang pinagkaiba. Subalit, kung hindi ito kumportable sa iyo, kausapin mo ang iyong asawa para malaman kung paano niyo ito haharapin nang magkasama.
15. Binabalewala ang mga naabot mo
Ano man ang gawin mo, hindi ito sapat para sa taong ayaw sa iyo.
Manalo ka man ng award sa trabaho, maging best employee, o makaabot ng milestone sa trabaho, hindi nabibilib sa iyo ang iyong biyenan.
Sa katotohanan, hihigitan niya pa at gagawin ang lahat ng makakaya para balewalain ang mga nagawa at paghihirap mo.
16. Walang ginagawa para magkaugnayan sa side mo ng pamilya
Kapag ikaw ay nagpakasal, ang pamilya ng iyong asawa ay nagiging pamilya mo rin, at vice versa.
Kung ang iyong biyenan ay iniiwasan ang mga pagkakataon na makilala ang iyong mga magulang o na magkaroon ng magandang pakikisama sa iyong pamilya, malaking pahiwatig ito na hindi ka niya gusto.
17. Pinapa-alam ang mga hindi magagandang nasabi ng asawa mo tungkol sa iyo
Ang mga anak ay madalas na nagkwe-kwento sa kanilang mga magulang gaano man sila katanda.
Subalit, kung ibahagi sa iyo ng iyong biyenan ang mga inaalala, concerns, o disappointments tungkol sa iyo, makakasiguradong ayaw niya sa iyo.
Ito ay pagsira ng tiwala. Ngunit higit pa, bukod sa pagsira ng tiwala, may masama ring balak para masira ang inyong pagsasama ng iyong asawa.
Umasa man na magkaroon ng magandang pakikisama sa iyong biyenan, hindi lahat ay kayang magpanatili ng kapayapaan. Sana ay ang mga pointers na ito ay makatulong sa kung paano makikisama at sana, makahanap ng paraan upang makisama (o makalayo) mula sa iyong biyenan upang maiwasan ang hindi pagkakasundo.
May nalimutan ba kami? Ipa-alam sa amin sa comments sa ibaba!
Basahin: Nanay: Ayaw bisitahin ng biyenan ko ang newborn baby namin dahil kamukha ko ito