Tumataas ang bilang ng childhood anxiety sa panahon ngayon. Ayon sa pag-aaral, ang mga kabataan na dumadaan sa stress ng madalas ay tumatanda na hirap sa buhay. Para maintindihan ang pag-aalinlangan na ito o anxiety, mahalagang malaman ang mga dahilan kung bakit ito nangyayari.
Narito ang mga karaniwang dahilan:
1. Stress kaugnay ng kanilang performance
Ilan sa mga mag-aaral ay maaaring bibo o kaya naman ay competitive sa paaralan lalo na’t mataas ang kanilang pangarap. Kadalas, ang isang bata ay nahihirapang makaintindi ng kanilang mga takda sa paaralan at nahihiyang humingi ng tulong. Dahilan ito para siya ay mahuli sa pag-aaral na maaaring maging dahilan ng kanyang stress.
2. Takot sa feedback
Naghahanap ng pagpapatunay o validation ang mga bata lalo na mula sa kanilang mga magulang. Kung ang kanilang mga magulang ay may mataas na expectation mula sa kanila at hindi nila ito magawa, nakakaranas ang mga bata ng stress dahil dito. Maaaring hindi ito makasama kung ito ay panandalian lamang, minsan ay maaari pa itong maging dahilan para sila ay maging mas magaling, Ngunit, kapag nagtagal, maaari itong makasama sa kanila.
3. Stress mula sa stress ng tao/pangyayari sa kanilang paligid
Mahalagang siguraduhin ng mga magulang na ang stress na kanilang pinagdadaanan ay hindi nararamdaman ng kanilang anak. Subalit, may mga stress, lalo’t patungkol sa pera o gastusin, ang mahirap itago sa mga bata.
Ano ang mga indikasyon na stressed ang inyong anak?
Ngayong alam n’yo na ang mga dahilan ng kanilang stress, mahalagang malaman rin kung paano malaman kung sila nakakaranas na ng stress. Ayon sa American Psychological Association, ito ang mga indikasyon:
1. Pagbabago sa kanilang pag-uugali
Kung ang inyong anak ay nagpapakita ng masamang pag-uugali, maaaring dahil ito sa sila ay stressed. Pansinin kung paano nila ipakita ang kaniang galit, kung sila ay bigla na lamang nawalan ng interes sa mga gawaing dati nilang ine-enjoy, kung nabawasan na ang oras ng kanilang pagtulog, o lumalabis ito, o kaya naman palagi silang nakadikit sa inyo o kanilang guro (kung nasa paaralan).
2. Palaging masama ang pakiramdam o may sakit
Kung madalas hindi maganda ang pakiramdam ng inyong anak, lalo na kung sa oras ng pagpasok, maaring dahil ito sa stress. Mabuting dalhin ang inyong anak sa doctor upang masuri.
3. Madalas na pagkabalisa
Maaaring maging mas komportable ang inyong anak sa inyong tahanan, ngunit mahalaga ring madali silang makapag-adjust sa labas – ito man ay sa eskuwela, palaruan, atbp.
Normal lamang na maging balisa ang inyong anak sa unang pagpunta sa mga lugar na ito, ngunit kung ito ay mas madalas at ang pagkabalisa nila ay hindi nababawasan, maaaring sila ay may pinagdadaanan.
Paano tulungan ang inyong anak kung sila ay stressed
Ang malaman ang mga indikasyon kung ang inyong anak ay stressed ay makakatulong para sa inyo na mabawasan ang stress ng inyong anak, at makakatulong rin na mabawasan ang mga masamang maidudulot ng stress sa kanilang paguugali. Narito ang mga maaaring gawin:
- Huwag maging mahigpit sa kanya. Mahirap man, kung nakikita ninyong nahihirapan ang inyong anak na kamitin ang inyong pangarap para sa kanila, kailangan ninyong maging mas maunawain sa kanila.
- Kausapin sila ng mas madalas tungkol sa mga bagay na kanilang kinatatakutan o mga pinoproblema. Kadalasan, makakatulong ito na maipaunawa sa kanya na ang kanyang mga kinatatakutan ay maaari niyang malampasan.
- Iwasang pag-usapan ang sarili ninyong problema o stress sa harap ng inyong anak hangga’t sila ay nasa tamang gulang na.
- Huwag palalain ang situwasyon bago humingi ng tulong sa mga eksperto.Ang article na ito ay unang isinulat ni Anay Bhalerao.