Tanong ng karamihan, paano matanggal ang stretch mark?
Maraming epekto sa isang babae ang hormonal changes na nararanasan sa pagbubuntis tulad na lang ng epekto nito sa iyong skin.
Bagaman hindi lang ang pagbubuntis ang pwedeng maging rason sa pagkakaroon ng stretch marks, isa ito sa pangkaraniwang dahilan. Dahil nababatak ang skin habang nasa gestational period, mas malaki ang chances na dumami ang stretch marks.
Ito ang rason kung bakit maraming kababaihang nagbubuntis ang naghahanap ng paraan kung paano matanggal ang stretch marks.
Talaan ng Nilalaman
Ano nga ba ang stretch marks at mga sanhi nito?
Ang pangunahing sanhi ng stretch marks ay ang pagkapunit ng layer ng balat na tinatawag na dermis tuwing may mga panahong mabilis ang paglaki ng katawan gaya ng puberty o pagbubuntis. Pwede ring maging rason nito ang mabilis na pagbabagu-bago ng timbang dahil sa pagbubuntis.
In fact, 90% ng mga babaeng nagdadalang tao ay prone dito. Sa panahon ngayon, maraming kababaihan na ang proud sa tinatawag nilang “tiger stripes", pero para sa ilan, nakakaapekto ito sa kanilang tiwala sa sarili.
Best products for stretch marks
Mama's Choice- Stretch Mark Cream
|
Buy Now |
PALMERS Massage Lotion For Stretch Marks
Best for shea butter components
|
Buy Now |
Bio-Oil Skin Care Oil
Best stretch mark oil
|
Buy Now |
Mustela Stretch Marks Prevention Cream
Best natural
|
Buy Now |
Biolane Stretchmarks Cream
Best hypoallergenic
|
Buy Now |
Clarins Body Partner Stretchmark Expert
Best fast absorbing
|
Buy Now |
Mama’s Choice Stretch Mark Cream
Bakit magugustuhan mo ito?
Maaring hindi mo pa naririnig ang pangalan na Mama’s Choice pero sila ay nagpapakita ng malaking potential dahil isa sila sa fastest-growing brands sa Indonesia at Asia. Gumagamit sila ng iba’t ibang natural ingredients tulad ng lipobelle soyaglycone, aloe vera, shea butter at olive oil. Ang combination ng mga ito ay nakakatulong sa pag-hydrate ng balat at pag-fade ng stretch marks. Lightweight, non-sticky at mabilis ma-absorb, nakakatulong din na mapaginhawa ang pangangating kasama sa pagkakaroon ng stretch marks.
Features na gusto namin dito
- Nagbibigay hydration at moisturization sa balat.
- Lightweight at non-greasy.
- Pregnancy-safe ingredients.
Paano gamitin: I-apply ito sa mga stretch mark-prone areas tuwing umaga at gabi mula sa unang trimester. Mainam na i-massage ng paikot para sa improved blood flow.
Palmer’s Cocoa Butter Formula Massage Lotion
Best for shea butter components
Bakit magugustuhan mo ito?
Ang Palmer’s ay aprubado ng mga dermatologists. Gustong-gusto namin kung gaano kabango ang lotion na ito dahil sa cocoa and shea butter. Para sa mga naghahanap ng lotion na maganda ang pakiramdam sa balat at hindi greasy, inirerekomenda namin ang Palmer’s.
Bukod pa roon ay nagbibigay ito ng intense hydration buong araw at nag-iiwan ng malambot na pakiramdam sa balat. Kaya naman kahit na magstretch ang iyong balat dahil sa magbabago sa katawan ay makakatulong ito upang maiwasan ang pagdevelop ng stretch marks.
Features na gusto namin dito
- Nagbibigay ng skin hyrdation buong araw.
- May vitamin E na nakakatulong sa pag repair ng balat.
- Free from mineral oil, parabens, phthalates at iba pang allergens.
Paano gamitin: I-apply sa buong katawan o sa mga affected areas tatlong beses sa isang araw.
Bio-Oil
Most trusted skin care oil
Bakit magugustuhan mo ito?
Bukod sa cream at lotion, mayroon ding body oil na effective gamitin para sa stretch marks. At kung stretch mark at scar oil na rin ang pag-uusapan, imposibleng hindi masali sa listahan ang Bio-Oil. Ang produktong ito ay may PurCellin Oil na sumisiguradong makakakuha ang iyong balat ng maximum absorption. Napapanatili din nitong hydrated ang balat.
Mas magugustuhan mo ang oil na ito dahil di ito nag-iiwan ng malagkit na pakiramdam. Wala rin itong strong fragrance na maaaring makairita ng balat.
Features na gusto namin dito
- Safe sa buntis at bagong panganak.
- Non-greasy formulation
- Trusted by experts
Paano gamitin: Habang buntis, i-apply ito simula ng ikalawang trimester. I-masahe paikot sa affected areas dalawang beses sa isang araw nang hindi bababa sa loob ng 3 buwan.
Mustela Maternity Stretch Mark Prevention
Best Natural
Bakit magugustuhan mo ito?
Base sa clinical trial under dermatological control, 96% na mga kababaihang gumamit ng Mustela Stretch Mark Cream ang hindi nagkaroon ng stretch mark.
Hinahangaan namin ang brand na ito dahil ito ay gawa sa plant-based ingredients gaya ng avocado oil at avocado peptides. Mayroon din itong dalawang uri na may light fragrance at fragrance-free. Wala itong alcohol o caffeine kaya safe ito para sa ina at sanggol.
Features na gusto namin dito
- Gawa sa natural ingredients.
- Nag-iiwan ng malambot na pakiramdam sa balat.
- Walang halong strong chemicals.
Paano gamitin: Gamitin ito tuwing umaga at gabi simula sa unang trimester. Pwede ding gamiting habang breastfeeding.
Biolane Stretch Marks Cream
Best Hypoallergenic
Bakit magugustuhan mo ito?
Isa pa sa mga trusted brands ng stretch mark cream ay ang Biolane. Napakasarap sa pakiramdam na gamitin dahil sa rich at creamy texture nito. Gawa rin ito sa organic argan oil na napatunayang nakakatulong sa pag-increase ng elasticity ng balat.
Bukod pa roon ay mas pinahusay ito gamit ang hydra-bleine na pinagsasama ang oil at proteins para maiwasan ang pagkawala ng tubig sa balat at pagkatuyo nito. Hypoallergenic din ang formulation ng produktong ito at sumailalim sa dermatological test kaya naman makakasigurado kang safe ito gamitin.
Features na gusto namin dito
- Nakakapag-improve ng elasticity ng balat.
- Mayroong rich at creamy texture.
- Hypoallergenic.
Paano gamitin: I-apply dalawa hanggang sa tatlong beses isang araw sa simula ng pagbubuntis. Patuloy na gamitin sa loob ng tatlong buwan matapos manganak.
Clarins Body Partner Stretch Mark Expert
Best fast absorbing
Bakit magugustuhan mo ito?
Kung hanap mo naman ay stretch marks cream na mabilis maabsorb ng balat, subukan na ang Clarins Body Partner Stretch Mark Expert. Talaga namang stretch mark expert ang produktong ito dahil nagtataglay ito ng Centella Asiatica at Organic Green Banana extract na nagbibigay ng firmness at elasticity sa balat. Ang Licorice-derived glycyrrhetinic acid at Hazelnut oil naman ay nakakapagpanatili ng tightness ng balat upang makaiwas sa development ng stretch marks.
Karagdagan, ang cream na ito ay colorant-free at fragrance-free kaya naman safe ito gamitin lalo na ng mga mommies na may sensitive skin.
Features na gusto namin dito
Hydration at moisturization ng balat
- Fast absorbing
- Nakakapag-soothe at nourish ng balat.
- Free from colorant at fragrance.
Paano gamitin: Ipahid paikot sa hita, baywang, tiyan, at dede
Price Comparison Table
Brand | Pack size | Price | Price per ml |
Mama’s Choice | 100 ml | ₱649.00 | ₱6.49 |
Palmer’s | 250 ml | ₱725.00 | ₱2.90 |
Bio-Oil | 60 ml | ₱520.00 | ₱8.67 |
Mustela | 150 ml | ₱1,540.00 | ₱10.27 |
Biolane | 200 ml | ₱990.00 | ₱4.95 |
Clarins | 175 ml | ₱2,760.00 | ₱15.77 |
Paano matanggal ang stretch mark?
Mabuti na lang at ang paggamit ng stretch mark creams ay makakatulong upang mabawasan ang visibility nito. Hayaan niyong tulungan namin kayo para mamili ng pinakamagandang cream para sa inyo. Base sa research, ang stretch mark cream ay dapat magbigay sa inyo ng mga benepisyo gaya ng:
- Hydration at moisturization ng balat para maiwasan ang dry skin at pagkakaroon ng stretch marks
- Skin tightening para maibalik ang malambot na balat
- Ingredients na safe para sa iyo
Ngayon alam niyo na kung paano matanggal ang stretch mark. Sana ay nakatulong ang listahan na ito para makapili kayo ng stretch mark cream na para sa inyo.