Mayroong bagong pag-aaral ang nai-publish sa Plos One na medical journal. Ayon dito, ang mga kinakain ng isang tao ay nakaka-contribute sa pagiging depressed. Sinasabi sa pag-aaral na ito na ang pagkain ng mga prutas at gulay ay nakakatulong kung paano mawala ang depresyon.
Subalit, anu-ano ang mga kailangang iwasan na pagkain?
Paano mawala ang depresyon? Iwasan ang mga pagkain na ito
Fruit juice
Kung napag-alaman sa pag-aaral na nakakabuti ang prutas laban sa depresyon, bakit dapaw iwasan ang fruit juice? Ayon sa mga pag-aaral, ang fiber na makukuha sa mga prutas ay nawawala kapag ginawa na itong juice. Mahalaga ang fiber na ito sa kung paano tanggapin ng iyong katawan ang lakas mula sa pagkain. Kung wala ito, inumin na may asukal lamang ang nakukuha na nagdudulot ng sugar rush. Matapos ang sugar rush, babagsak katawan na maaaring magpalala ng mga sintomas ng depression at anxiety.
Soft drinks
Marami nang pag-aaral ang nagsasabi kung bakit dapat iwasan ang mga soft drinks. Bukod sa asukal na naibibigay nito sa katawan, wala ring nutrisyon na nakukuha dito. Tulad ng sa fruit juice, ang sugar na makukuha sa soft drinks ay nakakapagpalala ng mga sintomas ng depression at anxiety. Maski ang mga diet na soft-drinks ay hindi parin ligtas. Wala man itong asukal tulad ng sa regular na soft drinks, nauugnay ito sa masmalalang sintomas ng depression. Nakaka-pagpalala rin ng anxiety ang nilalaman nitong caffeine.
Kape
Ang kape ay hindi maganda sa kalusugan kapag hindi sanay dito. Maaari itong magdulot ng palpitations, pagiging nerbyoso at kakulangan sa tulog. Ang mga epektong ito ay nakaka-sama sa mental health ng tao lalo na kung nakakaranas na ng anxiety at depression. Kapag naman bigla itong tanggalin sa diet, hindi maganda sa kalusugan ang withdrawal na mararamdaman. Kung sanay na dito, hindi kailangang mag-alala. Ngunit, kung nais tanggalin sa sistema, dahan dahang itigil ang pag-inom ng kape at huwag biglain. Maaari rin lumipat sa pag-inom ng decaf.
Energy drinks
Kung dapat iwasan ang mga matataas sa sugar at ang kape, dapat lalong iwasan ang mga energy drinks. Ang mataas na levels ng asukal na laman nito ay hindi maganda sa kalusugan. Tulad din ng kape, nagdudulot ito ng palpitations, pagiging nerbyoso at kakulangan sa pagtulog. Mataas ang caffeine na nilalaman nito na nakatago sa iba nitong sangkap tulad ng guarana.
Alcoholic na mga inumin
Ang mga inumin na nakakalasing ay dapat iwasan para hindi lumala ang nararanasang depression. Nakaka-gulo ito sa pagtulog at nagiging sanhi rin ng dehydration. Ang sobrang pagtulog din na maaaring idulot ng pag-inom ay hindi maganda sa mental health. Subalit, ang pagkalma ng sistema ay maaaring maging daan para maging sociable ang isang tao. Ang mahalagang tandaan ay kontrolin ang dami ng naiinom. Ayon sa mga pag-aaral, ang maximum na dapat inumin sa isang araw ay isa para sa mga babae at dalawa para sa mga lalaki. Ngunit kung kayang iwasan, mas makakabuti ito.
Salad dressing
Kadalasang naka-saad sa mga dressing at marinade kung ito ay high-fructose, light o sugar-free. Dapat iwasan ang mga ito. Ang sugar levels na nakukuha sa mga ito ay mataas o kaya naman artipisyal na ginawa. Ang artificial sweeteners na kadalasang ginagamit dito ay mula sa aspartame. Ito ay isang sangkop na naiuugnay sa anxiety at depression. Makakabuti na iwasan ang mga dressing at marinade na may sangkap na ito.
Ketchup
Gawa man sa kamatis, ang ketchup ay isang uri parin ng highly processed na pagkain. Mataas ang sigar levels nito na hindi nakakabuti para sa nakakaranas ng depression. Sa totoo, ang isang kutsara lamang ng ketchup ay naglalaman ng apat na gramo ng asukal. Kung sakali man na artificial sweetener ang ginamit, naiuugnay parin ang sangkap nito sa pagkakaroon ng anxiety at depression. Makakabuting iwasan ito sa pag-alam kung paano mawala ang depresyon.
White bread
Ayon sa pag-aaral, ang mga highly processed na pagkain ay dapat iwasan ng mga nakakaranas ng depression. Ang white bread ay isa sa mga highly processed na pagkain na ito. Mukha mang regular na tinapay lamang, nagiging asukal ito sa dugo matapos kainin. Ang asukal na ito ay nagdudulot din ng sugar rush at ang kasunod na pagbagsak ng katawan. Hindi ito maganda para sa mga may sintomas ng depression at anxiety. Hangga’t maaari, piliin ang mga whole grain na tinapay imbes na white bread.
Processed foods
Ikinumpara ng pag-aaral ang epekto ng pagkain ng mga processed food sa pagkain ng mga gulay at prutas lamang. Dito nakita na ang mga kumain ng gulay at prutas ay nabawasan ang sintomas ng depression habang walang nagbago sa mga nagpatuloy sa pagkain ng processed foods. Ayon sa pag-aaral, ang mga processed food ay nagdudulot ng inflammation at walang sapat na nutrisyon. Ito ang nagiging rason kung bakit hindi ito nakakabuti sa mental health ng tao. Kabilang sa mga ito ang processed meat, mga prinitong pagkain, cereals, candy, pastries, at mga high-fat na dairy products.
Nais ipaalala ng mga nagsagawa ng pag-aaral na hindi sapat ang pag-ayos ng diet para matanggal ang depresyon. Mahalagang bahagi man ito, makakabuti parin ang sabayan ito ng pisikal na aktibidad, sapat na tulog, at balanseng lifestyle.
Basahin din: Depresyon: Mga sintomas, sanhi, at paraan upang matulungan ang kabataang dumaranas nito
Source: National Public Radio (NPR)