Ang bahagyang pamamaga o pag-darken ng balat sa ilalim ng mata, o mas kilala sa tawag na eyebags, ay karaniwan nararanasan habang ang isang tao ay tumatanda. Lalo na kung madalas na kulang sa tulog at stressed. Pero paano nga ba mawala ang eyebags? Alamin ‘yan dito!
Talaan ng Nilalaman
Ano ang eyebags at mga sanhi nito?
Dahil sa aging, ang tissues sa ilalim ng ating mata, kasama na ang mga muscles na sumusuporta sa ating eyelids ay nanghihina. Ang fat na sumusuporta sa ating mata ay lumilipat sa ating lower eyelids.
Kaya parang bumabagsak o nagiging puffy ang hitsura nito. Posible rin na naiipon ang fluid sa ibaba ng ating mata na nakakadagdag sa pamamaga.
Kadalasan, ang eyebags ay isang cosmetic concern at bihirang senyales ng isang medical condition. Narito ang ilang karaniwang sanhi nito:
- Fluid retention, lalo na pagkagising o pagkatapos kumain ng maalat na pagkain.
- Puyat o kulang sa tulog
- Allergies
- Paninigarilyo
- Eye fatigue
- Sun exposure
- Namamana ito
Paano mawala ang eyebags?
Nagkalat na ang iba’t ibang produkto na nagsasabing kayang tanggalin ang eyebags ngunit hindi laging epektibo ang mga ito.
Ang pag-inom ng maraming tubig at paglagay ng cold compress sa mga mata ay mabisang paraan ngunit panandalian lamang. Paulit-ulit pa ring bumabalik ang eyebags lalo na kung may kinalaman ito sa lahi ng tao.
Paano mawala at maiiwasan ang eyebags? Narito ang ilang paraan at home remedies na maaari mong subukan.
Tips paano mawala ang eyebags
-
Gumamit ng tea bags
Ang caffeine sa tsaa ay naglalaman ng mabisang antioxidant na nakatutulong sa pagdaloy ng dugo.
Sinasabi rin na nakakatulong ito bilang proteksyon sa UV rays at pampabagal ng pagtanda. Ayon sa mga eksperto, ang green tea ang pinakamabisang gamitin dahil sa anti-inflammatory effects nito.
Narito ang mga hakbang na dapat mong gawin?
- Magbabad ng dalawang tsaa nang 3 hanggang 5 minuto.
- Palamigin sa refrigerator ang mga teabags nang 20 minuto.
- Pigain ang sobrang tsaa mula sa mga bags bago ipatong sa mga mata.
- Iwanan na nakapatong sa mga mata nang 15 hanggang 30 na minuto.
-
Paano mawala ang eyebags? Maglagay ng cold compress sa mata
Ang pagpapalamig at paglalagay ng cold compress sa mata ay nakakatulong sa pagdaloy ng dugo at mabilis na nakakapagtanggal ng eyebags.
Narito ang ilang bagay na pwedeng gamitin pang-cold compress:
- Pinalamig na kutsarita
- Pinalamig na mga hiniwang pipino
- Maliit na tela o tuwalyang may yelo
- Frozen peas o vegetables
Balutin ang mapipili sa isang tela para maiwasan ang sobrang paglamig ng balat. Ilang minuto lamang ang kailangan para makita ang resulta nito.
-
Tanggalin ang bara sa sinus gamit ang neti pot
May nagsasabi rin na ang pagtanggal ng bara sa sinus ay mabisang paraan para mawala ang eyebags na maaaring sanhi ng sinusitis o allergies.
Ang neti pot ay isang kagamitan na nilalagyan ng normal saline solution. Ilalagay ang labasan ng tubig sa may ilong upang mabugahan ang sinus na magtutulak sa bara palabas. Alamin rito ang paraan ng tamang paggamit ng neti pot.
-
Paano mawala o maiwasan na magka eyebags? Ugaliing uminom ng maraming tubig
Isa sa mga sanhi ng eyebags ang fluid retention na epekto naman ng dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan.
Ayon sa mga eksperto, ang tamang dami ng naiinom na tubig ay 13 baso para sa mga kalalakihan at 9 na baso para sa mga babae. Ang pag-inom ng ganito karaming tubig ay makakatulong para maiwasan ang dehydration at mawala ang eyebags.
-
Uminom ng antihistamine
Ang pagkakaroon ng allergy ay maaaring sanhi ng pagkakaroon ng eyebags.
Dagdag pa dito ang namumula, nagluluha o makakating mga mata. Ito ay ang paraan ng immune system na labanan mga allergens na nasasagap natin mula sa kapaligiran.
Ugaliing kumonsulta sa muna sa doktor bago uminom ng over-the-counter medicines panlaban sa allergy o anumang gamot.
-
Tips kung paano mawala ang eyebags: Gumamit ng retinol cream
Maraming iba’t ibang gamit ang retinol cream. Maaari itong gamitin sa iba’t ibang bagay tulad na lang ng tigyawat, psoriasis at anti-aging.
Paano nakakatulong ang retinol sa eyebags? Kapag ipinahid ito sa balat, nakakatulong ito laban sa collagen deficiency at pananatiliin ang pagkabanat ng balat.
May mga mabibili nito na may mas mababang bilang ng retinol habang ang may mas mataas na bilang naman ay kinakailangan ng reseta ng dermatologist. Ipapahid ito isang beses sa isang araw, isa’t kahalating oras matapos maghilamos.
Kung ikaw ay buntis o breastfeeding, iwasang gumamit ng retinol.
-
Paggamit ng produktong pampaputi
Ang sangkap na hydroquine ng mga pampaputi ay nakakaharang sa paglikha ng melanin sa balat. Dahil dito, nakakatulong ito para mawala ang eyebags.
Tulad ng retinol cream, madaling makakabili ng mga pampaputing produkto na mababa ang hydroquine. Sa mas mataas na hydroquine, kakailanganin ng reseta ng dermatologist.
Kailangang alalahanin na ang positibong epekto ng mga produktong ito ay hindi nagiging maganda kapag nabibilad sa araw. Dahil dito, pinapayo na gamitin ito sa gabi. Kapag nakaramdam ng pagkatuyo ng balat, iritasyon, o iba pang problema sa balat, itigil ang paggamit nito.
-
Maglagay ng sunscreen : Isang paraan paano mawala ang eyebags
Dahil nakakatulong ang sunscreen sa pagpigil ng premature aging, cancer sa balat at discoloration, hindi malayong makakatulong din ito sa pagkawala ng eyebags.
Ayon sa American Academy of Dermatology, araw-araw dapat ang paggamit ng sunscreen. Pumili ng may proteksyon sa UVA at UVB at hindi bababa sa SPF 30 at heat and water resistant.
-
Magtanong sa doktor tungkol sa microneedling
Ang microneedling ay kilala bilang collagen induction therapy. Ayon sa iba, ito raw ay nakakatanggal ng kulubot, peklat, at problema sa pigments. Dahil dito, nakikilala na rin ito bilang nakakapagpawala ng eyebags.
Ang paraan na ito ay ginagamitan ng 5 karayom na tinutusok sa balat. Kadalasan ginagawa nang 6 na beses na may pagitan na isang buwan para makumpleto ang proseso.
Ang mga panganib na dala ng microneedling ay:
-
- Pagdurugo
- Pagpapasa
- Impeksiyon
- Peklat
-
Ugaliing magtanggal ng makeup bago matulog
Ang pagkakaroon ng nightly skincare routine bago matulog ay nakakatulong para mawala at maiwasan ang eyebags. Importante na linisin ang mukha bago matulog.
Ayon sa mga eksperto, ang pagtulog nang may make-up sa mukha ay ang paglantad ng balat sa free radicals. Ang free radicals ay posibleng maging sanhi ng oxidative stress na nagiging daan ng premature aging.
Gayundin, maaaring magdulot ng allergy o mairita ang balat kapag nagtagal ang makeup sa mukha. Kaya ugaliing alisin ang makeup lalo na ang eye shadow, eye liner at mascara, at maghugas ng mukha bago matulog.
-
Itaas ang ulo sa pagtulog : Isang paraan paano mawala ang eyebags
Ang paggamit ng 2 unan na magkapatong para sa ulo ay mabisang paraan para mawala ang eyebags. Ang pag-angat ng ulo ay nakakapagpigil ng pagkolekta ng dugo sa ilalim ng mata na dahilan ng pamamaga ng mata sa pagtulog.
Kung masakit para sa leeg ang pag-angat ng ulo, maaari din itaas ang ibabaw na bahagi ng katawan nang ilang inches.
-
Paano mawala ang eyebags? Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga
Bukod sa paraan ng pagtulog, ang haba ng tulog ang isa ring factor sa pagkakaroon ng eyebags.
Hindi naman puyat ang dahilan ng dark circles sa ilalim ng iyong mata. Subalit dahil nagiging maputla ang balat kapag kulang sa tulog, madaling lumilitaw ang eyebags. Dahil dito, magandang makakuha ng 7 hanggang 8 oras ng tulog sa gabi.
-
Kumain ng mga pagkaing mayaman sa collagen
Sa pagtanda ng tao, ang mga muscles at tissue na humahawak sa mga talukap ng mata ay humihina. Sanhi nito, ang balat ay unti-unting bumabagsak. Kasama rito ang fat sa paligid ng mata na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng eyebags.
Ang pag-inom ng Vitamin C ay nakakatulong sa katawan na tumanggap ng hyaluronic acid, na natatago sa katawan ng tao ngunit bumababa dahil sa pagtanda.
Ang mga magagandang mapagkukunan ng Vitamin C ay:
-
- Orange
- Red pepper
- Kale
- Brussels sprout
- Broccoli
- Strawberry
-
Kumain ng mga pagkaing mataas ang iron
Ang iron deficiency anemia ay kondisyon na kinukulang ang katawan ng red blood cells. Maaari itong sanhi ng pagkakaroon ng eyebags pati pamumutla.
Narito ang mga dapat kainin upang makatulong sa iron deficiency:
-
- Red meat, baboy o manok
- Seafood
- Beans
- Madahon na mga gulay
- Raisin, apricot at iba pang pinatuyong prutas
- Mga pagkain na pinapatibay ng iron tulad ng cereals, tinapay at pasta
- Peas
-
Bawasan ang pagkain ng maaalat
Ang pagkain ng maaalat ay nakakadagdag sa fluid retention ng katawan. Maaari rin itong maging rason sa sakit sa puso at stroke. Ayon sa American Heart Association, 2,300mg lamang o mas kaunti pa ang salt na dapat nakakain ng tao sa isang araw.
Ang isang mabisang paraan para madaling matanggal ang asin sa mga kinakain ay ang pag-iwas sa mga packaged at processed na pagkain. Mas mainam ang pagkain ng prutas at gulay kung saan madidikta ang dami ng asin na ilalagay.
-
Bawasan ang pag-inom ng alak
Ang pag-inom ng alak ay nakaka-ambag sa dehydration ng isang tao. Ang dehydration na ito ang nagiging rason kaya nagkakaroon ng eyebags.
-
Itigil ang paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay nakakaubos sa Vitamin C ng katawan. Dahil sa kakulangan ng Vitamin C, maaaring magkaroon ng kulubot sa mukha, discoloration, pati na eyebags.
Maliban sa pagpapaganda sa balat, marami pang ibang benepisyo sa kalusugan ang pagtigil sa paninigarilyo.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor?
Kadalasan, ang sanhi ng pagkakaroon ng eyebags ay hindi malubha at madaling magagamot sa mga kabahayan. Ngunit kung napapansin ang mga sumusunod na sintomas, mas mabuting tanungin na ang iyong doktor:
- Pamumula o pananakit ng ilalim ng mata
- Pangangati ng mata
- Isang mata lang kapansin-pansin ang eyebags
- Parang lumalala habang tumatagal
Sa kabuuan, ang pangungahing paraan para mawala at mabawasan ang eyebags ay ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.
Kung nababahala ka sa pa rin hitsura ng ilalim ng iyong mata, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong doktor at tanungun siya kung paano mawala ang eyebags.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.