Paano mawala ang kuto at lisa? 7 na dapat gawin para maalis ang kuto at lisa sa buhok

undefined

Walang silang dalang nakakahawang sakit at hindi rin sila nakakatalon o nakakalipad. Alamin at iwasan kung paano kumakalat ang kuto sa buhok.

Isa sa mga problema ng nating magulang ay ang pagkakaroon ng ating anak, lalo na ang ating mga anak na babae. Lahat tayo halos ay naghahanap ng solusyon para mawala ito. Alamin kung paano mawala ang kuto at lisa at maging kati free sa anit na ang iyong anak.

Ang kuto ay maliliit na insekto na kumakain ng dugo galing sa anit ng tao. Ang pagkakaroon ng maraming kuto sa buhok at anit, na kung tawagin ay pediculosis capitis, ay kadalasang nangyayari sa mga bata at nakukuha mula sa paglipat ng kuto sa buhok ng isang tao papunta sa buhok ng iba.

Kontra sa paniniwala ng marami, ang pagkakaroon ng kuto sa buhok at anit ay hindi tanda ng poor personal hygiene o maruming kapaligiran. Ang kuto ay hindi nagtataglay ng anumang viral o bacterial infection.

Sintomas ng kuto sa buhok at anit

paano mawala ang kuto at lisa

Larawan mula sa iStock

Pangangati. Ang pangngati ng ulo, anit, leeg, at tenga ang kadalasang sintomas. Ito ay dahil sa allergic reaction sa laway ng kuto.

Kung unang beses magkaroon nito, maaaring hindi maramdaman ang kati mula dalawa hanggang anim na linggo kaya’t hindi agad malalaman na may kuto na pala.

Kuto o lisa sa anit. Hindi madaling makita ang kuto o lisa dahil ito’y maliliit, ayaw sa ilaw, at mabilis gumalaw.

Itlog ng kuto sa buhok. Ang itlog ng kuto ay dumidikit sa buhok. Mahirap itong makita dahil maliliit. Kadalasan ay nasa bandang tenga at bandang batok ang mga ito. Mas madaling makita ang itlog na napisat na dahil mas maliwanag ang kulay nito.

TANDAAN: Siguraduhin muna na mayroong active infestation ng kuto bago magtungo sa doktor.

May ilang kaso na nag-gamot gamit ang over-the-counter medication o home remedies, gayong hindi naman kuto ang mayroon. Ang ilang napagkakamalang kuto sa buhok at anit ay:

  • Patay o napisat na itlog mula sa dating pagkakaroon ng kuto
  • Balakubak
  • Residue mula sa ginagamit na produkto sa buhok gaya ng gel, wax, o hair spray
  • Hair cast, o yung maliliit na bilog mula sa patay na hair tissue
  • Balat mula sa sugat sa ulo, o dumi mula sa ibang debris
  • Ibang maliliit na insekto

Sanhi

Ang kuto sa ulo ay isang parasite na singliit lamang ng buto ng strawberry. Nabubuhay ito dahil lamang sa dugo ng tao.

Ang babaeng kuto ay naglalabas ng madikit na substance kaya kumakapit ang itlog nito sa buhok. Madalas ay malapit ito sa anit, dahil doon mas magandang lumaki ang itlog.

Mapipisat ang itlog matapos ang walo o siyam na araw, at lalabas na ang batang kuto na kung tawagin ay nymph. Lalaki ang nymph sa loob ng siyam hanggang 12 araw, at ang matandang kuto ay mabubuhay naman ng tatlo hanggang apat na linggo.

Inilista namin ang ilang mga sanhi ng kuto, ito ay ang mga sumusunod:

  • Kapag nadikit sa buhok na may kuto sa buhok na walang kuto.
  • Mga kagamitan na may kuto, katulad ng damit o suklay.
  • Kadasalan nakukuha rin ito sa mga magkakapamilya.

Paano naililipat ang kuto sa buhok

Walang pakpak ang mga kuto at hindi rin sila nakakatalon. Nahahawa ang naipapasa ito sa pamamagitan ng direct contact sa isang may kuto na rin. Kaya madalas ay naghahawaan ang magkakapamilya at nakatira sa iisang bahay, o nag-aaral sa iisang eskuwelahan.

Madalang din ang maipasa ito sa pamamagitan ng indirect contact, ngunit para makasiguro, iwasan na rin ang paggamit ng mga bagay na pag-aari ng may kuto sa buhok tulad ng:

  • sumbrero at scarf
  • suklay
  • ipit at iba pang accessories sa buhok
  • headphones
  • unan
  • tuwalya
  • upuan

Maaari ring magkaroon ng indirect transfer kung ang mga bagay na ito ay nahalo sa bagay na pag-aari ng walang kuto sa buhok.

Ang mga alagang hayop naman ay hindi maaaring makapagpasa ng kuto.

Paano ito maiiwasan?

Mahirap na maiwasan ang pagkakaroon at pagkalat ng kuto lalo nasa mga bata na pumapasok sa paaralan. Kapag mayroon talaga palaging close contact sa ibang bata o tao na mayroong kuto ay mahahawa ng kuto ang sinuman.

Walang kinalaman ang hygiene sa pagkakaroon ng kuto ng isang tao, lalo na sa mga bata. May mga ilang mga shampoo o gamot na mabibili sa mga botika na sinasabing makakapagpawala ng kuto. Pero maraming pag-aaral pa ang kailangan para masabing epektibo ito at ligtas na gamitin lalo na sa mga bata.

May ilang  pag-aaral kasi na nagsasabi na ang mga sangkap ng mga produktong ito ay may coconut, olive, rosemary, at tea tree oil. Ito’y sinasabi na makakatulong para mawala ang kuto at lisa ng natural.

Pero hangga’t wala pa talagang solidong pag-aaral na ito’y nakakawala ng kuto at lisa, ito ang mga dapat mong gawin pati ng iyong anak para makaiwas sa pagkakaroon ng kuto.

Ito ay ang mga sumusunod:

  • Sabihan ang iyong anak na umiwas na idikit ang kaniyang buhok sa kaniyang mga kaklase at mga kalaro.
  • Sabihin din sa kaniya na huwag manghiram o magpahiram ng mga suklay o damit sa iba para makaiwas sa tiyansa sa pagkakaroon ng kuto.

Pero tandaan na maging malay rin tayo na hindi naman talaga ito maiiwasan sa ilang pagkakataon. Kaya naman kung sa hindi iniisahan na magkaroon siya nito, may mga paraan naman na pwede nating gawin para mawala ito.

Komplikasyon

Kung labis ang pagkamot ng ulo dahil sa kuto sa buhok, maaaring magkasugat at maimpeksyon ito.

7 na paraan kung paano mawala ang kuto at lisa

1. Paggamit ng shampoo laban sa kuto at lisa

Maaaring magrekomenda ang doktor ng over-the-counter na gamot para sa lisa sa buhok, pati sa mga itlog nito. May mga shampoo katulad ng Licealiz shampoo at Kwell shampoo na maaaring gamitin para sa kuto at lisa. Sundin ang direksyon na nakalagay sa gamot kung gaano ito katagal dapat ibabad sa buhok bago banlawan.

Baka kailanganin ng higit sa isang paggamit ng gamot o shampoo dahil baka hindi mapatay ang bagong labas na itlog sa unang gamit ng gamot. Tanunging mabuti sa doktor kung gaano kadalas ito dapat gamitin.

Makakatulong na banlawan ng suka ang buhok bago gamitin ang buhok, upang makatulong sa pagtanggal ng pagkakadikit ng mga itlog sa buhok at anit.

2. Palaging pagsusuyod sa buhok ng iyong anak

Makakatulong din ang palagiang pagsusuyod sa buhok ng iyong anak upang mawala ang kaniyang mga kuto at lisa. May mga mabibili ngayong suyod na pati ang mga lisa ay nasasamang maalis.

Medyo kailangan mo lamang ng tiyaga rito pero siguradong epekibo ito lalo na kung gagamit din ng langis habang sinusuyuran ang iyong anak.

3. Paggamit ng Anise oil

Isa sa mga home remedy o natural na pamamaraan kung paano mawala ang kuto at lisa ay paglalagay ng Anise Oil, ayon sa Medical News Daily.

Mayroong pag-aaral noong 2018 ang nagsasabi na ang paggamit nito ay ang isa sa mga pinakaepektibong natural remedies para sa kuto at lisa.

Maaaring mabili ito sa botika o mga online shop.

4. Paglalagay ng Olive oil sa buhok

Ang olive oil ay nagbibigay rin ng parehas na benepisyo katulad ng anise oil. Sino-suffocate nito ang kuto at pinipigilan din nito ang pagbabalik ng kuto o lisa sa buhok.

Isa rin ito sa mga sinasabing natural na pamamaraan na pinakaepektibo ayon sa 2018 na pag-aaral na isinagawa noon.

Bukod dito, marami ring benepisyo ang olive oil sa buhok at sa anit ng tao.

5. Paglalagay ng Coconut oil

Bukod sa kilala ito bilang treatment para sa dry skin at dry hair, nakitaan din ang coconut oil ng bisa para mawala ang kuto at mga lisa.

Ipahid lamang sa buhok ito ng regular. Mabibili ito sa mga botika at iba pang online shop.

6. Paglalagay ng petroleum jelly

Maaaring makapatay ng kuto at lisa ang petroleum jelly ayon sa Medical News Today. Sino-suffocate nito ang mga kuto at lisa.

Pwedeng maging oily at greasy ang buhok kapag gumamit nito. Maaari ring mahirapan sa pagtanggal ng petroleum jelly sa buhok. Subalit maaaring itong gamiting option kung may allergy sa mga shampoo laban sa kuto ang iiyong anak.

Madali lamang makahanap nito sa iba’t ibang botika at online shop.

7. Paglalagay ng Mayonnaise sa buhok

Sinabi ng mga ilang gumagamit  nito na ang paggamit ng mayonnaise ay nagpapalambot sa mga kuto at lisa sa pagkakapit sa buhok. Kaya naman matatanggal ito sa pagsuklay.

Marami rin ang nagsasabi na ang paglalagay nito sa buhok ay nakakawala ng pangangati sa kanilang anit sanhi ng kuto at lisa.

Subalit wala pa rin matibay na ebidensiya na nakakapatay ito ng mga kuta o lisa.

Kailan dapat pumunta sa doktor?

May ilang pagkakataon na kailangan na talaga ng isang doktor para mawala ang kuto. Maaari rin kasi itong makasama sa kalusugan ng isang bata.

Isa sa mga maaaring mangyari sa kaniya ay maging anemic siya at maaaring magkaroon ng impeksyon ang kaniyang anit dahil sa labis na pagkamot nito sanhi ng kuto.

Maaaring magkaroon ng severe iron deficiency anaemia ay isang bata kung malala na talaga ang pagkakaroon niya ng mga kuto at lisa.

Mainam na pumunta na agad sa isang doktor lalo na kung nakikita na may mga sugat na ang anit ng ating mga anak. Sa ganitong paraan mapapayuhan niya kayo kung ano ang inyong gagawin upang mawala ito.

Paano maiwasan maiiwasan ang pagkakaroon ng kuto at lisa?

Mahirap maiwasan ang pagkahawa sa kuto lalo na sa paaralan dahil madalas may close contact ang mga bata. 

Makabubuting huwag pagsamaha-samahin ang mga gamit na isinasabit tulad ng sumbrero o coats, at huwag din maghiraman ng suklay, headphones, at ipit sa buhok.

Turuan din ang iyong anak sa halaga ng proper hygiene para hindi siya magkaroon ng kuto at iba pang kundisyon.

 

Dagdag ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!