Paano nagkakaroon ng alipunga, at paano ito ginagamot?

Makati, naglalangib at nanunuyo and paa, lalo na ang mga pagitan ng daliri—senyales ito ng alipunga. Ano ba ang sanhi ng nakakairitang kondisyon na ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang alipunga o athlete’s foot ay impeksiyon mula sa fungus, at maaaring kumalat mula sa talampakan, papunta sa palad, ilalim ng kuko, at mga singit singit ng katawan. Mapapansin din ang pamumula ng ilang bahagi ng paa na parang mapa, at minsan ay may basang sugat.

Ang fungal infection o tinea pedis na ito ng paa ay nakahahawa, kaya’t dapat na malaman ang tamang paggamot para maiwasan ang paglala at pagkalat nito sa kapamilya at ibang tao.

Ilan pang karaniwang sanhi ng alipunga ay ang sakit ng balat na psoriasis, contact allergy, erythrasma, at bacterial infection. Minsan din ay napapagkamalan itong ordinaryong sugat , tuyong balat, o kaya ay exzema.

Paano maiiwasan ang pagkakaron nito?

Ang fungus na sanhi ng alipunga ay namamahay sa sahig, medyas, sapatos at iba pang nadadampian ng paa. Dumadami at nabubuhay pang lalo ang fungus kung madilim, mainit at maalinsangan ang paligid o kuwarto.

Karaniwang nakukuha ito sa paglalakad ng nakapaa sa gym, locker room ng health club o spa, swimming pool, communal showers, pati sa mga nail salons. Nahahawa din ang iba sa pagsusuot ng medyas at sapatos ng taong may alipunga. Mayron ding mga taong mas mabilis mahawa, at mayron namang bihira o hindi man lang nahahawa, ayon sa MayoClinic. Depende ito sa resistensiya ng isang tao.

May mga nagkakaron ng alipunga sa isang paa lang, may mga nagkakaron sa parehong paa, at minsan ay pati sa kamay (lalo na kung palaging hinahawakan ang paa)

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano ito ginagamot?
Huwag mag-alala: ang alipunga ay nagagamot.

  • Kung ang alipunga ay sanhi ng fungus, may mga antifungal cream medication na irereseta ang doktor. May mga over-the-counter na gamot din na pwedeng gamitin.
  • Panatilihing tuyo ang paa, pati ang medyas at sapatos na suot. Tanggalin na kaagad ang medyas o sapatos kung nabasa ito ng ulan, halimbawa, para hindi na maging sanhi ng alipunga. Magpalit ng medyas kung kinakailangan, at huwag nang ulitin ang pagsusuot ng nagamit nang medyas.
  • Kung nagpapawis ang paa, iwasan na ang pagsusuot ng masikip na sapatos o di kaya ay sapatos na ang materyal ay nakakapagpapawis ng paa. Kapag tag-init, magsuot ng tsinelas o sandals para hindi makulob sa init ang paa.
  • Iwasang maglakad ng nakapaa lalo na sa pampublikong lugar tulad ng shower room sa swimming pool area, gym, o nail salon. Kapag madumi din ang mga gamit sa paglilinis ng paa kapag nagpa-pedicure, maaaring maging sanhi din ng alipunga.

Natural na paggamot sa alipunga
Maraming natural na paraan para magamot ang pesteng alipunga, at mapuksa ang fungi:

1. Pahiran ng tea tree oil (Melaleuca alternifolia)
Mabisa ang tea tree oil sa pagpuksa ng fungi dahil sa antibacterial and antifungal properties nito. Pagmasdan lang kung may senyales na dumadami pa ang rashes pagkapahid; itigil ito at baka hindi kasundo ng iyong balat. Mas mabuti kung isasabay sa coconut o olive oil, ang tea tree oil, saka ipahid. Huwag ipapahid ng puro at direkta ang tea tree oil lang nang walang kahalong ibang oil.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Ibabad sa bawang
Alam ng marami ang bisa ng bawang sa paggamot ng mga kondisyon may kinalaman sa fungi at bacteria. Ayon sa Journal of Applied Microbiology, ang sariwang bawang ay mabisang pamuksa sa fungus na tinatawag na Candida. Kapag may alipunga, ibabad lang ng 30 minuto ang paa (o apektadong bahagi ng katawan) sa maligamgam na tubig na may dinikdik na bawang, at siguradong mapapatay ang alipunga. Gawin ito ng hanggang 2 beses sa isang araw hanggang mawala ang alipunga. Kung nasa singit o iba pang bahagi ng katawan ang alipunga, magsawsaw ng bulak sa solution at ipahid na lang.

3. Baking soda (sodium bicarbonate)
Hitik din sa antifungal properties ang baking soda, at pwedeng pang-alis ng alipunga. Magtunaw ng kalahating tasa ng sa isang batyang maligamgam na tubig, at ibabad ang paa ((o apektadong bahagi ng katawan) sa loob ng 15 hanggang 20 minuto, dalawang beses kada araw. Tuyuin ang paa pero huwag banlawan. Kung nasa singit o iba pang bahagi ng katawan ang alipunga, magsawsaw ng bulak sa solution at ipahid na lang.

4. Hydrogen peroxide na may iodine
Mabisa din ang paghahalo ng peroxide at iodine (at tubig) para patayin ang germs at bacteria sa mga sugat. Ilagay ito sa isang balde o batya, para pagbabaran ng paa o kamay na may alipunga. Kung nasa singit o iba pang bahagi ng katawan ang alipunga, magsawsaw ng bulak sa solution at ipahid na lang.

Huwag gagamitin ang iodine o peroxide ng direkta sa balat nang hindi hinahaluan ng tubig. Mahapdi ang peroxide kung may sugat ang balat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Pulbos (talcum powder)
Hindi mabubuhay ang fungus kung hindi basa o walang moisture, kaya’t mabisang lagyan ng pulbos ang apektadong bahagi para hindi na ito kumalat, at para maibsan ang pangangati. Bago magsapatos o magsuot ng medyas, tuyuing mabuti ng tuwalya (na para lang sa paa!), o di kaya ay tapatan ng blow dryer. Ingata na hindi magasgas sa pagpupunas ng tuwalya, o hindi sobrang init ang hangin ng blow dryer.

Kapag tuyung tuyo na ang paa, lagyan ng pulbos o talcum powder. May mga nabibili nang foot powder sa botika, na mabisa din.

Kumunsulta kaagad sa doktor kung:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kung ikaw ay may diabetes at ikaw ay may alipunga, magpatingin kaagad sa doktor, at huwag nang sumubok ng mga home remedies.
  • Kung hindi pa rin nawala ang alipunga pagkatapos na gawin ang mga nasa itaas,  o kaya ay lumipas na ang ilang linggo, kumunsulta sa doktor.
  • Kung may nana o lumalala ang mga sugat sa paa.

SOURCES: MayoClinic, Healthline

Basahin: Eczema sa mga bata: 10 bagay na dapat malaman tungkol sa sakit sa balat na ito