COVID-19 virus, kumakapit sa balat hanggang 9 na oras kapag nagkaroon ng contact dito

Kaya paalala ng mga eksperto, mahalagang ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay para maiwasang mahawa sa sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nahahawa sa COVID-19? Ayon sa pag-aaral, ang virus maaaring kumapit sa balat ng hanggang 9 na oras. Kaya paalala ng mga eksperto napakahalaga ng madalas na paghuhugas ng kamay.

COVID-19 virus kumakapit sa balat ng hanggang sa 9 na oras

Ayon sa isang bagong pag-aaral na nailathala sa journal na Clinical Infectious Diseases ang COVID-19 virus maaaring magtagal sa ating balat ng hanggang sa 9 na oras. Ito ang nagpapataas ng tiyansang maihawa ito sa iba o mahawa mula sa sakit. Napatunayan nila ito sa pamamagitan ng pag-ieksperimento sa balat ng mga cadaver o bangkay. Nakita nga ng mga researcher na hindi tulad ng influenza A virus na agad na namamatay sa balat sa loob ng dalawang oras, ang COVID-19 virus maaaring mag-survive rito ng hanggang 9 na oras.

Kaya napakahalaga ng madalas na paghuhugas ng kamay

Image from Freepik

Pero ayon pa rin sa pag-aaral, sa loob ng 15 segundo, ang COVID-19 virus sa balat ay maaari namang mawala. Ito’y sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay o palilgo at paggamit ng hand sanitizer na nagtataglay ng 80% na alcohol. O kaya naman sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo.

“The 9-h survival of SARS-CoV-2 on human skin may increase the risk of contact transmission in comparison with IAV, thus accelerating the pandemic. Proper hand hygiene is important to prevent the spread of SARS-CoV-2 infections.”

Ito ang konklusyon ng ginawang pag-aaral.

Hindi nakakaapekto sa flow ng oxygen sa katawan ang pagsusuot ng mask

Samantala, ayon naman sa hiwalay na pag-aaral na nailathala sa Annals of the American Thoracic Society, napakahalaga rin nang pagsusuot ng mask bilang pangontra laban sa sakit na COVID-19. Bagama’t ang pagsusuot nito ng matagal na oras ay hindi komportable para sa atin lalo na sa mga may iniindang sakit sa baga o lungs, hindi naman umano nakakaapekto ang pagsusuot nito sa flow ng oxygen sa katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napatunayan ito ng mga researcher sa ginawa nilang pag-aaral, matapos magsagawa ng experiment sa 15 healthy physicians at 15 military veterans na may sakit sa baga at mga nakasuot ng mask. Ang parehong grupo ay isinailalim sa walking test sa loob ng anim hanggang sa 30 minutos. Sunod na mineasure ang oxygen at carbon dioxide level sa kanilang dugo. Wala sa parehong grupo ang nakaranas ng pagbabago sa kanilang gas exchange measurements.

Kaya naman konklusyon nang pag-aaral, ang hirap sa paghinga sa tuwing nagsusuot ng mask ay hindi indikasyon na bumababa ang oxygen level sa katawan. Hindi rin ito delikado at hindi dapat ipag-alala. Ito’y dulot lang ng irritation sa sensitive facial nerves ng mukha. At sa normal o induce feelings ng claustrophobia.

Kaya payo nila, walang dapat ipag-alala sa pagsusuot ng mask. Dapat ay laging ugaliin ang pagsusuot nito sa lahat ng oras lalo na kung magpupunta sa mga enclosed at matataong lugar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paano nahahawa sa COVID?

Paulit-ulit namang nagpapaalala ang CDC sa kung paano nahahawa sa COVID at panano ito maiiwasan.

Close contact sa taong infected ng sakit

Ayon sa CDC, ang pangunahing paraan kung paano nahahawa sa COVID ay sa pamamagitan ng pag-inhale ng air droplets na nagtataglay ng virus. Ang mga droplets na ito ay nailalabas sa katawan ng COVID-19 victim sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Saka naman ito maililipat sa tao o bagay na nasa paligid niya. Dito na magsisimula ang pagkalat at pagkahawa sa virus na maaaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng mata, ilong at bibig.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit mas mabilis na nahahawa ang magkakapamilya o mga taong nakatira sa loob ng iisang bahay sa sakit. Pati na ang mga taong 6 feet away sa taong positibo sa coronavirus disease. Ito’y ayon kay Dr. Adam Lauring, associate professor sa microbiology at immunology sa University of Michigan.

“The main mode of transmission is respiratory droplets that can be produced by speaking and coughing. These droplets then can find their way into the mouths, noses of other people nearby.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Dr. Lauring.

Contact sa mga bagay na nahawakan o natalsikan ng droplets ng COVID-19 patient

Habang ayon naman kay Seema Lakdawala, isang virologist na pinag-aaralan ang flu transmission sa University of Pittsburgh, ang pagkakaroon ng close contact sa taong may sakit at sa bagay na nahawakan nito ay nagpapataas ng tiyansang maihawa ito sa iba.

“You can do it through shaking hands or kissing somebody who is sick, or you can do it through indirect contact transmission, which is through a contaminated surface, something like a doorknob or a handrail or you pick up somebody else’s phone.”

Ito ang pahayag ni Lakdawala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Paano makakaiwas sa COVID-19?

Kaya naman upang maiwasan ito, narito ang mga paraang paulit-ulit na pinapaalala ng mga eksperto na ating dapat gawin.

  • Ugaliin ang maayos at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. O kaya naman ay sa pamamagitan ng 70% alcohol-based sanitizer.
  • Lumayo ng hindi bababa sa 3 metro sa isang taong umuubo o umaatsing.
  • Iwasang hawakan ang iyong mukha ng hindi pa naghuhugas ng kamay. Ito’y upang maiwasang pumasok sa iyong mata, ilong at bibig ang virus.
  • Ugaliing mag-disinfect ng mga bagay at surfaces sa iyong paligid.
  • Kung galing sa labas ay agad na magpalit ng damit. Huwag ng gamiting muli ang mga jeans at jackets. Dahil maaaring kumapit sa mga ito ang virus.
  • Magtakip ng tisyu o panyo sa tuwing uubo o babahing. O kaya naman ay itakip ang iyong braso o manggas ng damit sa tuwing uubo.
  • Manatili lang sa bahay kung masama ang makiramdam.
  • Agad ng magpakonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas ng coronavirus na ubo, lagnat, hirap sa paghinga, at kawalan ng panlasa.
  • Makinig sa balita at umiwas sa mga lugar na may nailulat na kaso ng coronavirus.
  • Kung hindi makakaiwas na magpunta sa matataong lugar ay mag-suot ng mask. Mag-baon ng alcohol na madaling mailalagay sa kamay sa oras na hahawak sa mga bagay o surfaces.

 

Source:

ATS Journal, Oxford Academic, GMA News

BASAHIN:

Face shield hindi sapat na proteksyon sa COVID-19

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement