Nagwawala ang bata? 8 'magic words' na puwedeng sabihin para mapakalma siya

Minsan, kailangan pakalmahin ang batang nagta-tantrum. Gamitin ang 'magic words' na tiyak na makakatulong kung paano patahanin ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano patahanin ang bata? Narito ang ilang ‘magic words’ na maaaring makatulong sa ‘yo.

Napakasaya maging isang magulang. Bawat ngiti, bawat tawa at bawat yakap ng ating anak ay talaga namang napakasarap sa pakiramdam. Parang napapawi na lahat ng lungkot at pagod kapag nakikita mong masaya ang iyong anak.

Subalit sa mga sandaling sinusumpong at nag-aalburoto ang bata, tila napakahirap maging magulang. Hindi na natin alam ang gagawin kapag nagsisimula nang mag-tantrums ang ating anak at kung paano patahanin ang bata.

Tantrums ng bata

Bagama’t parang nakakatakot at nakakainis kapag nagmamaktol o nagta-tantrums ang iyong toddler, ito ay isang senyales na ang kaniyang brain ay nagde-develop ng maayos.

Ayon kay Deena Margolin, isang clinical child therapist at parent coach,

“As rough as tantrums are for our parents, they are a sign that your child’s development is on track. They’re a milestone.”

Sa panahong ito, unti-until pa lang na nade-develop ang bahagi ng isip ng iyong anak na may kinalaman sa pagkontrol ng emosyon, reasoning at logic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung toddler pa ang iyong anak, ito rin ang panahon na nagsisimula pa lang silang mag-explore sa kanilang paligid, at sinusubukan ang kanilang kalayaan o independence.

Kaya naman madalas ay titingnan nila kung hanggang kailan nila pwedeng gawin ang isang bagay. Hanggang saan ang maari nilang maabot.

At kapag hindi nila nakuha ang kanilang gusto, o hindi nila maipahayag ang kanilang damdamin (sa stage na ito, nagsisimula pa lang silang magsalita at hindi pa malawak ang kanilang vocabulary), nakakaramdam sila ng inis o frustration kaya naman madalas ang kanilang pag-iyak, pagsigaw, paghiga sa sahig o iba pang kilos na hindi kaaya-aya.

Maling paraan ng pagtugon sa tantrums ng bata

Ang tantrums ay kasama sa mga pagdaraanan ng bata sa kaniyang paglaki. Ngunit sa kabila nito, hindi natin maiwasang makaramdam ng kaunting (o matinding) pagkainis kapag nangyayari ito, lalo na kung hindi natin makuhang patigilin o patahanin ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minsan, dala ng ating sariling emosyon, nakakagawa tayo ng mga bagay na sa halip na makatulong para kumalma ang bata, ay lalong nakakasama at magiging dahilan para lalong tumindi ang kaniyang pag-iyak o pagliligalig.

Posible rin naman na ang mga gawaing ito ay napulot natin mula sa ating mga magulang na inakala natin ay tamang paraan kung paano patahanin ang bata.

Narito ang ilang bagay na madalas na gawin ng ilang magulang na hindi nakakatulong sa tantrums ng kanilang anak:

  • Pagsigaw o pagtaas ng boses

Dala ng ating galit, maaaring tumaas o tumindi ang ating emosyon, kaya naman nasisigawan o nakakagalitan natin ang ating anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit bukod sa hindi ito nakakatulong para mapatahan ang bata, ipinapakita lang nito na ayos lang sumigaw o magwala kapag nakakaramdam ng galit.

  • Pagrason sa bata o pakikipag-negotiate

“If we escalate or try to reason with a toddler, or if we negotiate with a toddler, we’re only going to make it worse,” ani Kristen Gallant, isang parent coach at partner ni Margolin sa kanilang Instagram  page na Big Little Feelings.

Madalas, kailangan lamang antayin na kumalma ang bata. Pag-aantay lang ang kailangan at hindi na nagtatanong kung paano patahanin ang bata.

  • Pagbigay ng gusto ng bata

Minsan naman, para lang tumigil sa pag-iyak ang bata (dahil maraming tao ang nakatingin, o wala tayong oras para kausapin sila), ibinibigay na lang natin ang kanilang gusto.

Maaaring makatulong itong tumahan ang bata pansamantala, pero nakakasama ito sa katagalan dahil naiisip ng bata na epektibo ang pagta-tantrums upang makuha nila ang gusto nila.

“We’ve taught them that if they tantrum hard enough, they may get what they want. This almost guarantees a longer, stronger tantrum next time,” ani Margolin.

“Ngunit kung ang mga nabanggit ay maling paraan ng pagpapatahan or pagtigil sa tantrums ng aking anak, paano ang tamang paraan para patahanin ang bata?”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano patahanin ang bata? Gamitin ang mga ‘magic words’ na ito!

Una sa lahat, ang dapat mong gawin ay kumalma. Gaya ng nabanggit, walang maitutulong ang pagsigaw o pagsabay sa matinding emosyon ng iyong anak. Maging mahinahon. Kung kailangan mo ng ilang sandali para huminga ng malalim at bumilang ng 1 hanggang 10 para kumalma, gawin mo.

Kapag nasiguro mo na kalmado ka na, narito ang mga salita na pwede mong subukan para naman mapakalma at mapatahan ang iyong anak (at ilang halimbawang sitwasyon):

1. “Alam ko ang gusto mo, kaso…”

Madalas, nangyayari ang tantrums kapag may gusto ang isang bata na hindi niya makuha dahil sa kung anong rason. Kahit maaaring sabihan na hindi ito pwede sa ngayon, dapat simulan sa pagkilala sa kanilang nararamdaman.

Ito ang dahilan kaya ang pag-sabi ng “Alam ko ang gusto mo, kaso…” ay nakakatulong na malaman nilang alam mo ang kanilang nararamdaman, at sinusubukan mong makipag-rason sa kanila. Mahalaga ang empatiya, lalo na pagdating sa mga anak.

Halimbawa: “Alam ko na gusto mong manood pa sa iPad anak, kaso gabi na. Kailangan mo nang magpahinga. Bukas na lang uli.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. “Naiintindihan kita, anak.”

Isa pang paraan para mapakalma ang bata ay ang iparating sa kaniya na naiintindiham mo siya. Kadalasan kasi, nakakaramdam ng frustration ang iyong toddler kapag hindi niya maipahayag ng maayos ang kaniyang damdamin o saloobin.

Hayaan mong sabihin niya ang gusto niyang sabihin, at pagkatapos, iparating mo na naiintindihan mo ang kaniyang nararamdaman.

Halimbawa: “Naiinis ka kasi hindi mo maabot ang iPad sa itaas ng mesa. Naiintindihan kita, anak. Nakakainis naman talaga ‘yan.” 

3. “Uy, tignan mo ‘to!”

Isang paraan para matigil ang tantrums ng bata ay ang gumawa ng distraction o kunin ang pansin nila. Maaaring gumamit ng laruan, pagkain, o kahit ano na maaaring makuha ang kanilang interes o maalis ang isip nila mula sa tantrum.

Buti na lang, maikli lamang ang attention span ng mga bata. Madali makukuha ang pansin nila mula sa bagay na gusto nila, gamitin ito para madaling matigil ang tantrums. Maaari rin itong gawin bago pa magsimula ang tantrum, o kapag nakita na ang mga senyales.

Pagkatapos mong iparating sa bata na naiintindihan mo siya, at ibigay ang boundary o ang bagay na dapat niyang gawin, magbigay ng distraction para mabaling ang atensyon niya sa ibang bagay.

Halimbawa: “Hindi na pwedeng manood sa iPad, anak, bukas naman uli. Tingnan mo ‘yong laruan na ‘yon, parang ang ganda. Halika laruin natin ‘yon.”

 4. Laro tayo!

Gaya ng nabanggit, isang mabisang paraan kung paano patahanin ang bata ay ang maglaro o patawanin siya. Maaaring subukan siyang kilitiin, baguhin ang iyong mukha, o gumawa ng mga nakakatawang tunog para malimutan nila ang sanhi ng kanilang tantrum.

Madaling patawanin ang mga toddlers, kaya pagnakuha ang kanilang atensyon, madali nilang malilimutan ang kanilang tantrum!

Halimbawa: “Sorry anak, hindi mo pwedeng paglaruan ang cellphone ni Mommy. Tara, laro tayo ng blocks mo!”

5. Halika, lakad tayo sa labas!

Minsan, para malimutan ng bata ang nagdulot ng tantrum, maaari silang dalhin sa labas kung saan may ibang aktibidad na maaaring magpakalma sa kanila.

Hindi lang ito magandang pampakalma, paraan din ito para mailabas ang bata at makakatulong sa kanilang development at sa pagtuto ng kanilang kapaligiran.

6. “Anong gusto mo, ito o ito?”

Hindi ba’t nakaka-frustrate naman talaga kung palaging “No” o “Bawal ‘yan” ang maririnig mo?

Ganito rin ang damdamin ng iyong anak. Natural sa mga bata ang magtanong at mag-explore, kaya naman labis silang naiinis o napu-frustrate kapag naririnig nila ang salitang ito.

Para mapatahan ang bata, huwag mag-focus sa “No,” kundi sa “Yes.” Dapat maramdaman ng iyong anak na mayroon pa rin siyang kalayaan na mamili para sa kaniyang sarili.

“Toddlers here no, no, no, all day long. So when you shift to the yes, you’re not only taking the focus away from that “no” and that boundary, but you’re also giving them a piece of age-appropriate power – something to control in their day,” ani Gallant.

Pagkatapos mong sabihin sa iyong anak kung ano ang bawal o hindi niya pwedeng gawin, ibaling ang atensyon niya sa bagay na pwede niyang gawin at bigyan siya ng pagkakataon na mamili.

Halimbawa: “Sorry anak, hindi na tayo pwedeng manood ng iPad ngayon. Tara, laro tayo sa labas. Anong gusto mong mauna, magslide o maglaro ng taguan?”

7. “Gusto mo ng yakap?”

Minsan, ang kailangan lamang ng bata para kumalma ay ang iyong pagkakalinga. Kaya imbes na subukang magrason o kausapin sila, maaaring bigyan sila ng yakap para sila’y kumalma.

Malaki ang natutulong ng yakap dahil napaparamdam nito ang pagmamahal, at therapeutic sa inyong dalawa. Kaya, kung naiinis na sa tantrums ng bata, bakit hindi sila bigyan ng yakap? Baka ito lamang talaga ang kanilang hinahanap.

8. Andito lang si Mommy.

Hindi madali ang tantrums, para sa magulang, maging para sa mga bata. Madalas ay nakakaramdam ang bata ng frustration dahil tila mag-isa lang siya sa kaniyang emosyon. O hindi niya maipaliwanag ang isang bagay.

Kaya naman mahalaga na maiparating mo sa iyong anak na kasama ka niya at hindi mo siya iiwanan sa kaniyang pinagdadaanan.

Halimbawa: “Kaya mo ‘yan anak. Nandito lang si Mommy. Handa akong tulungan ka.”

Paano patahanin ang bata? Depende rin kasi ang sagot sa sitwasyon na kinalalagyan niyo. Subalit tandaan na kahit nagta-tantrums ang iyong anak, magkakampi pa rin kayo at dapat iparamdam mo ito sa kaniya.

Maging mahinanon, kumonekta sa iyong anak at iparamdam na mahal mo siya at magkasama kayo sa kaniyang pinagdadaanan.

 

Karagdagang ulat mula kay Camille Eusebio