X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Huwag na huwag mong sasabihin ito sa iyong asawa kahit na galit ka

4 min read
Huwag na huwag mong sasabihin ito sa iyong asawa kahit na galit kaHuwag na huwag mong sasabihin ito sa iyong asawa kahit na galit ka

Paano nga ba suyuin ang asawa pagkatapos ng mainit at seryosong pag-aaway? Malamang ito ang tanong kadalasan ng mga mag-asawa.

Paano suyuin ang asawa pagkatapos ng mainit at seryosong pag-aaway? Ito ang tanong kadalasan ng mga mag-asawa (na madalas mag-away).

Constant arguing in a relationship: Nakakatulong ba?

Ang misunderstanding o hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon lalo na sa buhay mag-asawa ay normal. Ito ay dala rin ng mga problema at pressure sa iba’t-ibang bagay. Hindi maiiwasan ito dahilan para magkaroon ng pag-aaway sa isa’t-isa.

Kapag galit ang isang tao, minsan ay hindi na nila nakokontrol ang kanilang galaw at pananalita. Nakakapagbitaw sila ng masasakit o hindi magandang salita sa kanilang partner. Bilang asawa, dapat nga ba tayong maniwala o matakot sa mga salitang ito?

Sabihin na nating kapag galit tayo, nawawala na talaga sa kontrol at nakakapag sabi tayo ng masakit na salita na maaaring makapagdala sa risk ang isang pagsasama.

 

paano-suyuin-ang-asawa

Paano suyuin ang asawa? | Image from Freepik

Huwag na huwag mong sasabihin ito sa iyong asawa kahit na galit ka

Hindi magandang gamitin ang salitang ‘divorce’ bilang isang threat o joke sa loob ng relasyon ninyong mag-asawa. Mapapa-isip ang isang panig kung totoo ba ang iyong sinasabi at o hindi.

Ayon sa pag-aaral, nagkakaroon talaga ng Divorce Thoughts ang mga mag-asawa. Nakakapag-isip sila na ituloy ang pakikipaghiwalay lalo na kung malaki at malalim ang problemang pinagdadaanan nila. Kadalasan, ang thoughts na ito ay hindi nakakalabas sa kanilang utak. Patuloy lang itong pinaghahawakan at nasasabi lang kapag may pagkakataon, katulad ng pag-aaway.

Ang pagsabi at pag-iisip ng divorce ay may pagkakaiba. Ayon kay Dr. Karen Sherman, isang psychologist, ang pagbabanta na divorce kapag nag-aaway ay hindi makabubuti sa inyong relasyon.

“During an argument, emotions are running wild, and lots of things are said that are in ‘the heat of the moment,’ but the threat of divorce should never be said.”

paano-suyuin-ang-asawa

Paano suyuin ang asawa? | Image from Unsplash

Once na makapagsambit ka ng salitang ‘divorce’ sa iyong asawa, ang unang iisipin nito ay talagang final na ang iyong desisyon at gusto mo na talagang makipaghiwalay.

“Clearly, the idea of divorce is the ultimate abandonment and goes to the core of people’s attachment issues. So, even though it is only at the moment and not really meant, the threat has been put out there and is frightening.”

Sang-ayon naman ang cognitive behavioral therapist na si Dr. Paul DePompo tungkol dito. Ayon sa kanya, ang salitang ‘divorce’ ay nagbubukas sa pagkakataon para ituloy ang divorce ng mag-asawa.

“A spouse should never use the D-word during an argument unless this is a serious consideration and is not being said in anger. The reason why it is harmful is that it opens up the door for divorce to be on the table.”

Dagdag pa niya na ito ay ‘traumatic’ para sa isang asawa. Ang pagsasabi ng ganitong salita ay hindi nakakapagbigay ng solusyon sa pag-aaway.

How to make your partner feel special

Narito ang ilang dapat gawin para ma-improve ang inyong pagsasama ng partner mo.

1. One-on-one talk

Makaktulong ang pagtatanong mo sa kaniya kung ano ang mga hilig nito. Katulad ng paboritong pagkain, lugar, pasyalan o maski bagay. Ilista ang lahat ng ito! Nasa sa iyo na kung paano gagamitin ang lahat ng iyong nalaman. Maaaring isurpresa siya sa kanyang kaarawan gamit ang mga paborito niyang regalo at pagkain.

2. I-appreciate ang kaniyang small efforts

Ang pag-appreciate ng effort ng bawat isa ay mahalaga sa isang relasyon. Napapanatili kasi nito ang love na namamagitan sa inyong dalawa ng partner mo. Sino ba namang hindi gaganahang bumangon sa umaga kung alam mong may taong nakaabang sa iyong presyensya lagi?

paano-suyuin-ang-asawa

Paano suyuin ang asawa? | Image from Unsplash

3. Gumawa ng ‘Bucket List’

Lahat ng relasyon ay may pangarap. Para sa indibidwal man ‘yan o sa kanilang pagsasama mismo. Yayain si partner na gumawa kayo ng ‘Bucket List’ kung saan nakalagay lahat ng inyong pangarap o nais na matupad sa inyong pagsasama. Maaaring magbakasyon sa ibang bansa, mag-camping, ikasal sa beach, mag-swimming sa boracay o lahat ng inyong nanaisin bilang magkarelasyon,

Makakatulong ang ‘Bucket List’ sa inyong bonding. Nakikita niyo na rin ang inyong mga sarili sa future na magkasama.

4. Confession

Isa pang sikreto ng matibay ng relasyon ay ang pagiging honest sa isa’t-isa. Ngayon, bakit hindi mo sabihin sa iyong partner kung kailan ka sumasaya kapag kasama siya? Maaaring ‘Mas lalo akong sumasaya kapag kinakantahan mo ako habang natutulog’. Malaki ang nagiging epekto nito sa pinagsasabihan mo. Matutuwa rin sila na na-a-appreciate mo ang lahat ng kaniyang effort sa inyong relasyon.

5. Ipaalala kung gaano siya kahalaga

Bawat oras sa inyong pagsasama ay mahalaga. Wala ka dapat palampasin na pagkakataon para sabihin kung gaano siya kahalaga sa’yo. Dito niya mas lalong mararamdaman kung gaano siya ka-importante sa buhay mo.

 

Partner Stories
What does it mean when you have scoliosis?: MakatiMed’s Department of Orthopedics answers the question
What does it mean when you have scoliosis?: MakatiMed’s Department of Orthopedics answers the question
Jollibee Foods Corporation and PayMaya pioneer conversational commerce with ‘cashless’ ordering chatbot
Jollibee Foods Corporation and PayMaya pioneer conversational commerce with ‘cashless’ ordering chatbot
These truly inspiring moms show us what #momgoals really look like
These truly inspiring moms show us what #momgoals really look like
The secret to not breaking the bank and keeping pets healthy
The secret to not breaking the bank and keeping pets healthy

Source:

Very Well Mind

BASAHIN:

#BreakingNews: Divorce sa Pilipinas, hindi naaprubahan sa Senado

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Huwag na huwag mong sasabihin ito sa iyong asawa kahit na galit ka
Share:
  • This sweet dad proves that friendship after divorce is possible!

    This sweet dad proves that friendship after divorce is possible!

  • 5 Bagay na madalas pinag-aawayan ng mga mag-asawa

    5 Bagay na madalas pinag-aawayan ng mga mag-asawa

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

app info
get app banner
  • This sweet dad proves that friendship after divorce is possible!

    This sweet dad proves that friendship after divorce is possible!

  • 5 Bagay na madalas pinag-aawayan ng mga mag-asawa

    5 Bagay na madalas pinag-aawayan ng mga mag-asawa

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.