Paano tumaba ng mabilis pero healthy? Narito ang mga tips para tumaba!
Mababasa sa artikulong ito:
- Tips kung paano tumaba ng mabilis.
- Mga vitamins na makakatulong para tumaba.
Tips para tumaba agad | Image from Unsplash
Bakit nga ba may ibang tao na mahilig kumain pero hindi nadadagdagan ang timbang?
Minsan talaga mapapatanong kana lang sa hangin ng “Paano ba tumaba agad?” Lalo na kung ginawa mo na ang lahat para lang madagdagan ang timbang mo.
Ayon sa iba, kaya may mga taong hindi tumataba kahit madaming kumain ay dahil mabilis ang metabolism nila. Mabilis din nilang nailalabas ang lahat ng pagkaing nasa tyan. Ngunit may iba naman na likas na payat at kahit anong kain, hindi pa rin tumataba. Kaya naman narito ang mga paraan kung paano tumaba agad!
Paano tumaba agad?: Mga paraan kung paano tumaba ng mabilis
1. Kumain ng mga pagkain na ma-calories.
Ang unang paraan kung paano tumaba ng mabilis ay ang kumain ng pagkaing ma-calories na sobra sa kailangan ng iyong katawan.
Para malaman ang calorie needs ng iyong katawan ay gumamit ng calorie calculator na nakadepende sa iyong edad, kasarian, taas at bigat ng katawan.
Kung gusto mo tumaba nang dahan-dahan at steady lang, i-aim ang dagdag na 300-500 calories na lagpas sa kaniyang i-burn ng iyong katawan ayon sa calculator. Para tumaba naman ng mabilis i-aim ang dagdag na 700-1,000 calorie intake araw-araw na lagpas sa iyong maintenance level.
2. Kumain ng mga pagkaing ma-protein.
Ang sunod na paraan kung paano tumaba ng mabilis pero healthy parin ay ang pagkain ng mga pagkaing ma-protein. Dahil ang ating body muscles ay gawa sa protein makakatulong na magkaroon ng dagdag na intake nito para ang mga extra calories sa katawan ay maging muscles at hindi fats.
Para madagdagan ang iyong timbang, i-aim ang 0.7-1 gram ng protein per pound ng iyong body weight o 1.5-2.2 grams ng protein per kilogram. Maari ring tumaas sa recommended protein intake kung mas mataas ang calories ng iyong katawan.
Ang mga high-protein foods ay ang karne, isda, itlog, mga dairy products, legumes, nuts at iba pa. Ang mga protein supplements gaya ng whey protein ay makakatulong rin sa pagkakaroon ng enough protein sa iyong diet.
Tips para tumaba agad | Image from Unsplash
May mga homemade protein drinks rin na maaring inumin para sa mabilis na pagtaba. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Chocolate banana nut shake
Gawin ito sa pamamagitan ng paghalo ng isang pirasong saging, 1 scoop ng chocolate whey protein, at 1 kutsarang peanut butter.
Vanilla berry shake
Paghaluin ang 1 cup ng fresh o frozen mixed berries, yelo, 1 cup ng high protein, full fat Greek yogurt, at 1 scoop ng vanilla whey protein.
Chocolate hazelnut shake
Paghaluin ang 15 ounces o 444 mL ng chocolate milk, 1 scoop ng chocolate whey protein, 1 tablespoon (15 mL) ng hazelnut butter, at 1 avocado.
Caramel apple shake
Paghaluin ang 1 sliced apple, 1 cup o 237 mL ng full fat Greek yogurt, 1 scoop ng caramel- or vanilla-flavored whey protein, at 1 tablespoon (15 mL) ng sugar-free caramel sauce o flavoring.
Vanilla blueberry shake
Paghaluin ang 1 cup o 237 mL ng fresh o frozen blueberries, 1 scoop ng vanilla whey protein, 1 cup (237 mL) ng vanilla Greek yogurt, at sweetener kung kinakailangan.
Super green shake
Paghaluin ang 1 cup o 237 mL ng spinach, 1 avocado, 1 banana, 1 cup o 237 mL ng pineapple, at 1 scoop ng unflavored o vanilla whey protein.
BASAHIN:
Mabisang vitamins para gumana ang pagkain ng iyong anak at tumaba
LIST: 5 best vitamins for babies to gain weight
Vitamins na nakakataba: Mga rekomendasyon ng eksperto
3. Kumain ng high-carb at high-fat foods.
Susunod na paraan kung paano tumaba ng mabilis ay ang pagkain ng mga high-carb at high-fat foods.
Ang mga healthy high-carb foods ay gaya ng oatmeal, saging, sweet potatoes at marami pang iba. Ang mga healthy high-fat foods naman ay tulad ng avocado, cheese, dark chocolate at whole eggs.
Siguraduhin ding kumain ng tatlong meals sa isang araw at kumain ng energy dense snacks.
Para madagdagan ng calories ang mga foods na rich in carbohydrates ay maaring gawin ang mga sumusunod na tips.
- Dagdagan ng sour cream ang mga patatas.
- Maglagay ng grated cheese sa quinoa o mashed potatoes.
- Maglagay ng healthy fats tulad ng olive o avocado oil sa iyong roast vegetables.
- Lagyan ng sliced olives ang iyong inihandang pagkain bilang toppings.
- Magdagdag ng hummus sa whole grain bread o crackers.
- Gumamit ng dairy o soy milk kaysa sa tubig sa iyong oatmeal at iba pang hot grains.
4. Gumamit ng sauces, spices at condiments para mas maging malasa ang iyong pagkain.
Para mas ganahan ka sa pagkain ay siguraduhing maging malasa ang iyong kinakain. Gumamit ng mga pampalasa gaya ng sauces, spices at condiments.
Iwasan rin ang pagkain ng maraming gulay. Kung kakain ng isang buong prutas piliin ang mga hindi kinakailangan ng sobrang pag-nguya tulad ng saging.
5. Magbuhat ng weights at i-improve ang iyong lakas.
Para naman masigurong ang mga extra calories ng iyong katawan ay nagiging muscles at hindi fats importanteng magbuhat ng weights.
Magpunta sa gym at magbuhat ng weights ng 2-4 times a week. Subukan dagdagan ang bigat ng weights na binubuhat sa pagdaan ng iyong training.
Kung first time mag-training mas maiging kumuha ng personal trainer para masubaybayan ka sa iyong pagbubuhat. Mas mabuting iwasan din ang mga cardio work-outs dahil maiiburn nito ang extra calories na kailangan mo.
Tips kung paano tumaba agad | Image from Freepik
10 dagdag tips kung paano tumaba ng mabilis
1. Huwag uminom ng tubig bago kumain para hindi maging busog at makakain ng marami at kinakailangan mong calories.
2. Kumain ng mas madalas. Magdagdag ng snacks o additional meal gaya ng snacks bago matulog.
3. Uminom ng gatas para magkaroon ng dagdag na protein at calories ang iyong katawan.
4. Paano tumaba ng mabilis? Subukan ang mga weight gainer shakes na may mataas na protein, carbs at calories.
5. Gumamit ng mas malaking plato sa pagkain para mas makakain ng marami.
6. Para sa dagdag calories, maglagay ng cream sa iyong coffee.
7. Para naman madagdagan ang bigat ng iyong muscles, uminom ng muscles building supplement na creatine.
8. Matulog at kumuha ng quality sleep.
9. Paano tumaba ng mabilis? Unahin sa pagkain ang mga protein-rich at calorie-dense foods at ihuli ang mga gulay.
10. Pinakahuli at isa sa pinakaimportanteng tips para tumaba, huwag manigarilyo.
Tips para tumaba: Mga vitamins na makakatulong sa’yo
Kailangan uminom ng vitamin B ang mga taong gusto ng magandang diet. Hindi kasi sapat ang pagkain lalo na kung hindi ito nilalabas.
Narito ang mga Vitamin na kailangan mong inumin:
- riboflavin or B-2
- folate
- B-6.
- thiamine or B-1
- pantothenic acid or B-5
- B-12
- niacin or B-3.
- biotin.
Mga maaring dahilan kung bakit hindi tumataba
Samantala, kung nahihirapan paring tumaba matapos gawin ang mga nabanggit na tips at paraan ay mabuting magpatingin na sa doktor. Dahil maraming posibleng dahilan kung bakit mababa ang iyong timbang o ikaw ay underweight. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Eating disorders na kung saan kabilang ang anorexia nervosa, isang serious mental disorder.
- Pagkakaroon ng thyroid problems tulad ng overactive thyroid o hyperthyroidism na nag-boboost ng metabolism at nagdudulot ng unhealthy weight loss.
- Celiac disease na isang malalang form ng gluten-intolerance.
- Ang pagkakaroon ng uncontrolled diabetes ay maaring magdulot rin ng severe weight loss.
- Nakaka-burn rin ng malaking amount ng calories at nakakapayat ng labis ang pagkakaroon ng sakit na cancer.
- May mga impeksyon rin sa katawan tulad ng tuberculosis, HIV at AIDS ang maaring magdulot ng severe weight loss sa isang tao.
- Ang mga taong stress, may depression at anxiety ay maari ring mahirapang tumaba.
Kung lahat na ng bagay para tumaba ay nagawa mo na, mabuting magpatingin na sa doktor para malaman mo ang tunay na estado ng iyong kalusugan.
Source: Healthline, Medical News Today, Mayo Clinic
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!