5 paraan para magtagal ang pagsasama niyong mag-asawa

Para sa relationship goals, narito ang limang paraan kung paano tumagal ang relasyon at kung paano pagtibayin ito.

Paano hindi magsawa sa isang relasyon?

Lahat tayo ay nagnanais malaman ang kasagutan sa tanong na iyan. Lalo pa ngayon na tila nauuso ang hiwalayan at madalas na hindi pagkakaintindihan sa mga magkarelasyon.

Ayon nga sa mga tala ng Office of the Solicitor General o OSG, mula sa 4,520 na filed cases ng annulment noong 2001 tumaas ito ng 11,135 nitong 2014. Hindi pa kasama diyan ang mga hiwalayang walang pormal na prosesong pinagdaanan para sa mga kinasal at ang mga pagsasamang hindi pa nababasbasan ng kasal ngunit nauwi na agad sa hiwalayan.

Photo: Pixabay

Ilan naman sa itinuturong dahilan ng mga filed annulment cases na ito ay ang sumusunod:

  • Adultery at desertion
  • Alcohol, drug at verbal abuse
  • Immaturity
  • Finances at in-laws’ conflict
  • Psychiatric disorder
  • Sexual dysfunctions

Ang mga dahilan ding iyan ang sinasabing rason para sa mga magkarelasyon na bagamat hindi pa naikakasal ay nauwi agad sa hiwalayan.

Sa likod ng mga iyan ay mga maliliit na hindi pagkakaintindihan na napabayaan. Dahilan upang ito ay maging mas malaking issue na nahirapan ng ayusin ng mga magkarelasyon.

Ngunit sabi nga nila, lahat ng problema ay may solusyon at lahat ng bagay ay may paraan. Kaya naman para sa relasyon na pinakiiingatan, para na din sa kapakanan ng pamilya at mga anak ay may mga paraan na maaring gawin para maalagaan ang isang relasyon at mas payabungin pa ito.

Narito nga ang 5 paraan kung paano tumagal ang relasyon na iyong dapat gawin pati narin ng iyong partner para sa mas matibay at mas masayang pagsasama.

5 paraan paano hindi magsawa sa isang relasyon

1. Sex

Ayon sa isang research na isinigawa sa 30,000 na tao mula sa tatlong magkakaibang pag-aaral, lumabas na ang mga couples na nagse-sex isang beses sa isang linggo ay mas mataas ang level ng kasiyahan at life satisfaction. Lumabas din na kumpara sa pera, ang sex ang mas nagiging batayan ng isang magkarelasyon para maabot ang mutual happiness.

Ang pagiging affectionate din sa bedroom pati narin ang P.D.A o public display of affection gaya ng paghoholding-hands, hugging, kissing ng hello at goodbye pati ang pagsabi ng I love you sa iyong partner ay mga paraan para mas maparamdam sa kanila na sila ay iyong pinapahalagahan at tunay na minamahal.

2. Communication

Image from Freepik

Ayon naman sa American Academy of Matrimonal Lawyers, ang numero unong dahilan ng mga failed marriages ay ang poor communication. Kaya naman para mas tumibay ang pagsasama at mas mabawasan ang hindi pagkakaintindihan dapat ay mas maging open sa isa’t-isa at maayos na ipaalam sa iyong partner ang iyong nararamdaman. Dahil ika nga ng matatanda, lahat ng bagay ay nadadaan sa maayos na usapan.

3. Separate Passions

Ang isang magkarelasyon ay dapat ding may magkahiwalay na pinagkakaabalahan o parehong gumagawa ng mga bagay na kinahihiligan nila at hindi lamang idenedepende ang kanilang buhay at kasiyahan sa karelasyon o sa pagsasama. Ang mga couples nga na may separate passions o hiwalay na kinahihiligan ay magandang paraan upang mas ma-inspire ng magkarelasyon ang isa’t-isa. Isa din itong paraan upang maipakita ang kanilang suporta, tiwala at pagmamahal sa karelasyon.

Ang mga oras din habang magkahiwalay na ginagawa ang kinahihiligan ay mas nagbibigay dahilan sa isang magkarelasyon na mamiss ang isa’t-isa at ituring ang mga oras na magkasama na mas espesyal.

4. Equal Rights

Sa isang relasyon hindi at wala dapat pinagkaiba ang babae sa lalaki. Dapat ay may parehong karapatan at tungkuling ginagampanan ang bawat isa sa pagsasama.

Tulad nalang sa gawaing bahay, bagamat nakasanayan na dapat ang babae ang gumagawa. Ang pagbabahagi o pagkakaroon ng balanseng tungkulin sa gawaing bahay ay magandang paraan para maiwasan ang pagrereklamo ng isa sa mga magkarelasyon. Dahil ang tila maliit na bagay na ito kung maituturing ay maaring maging dahilan upang ang isa sa magkarelasyon ay makaramdam ng pagkapagod na maaring mag-ugat sa mas malalim na problema ng isang pagsasama.

5. Arguing Well

Image from Freepik

Ang pagkakaroon ng conflict o hindi pagkakaintindihan sa isang relasyon ay normal lamang. Ngunit para mas malinaw mong masabi ang iyong nararamdaman at saloobin ay dapat maayos kang magsalita at makipagusap sa iyong ka-relasyon. Hanggat maari ay dapat iwasan ang mga salitang below the belt na tulad ng pagmumura, mga salitang makakasakit sa iyong partner o ang personal na pag-atake sa character niya.

Ang pag-iwan sa iyong partner habang kayo ay nasa gitna ng pagtatalo ay hindi rin tama. Ito ay nagbibigay kahulugan kasi na para sa iyo ay hindi importante ang inyong pinaguusapan tulad nalang ng inyong relasyon.

Kaya naman para mas tumagal at tumibay ang isang pagsasama kailangan laging bukas at may pantay na karapatan ang isa’t-isa. Dahil ang isang relasyon ay binubuo ng dalawang tao na dapat ay may mutual na pagkakaintindihan o may give and take relationship at laging handang umunuwa at magbigay oras sa pagsasama.

 

Sources: Demographic Research, Psychology Today
Photo by Jose Chomali on Unsplash

Basahin: Ano ang magpapatagal sa pagsasama ng mag-asawa? Ang 8 bagay na ito!

6 paraan para i-save ang relationship na papunta na sa hiwalayan