5 paraan para madisplina ang batang nananakit

undefined

Isa sa susubok sa lakas at pasensya ng mga magulang ay ang pag disiplina sa bata. Narito ang ilang tips kung paano matigil ang pagiging bayolente ng bata.

Pagpasok ng bawat magulang sa parenting journey, isa sa susubok ng kanilang lakas at pasensya ay ang pag disiplina sa bata. Importante ang tamang pagdidisiplina dahil ito ang huhulma sa pagkatao ng iyong anak habang siya ay lumalaki.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Pagdisiplina sa bata
  • Dahilan kung bakit nagiging agresibo ang bata
  • Tips kung paano ang tamang pag disiplina sa bata na nananakit

Ngunit may pagkakataon na hindi nakokontrol ang inaasal ng isang bata katulad ng hilig nilang pamamalo o pananakit sa kapwa bata at matanda. Paano nga ba ito matitigil?

5 paraan para madisplina ang batang nananakit

Ayon sa pag-aaral, ang pagiging bayolente o agresibo ng isang bata’y dahil natututunan niya ito sa kaniyang paligid. Maaaring nakita niya o siya mismo ang nakaranas. Konektado ito sa paraan ng pagdidisiplina ng ibang magulang—ang pamamalo.

pag disiplina sa bata

Pag disiplina sa bata | Image from Unsplash

Karamihan sa mga eksperto ay nagsasabing ang pagpalo’y nakasasama sa mga bata. Maaari umano kasi itong makaapekto sa kanilang pag-uugali na dadalhin nila hanggang sa kanilang paglaki. Ngunit iba-iba naman ang istilo ng bawat magulang sa kanilang pagdidisiplina. May ibang bagay lang tayong kailangang tandaan para maging maayos ito.

Ngayon, kung nasa point ka na sinusubok ang kakayahan ng iyong “nananakit na anak”, ito na ang mga tips para matigil ito.

1. Iwasang mamalo

Gaya ng nabanggit sa itaas, tinitignang dahilan ng pagiging agresibo ng bawat bata’y ang pamamalo ng kanilang magulang. Nakikita kasi nila ito at pumapasok sa kanilang isipan na “okay lang ang mamalo” dahil nakikita nila ito sa mas matanda sa kanila.

Ngunit aminin, ayaw man nating paluin sila, dumadating ang pagkakataon na hindi mo namamalayang napalo na pala sila. Kung ika’y nakaramdam ng pagkaawa, parents, hindi mo ito kasalanan. ‘Wag sisihin ang sarili. Kung sa susunod ay makita mong pasaway ang iyong anak, tumigil ng ilang segundo para huminga ng malalim na limang beses. Pagkatapos nito, pumunta sandali sa kabilang kwarto o lugar kung saan ang iyong anak. Maganda itong pagsasanay para ikalma ang sarili at makapag-isip ng tama o susunod na hakbang.

BASAHIN:

STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak

Pinapalo ko ang anak ko, ito nga ba ang tamang disiplina sa mga bata?

STUDY: Resulta ng poor lifestyle ng ina, maaaring maipasa sa anak sa pamamagitan ng sakit

2. Mahinahong usap

Sa unang pagkakataon na makita mong nanakit ang iyong anak, maaaring ito’y ‘di nila sadya. Hindi pa nila alam at naiintindihan ang konsepto ng pananakit. Kaya naman bilang magulang, tungkulin natin ang gabayan at pangaralan sila. Kung sakaling makita mong hinampas ng anak mo ng isang bagay ang kaniyang kalaro, agad itong sitahin. Kuhain ang hawak niyang laruan at sabihin ng mahinahon na ang kaniyang ginawa ay mali.

Sa ganitong pagdidisiplina, kailangan mong maging consistent at magkaroon ng isang salita. ‘Wag maging malambot para epeketibo ang iyong pamamaraan.

pag disiplina sa bata

Pag disiplina sa bata | Image from Unsplash

3. Pagturo kung paano i-handle ang kanilang emosyon

Importante rin na ituro sa mga bata kung paano i-handle ang kanilang emosyon. Katulad na lamang kapag galit sila, nalulungkot o natatakot. Ipaintindi kay baby na kapag galit siya’y hindi ibig sabihin  kailangan niyang manakit—hindi ito solusyon at maaaring masaktan lang ang iba.

“Anak, alam kong galit ka pero hindi tama ang manakit. Alam mo bang pwedeng masaktan ang kalaro mo?” maaaring ito ang sabihin mo kasunod ang, “‘Wag kang mag-alala hindi kita papagalitan, basta hindi mo na uulitin, okay?”

Maging maingat sa mga sasabihin dahil maaaring maisip nilang masama silang bata. Ipaintindi na ang kanilang ginawa ang hindi tama at hindi sila.

pag disiplina sa bata

Pag disiplina sa bata | Image from Unsplash

4. Humingi ng sorry

Pagkatapos mong pangaralan ang iyong anak tungkol sa kaniyang ginawa at pinaintindi na hindi ito dapat ulitin, turuan din siyang humingi ng tawad sa kaniyang napalo o nahampas. Sa paraang ito, natututunan niyang magpakumbaba at maintindihan ng todo na mali ang konsepto ng pamamalo.

5. Panatilihin ang pagiging malapit sa isa’t-isa

Ang tip na ito ay hindi lang para kay baby kundi para na rin sa’yo. Ang pagiging malapit sa isa’t-isa ay magandang hakbang para makilala siya ng lubusan at ganito rin siya. Basahan siya ng libro o samahan sa paglalaro para malaman ang kaniyang mga interes.

Sa prosesong ito, maiintindihan niya ang konsepto ng pakikisama sa’yo pati na rin sa ibang tao.

 

Source:

psychologytoday

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!