Kinakailangang magkaroon ng healthy lifestyle at malakas na resistensya ang nanay para lumaking maayos ang kanilang mga anak. Lalo na ngayon dahil nadiskubre ng mga eksperto na nakadepende ang lifestyle ng mga nanay sa kalusugan ng kanilang anak.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Nakakahawa ba ang cardiovascular health ng nanay?
- Pag-aaral tungkol sa koneksyon ng health ng magulang at anak
- Saan nade-develop ito?
Malakas na resistensya | Image from Freepik
Naging isang warning sa mga magulang ang inilabas na press release ng European Society of Cardiology noong November 5. Nakapaloob dito na maaaring mapasa ng mga magulang ang kalagayan ng kanilang kalusugan sa mga anak nila dahil sa genes, kapaligiran at lifestyle.
Ito ang unang pag-aaral na tumatalakay kung paano magkakaroon ng cardiovascular disease ang kanilang anak, na maaaring nanggaling sa mga magulang.
Ang cardiovascular health ba ay nakakahawa?
Kabilang sa pag-aaral na ito ang 1,989 nanay, 1,989 tatay at 1,989 anak. Ang edad na sinuri ay nasa average 32 years old at binantayan hanggang sila ay maging 46 years old pataas. Kinolekta ang datos na ito mula 1971 hanggang 2017.
Ayon sa isang researcher ng pag-aaral na si Dr Muchira,
“Crucially, the study followed offspring into most of their adult life when heart attacks and strokes actually occur,”
Ang cardiovascular health at lifestyle ng mga magulang ay sinuri sa pitong factor: hindi paninigarilyo, malakas na resistensya, healthy diet, pagiging pisikal na aktibo, normal body mass index, blood pressure, blood cholesterol, at blood glucose.
Malakas na resistensya | Image from Freepik
Matapos ang pag-aaral, nakita na ang koneksyon ng cardiovascular health ng mga magulang at kung gaano katagal bago ma-develop ang cardiovascular disease. Ang comparison ay ginawa ng mother-daughter, mother-son, father-daughter at father-son.
Sa pag-aaral na ito nakita na namamana ang cardiovascular disease matapos ang ilang taon.
BASAHIN:
STUDY: Panonood madalas ng TV ng mga bata, stress ang dala sa mga nanay!
Mga baby na pinainom ng antibiotic, may chance na magkaroon ng allergies at asthma paglaki
STUDY: Ito ang masamang epekto kapag masyado mong pinupuri ang bata
Ang health ng mga anak ay konektado sa lifestyle ng ina
Isa pang nadiskurbre sa pag-aaral na na tumatagal ng 9 taon ang mga anak ng nanay na may tama at malakas na resistensya kumpara sa mga may hindi healthy na cardiovascular health.
Ang mga anak ng nanay na may poor health ay doble ang risk na magkaroon ng maagang sakit sa puso.
Ang kondisyon na ito ay pareho sa mga anak na lalaki dahil hindi lang anak na babae ang maaaring mapasahan ng unhealthy lifestyles ng kanilang nanay.
Samantala, ang cardiovascular health ng tatay ay hindi nakitaan ng koneksyon sa tagal ng healthy life at walang sakit ng kanilang anak.
Para sa mga eksperto, ang findings na ito’y may kinalaman sa health ng mga nanay habang sila ay nagbubuntis pati na rin ang kapaligiran nila.
Malakas na resistensya | Image from Unsplash
Dagdag pa ni Dr. Muchira na,“If mothers have diabetes or hypertension during pregnancy, those risk factors get imprinted in their children at a very early age. In addition, women are often the primary caregivers and the main role model for behaviours.”
“Family-based interventions should occur during pregnancy and very early in the child’s life. So that the real impact of protective cardiovascular health tracks into adulthood,”
Ngunit siyempre, maaaring mapigilan ito at hindi maging malala sa pagsasanay ng healthy lifestyle habang bata pa lamang.
“For example, pairing mothers and young children in an exercise or diet improvement programme. If children grow into healthy adults, they will not acquire the same cardiovascular risk as their parents. A situation that will raise the chances of having even healthier grandchildren.”
Makakatulong ang regular na ehersisyo, pagkain ng masustansya o pag-inom ng supplements na dahilan ng pagiging malakas na resistensya.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!