Pagpuri sa anak, paniguradong maraming mga magulang ang guilty sa gawing ito. Alam niyo ba na may masama ring epekto ang pagpuri sa iyong anak?
“I love it!” Ito ang laging kong nasasabi madalas kapag ipinapakita ng aming artist sa pamilya ang kaniyang obra. Ang aking 6 na taong gulang na anak. Sa totoo lang ito’y uri ng treat kapag ipinapakita niya ang kaniyang gawa o art work sa akin. Kaysa bigyan siya ng mataas na approval mula sa akin at sa kaniyang nanay. Ako at ang aking asawa mas pinagtutuunan naming ng pasin ang pagpili ng niya ng mga kulay at detalye sa kaniyang obra. Pero ang result apala nito ay nababalewala ang kaniyang mga pagsisikap, sa paglalagay ko sa ng aking approval sa gitna ng pag-uusap.
Tila ito ang mga tamang salita na dapat sabihin. Kahit na pala ilang beses sinabi sa ating mga magulang na nakakatulong ang pagpuri sa ating mga anak (o pagbibigay ng reward) sa mga behavior na gusto nating makita sa ating mga anak. Kaysa intayin na pagalitan o pagsabihan sila kapag sila’y nag-misbehaving. Subalit, ayon sa lead researcher na si Wendy S. Grolnick, Ph.D., isang propesor sa psychology sa Clark University sa Worcester, Mass., sinabi niyang mayroon ding dark side ang pagpupuri sa mga anak.
Ang pagpupuri sa outcome (“Ang ganda naman”) o sa tao (“Ang talino mo naman”) ay naghihikayat sa bata para magpokus lamang sa mga ganoong bagay. Maaari niyang maramdaman ang performance anxiety. Pwede niya ring maisip na kuwestyunin ang iyong pagmamahal ay may kundisyon. (“Kung matalino kapag ginagawa ko ito, siguro hindi ako matalino kapag hindi ko ito ginagawa.”) Maaaring mas maging motivated siya sa kung ano ang gusto ng kaniyang magulang kaysa sa proseso ng kaniyag paglikha. Mababawasan na ang saya niya kapag siyang gumagawa ng mga artwork.
Guilty of overpraising a child? | (Joāo Fazenda/The New York Times)
Iwasan ang sobrang pagpuri sa inyong mga anak sa gabay kung paano dapat pinupuri o hindi pinuri ang iyong anak
Purihin ang proseso, hindi ang iyong anak
Bilang bahagi ng self-estem movement noong 1970’s, kadalasang sinasabihan ang mga magulang na magbigay ng mga positibong feedback sa kanilang mga anak. Katulad na lamang na “Maganda ang ginawa mo” o “Napakatalino mo.” Ito ay sumalungat sa disciplined-oriented parenting style ng mas naunang henerasyon at nilalayon nito ang mas healthy na pagpapalaki.
Subalit ayon kay Carol S. Dweck Ph.D., isang propesor sa psychology sa Standford Graduate School of Education — ang pag-aaral sa epekto ng ganitong klase ng pagpuri sa anak ang nagsimula noong ‘90s at natuklasan na maaaring magulot ito ng masamang epekto. Naipakita sa kaniyang pag-aaral na ang mga bata ay nakakaramdam ng pressure upang makatanggap ng papuri mula sa kanilang magulang. Maaari itong magresulta sa panic at anxiety.
Kahit ang mga batang hindi pa nakakaranas ng anxiety ay may mataas na tiyansa na magkaranas nito, na ayon kay Dr. Dweck ay “fixed mindset.” Ang mga batang ito ay takot na i-challenge pa ang kanilang sarili sa takot na madismaya ang kanilag mga magulang. Dagdag pa ni Dr. Grolnick ang ganitong klaseng papuri ay maaaring makunsidera bilang pag-kontrol — nagiging sanhi ito ng pagkabawas ng enjoyment ng isang bata at pagkakaroon ng motibasyon sa particular na mga aktibidad. Magsi-shift ito sa pag-please sa kaniyang magulang.
Dagdag pa sa kanilang pag-aaral
Inaral nila Dr. Dweck ay iba pang researcher kung ano ang mangyayari kung ang mga bata ay pinuri sa kanilang efforts, at hindi mismo ang anak. Nagresulta ito nang pagkaroon ng kumpiyansa at nakakaramdam ng empowerment sa pagsubok pa sa iba pang bagay. Isang halimbwa na lamang ditto ang kaniyang 1998 research. Matapos kumpletuhin ang serye ng matrices, isang grupo ng mga bata na ang sinabihan na sila’y successful dahil sila ay matalino. Ang pangalawa namang grupo ay sinabihan na successful sila dahil pinagsikapan nila ito at naglaan sila ng hard work. Nang magpresenta ulit ng panibagong range ng puzzle, ang mga nasa pangalawang grupo ng mga bata ay mas subumok sa mas challenging pang puzzle.
Napag-alaman pa ni Dr. Dweck na ang mga batang ito ay sinabing mas nag-enjoy sa pag-solve ng mga puzzle kaysa sa naunang grupo. Kaya naman nag-conclude ang mga researcher na kaya nila ito pinili o ginawa dahil sila ay may kumpiyansa sa kanilang abilidad. Natuklasan pa niya na kahit na sila’y nag-fail sa unang pagkakataon, sila ay may kapasidad na makahanap ng solusyon mula sa kanilang mga sarili. Ito ang isa pinakamahalaga skill na nanaisin ng mga magulang na magkaroon ang kaniyang anak.
Image source: iStock
Magbigay ng atensyon sa proseso ng iyong anak
Siyempre , maraming mga salita ang maaari mong sabihin, “Naglaan ka talaga ng effort at hard work para riyan!” Upang mag-provide ng mas makahulugang proseso nang pagpuri. Kailangan mong magbigay ng antensyon sa proseso.
Si Kyla Haimovitz, isang learning engineer sa Chan Zuckerberg Initiative at isang co-author ng 2017 paper on the topic kasama si Dr. Dweck, sinabi na ang pagpuri ay hindi naman dapat agad-agad. Kung ang iyong anak ay nagda-drawing, halimbwa, hindi mo kailangan na mag-comment agad sa kung anong kulay ang ginagamit niya. Maghintay ka hanggang sa matapos ng iyong anak ang kanilang gingawa. At sabihing “Ah, nakita kong naglagay ka ng purple kasunod ng brown — interesting naman iyan!”
“You can instead ask them about their process to be able to praise their learning process,” ayon kay Haimovitz.
Dagdag pa niya “It also allows the children to evaluate themselves, rather than have an external evaluation.” Ibig sabihin, ang iyong mga pagtatanong ay magreresulta sa pag-encourage sa iyong anak kapag tinatanong no siya ng mga ganung tanong. Nagkakaroon ito ng pag-usbong ng kaniyang curioustiy at pagsubok pa sa iba pang bagay.
Praise What Your Child Has Control Over
Puruhin ang iyong anak base mga bagay na may kontrol siya
Naipapakita natin ang ating values sa kung paano tayo magkipag-communicate sa pagpuri sa ating mga anak. Ito’y ayon kay Patricia Smiley, Ph.D., isang propesor sa psychological science sa Pomona College of Claremont, Calif. Isa sa mga value na ito ay autonomy, makakatulong ang pagpuri sa iyong mga anak sa mga bagay na may control siya. Katulad na lamang ng kaniyang choices na ginawa sa pag-solve o paggawa ng isang artwork o puzzle. Nakakatulong ito upang magkaroon ng realistic na expectations, at dadag pa niya nai-encourage ang iyong anak upang ipagpatuloy pa ang aktibidad na ito. “It goes to the intrinsic interests of the child,” winika ni Dr. Smiley.
“A parent says, ‘I see.’ It can make the child feel like, ‘Ooh, what I’m doing is fun, and my parent thinks it’s fun, too.’ They connect a parent’s good feeling with their own good feeling.”
Image source: iStock
Si Jennifer Henderlong Corpus, Ph.D., isang propesor sa psychology sa Reed College sa Portland, Ore., na nagpapatakbo ng Children’s Motivation Project, at Kayla A. Good, isang Ph.D. candidate sa Standford University, ay nagsulat sa isang chapter ng libro na “Psychological Perspectives on Praise” na maaari itong magpataas ng enjoyment ng iyong anak anak. Halimbawa, “Wow — nag-enjoy ka talaga sa proyekto na ‘yan anak!” ayon sa kanila.
Ang pagpokus sa self-determined reason para sa iyong anak ay nagreresulta sa pag-engage pa nila rito. Sa kanilang note, ang ganitong uri umano ng pagpuri sa isang bata ay nagpapakita ng predict enjoyment, engagement, performance sa school, at kahit sa sports. Sa pagbibigay ng contrast, sinulat nila, mula sa mga interbyu na kanilang ginawa sa mga elementary school student na nagpapakita ito ng frustration kasama ang pagpuri ay nagpapahina sa kanilang sense of agency — halimbawa, ang pag-credit sa kanilang likas na kakayahan katulad ng pagiging matalino kaysa purihin siya sa kaniyang mga desisyon katulad ng kaniyang pagtitiyaga.
Huwag siyang purihin ng may pagkukumpara.
Maaaring maging tempting talaga ang pagpuri sa mga achievement ng iyong anak. Kadalasan ay na nakukumpara natin sila sa iba (“Wow, nakatalon ka sa tubig mag-isa habang ang kaibigan mo ay takot na tako!”). Hindi lamang ito nagkakanlong ng hindi tamang sense ng competition, subalit ayon kay Dr. Corpus at Good sa kanilang pananaliksik inimumungkahi nito na hindi talaga pagmo-motivate sa mga bata.
Maging beware sa praise inflation
Ang pagbibigay ng laging papuri sa iyong anak ay maaaring ma-lead sa sinasabi ni Dr. Corpus at Good sa kanilang termino “praise addiction,” kung saan gagawa lamang o magbe-behave lamang ang iyong anak para makuha ang iyong papuri o approval. May risks din dito — isa na sa sinasabi ng halos lahat ng researcher na ang mga bata ay nase-sence kung ang pagpuri mo ay hindi totoo o genuine.
Interesting umano rito ay kung paano naapektuhan nito ang mga bata sa kanilang low self-esteem. Ang mga magulang (at guro) ng mga ganitong edad ay kadalasang sinubukan na ma-boost ang courage at spirit ng kanilang mga anak. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng labis-labis na papuri (“Ang iyong drawing ang pinakamaganang drawing na nakita ko!”), subalit ang mga batang may mababang self-esteem ay tinatanggap ito ng hindi maganda. Sapagkat ang ganitong uri ng papuri ay naglilikha lamang ng mga imposibleng high standard. At ang mga bata ang madaling nawawalan ng motibasyon na harapan ang impossibility na ito, ayon ito kay Dr. Corpus at Good.
Sa halip, ikunsidera ang simple paglalarawan kung ano ang iyong na-observe sa kung ano ang ginawa ng iyong anak. Kasabay ng isang neutral na ekspresyon na may galak. “Wow! Nakahukay ka sa sandbox gamit ang iyong truck!” Nari-reinforce nito ang behavior (at nagbibigay ng pahiwatig na ika’y nagbibigay ng atensyon) kahit na hindi ka nagbibigay ng mga unrealistic na standard.
Kaysa purihin, magbigay ng feedback
Ang parenting book na “How to Talk So Kids Will Listen & Listen So Kids Will Talk,” nins Adele Faber at Elaine Mazlish ipanakilala nila ang descriptive concept feedback noong 1980 (ang libro ang na-update noong 2012). Ang iyong anak ay maaaring may magawa talaga na kapuri-puri naman talaga. Subalit kaysa purihin ito — na maaaring magresulta ng achievements mula sa mga bagay na gusto mo — isalarawan mo lamang o sabihin sa kaniya ang mga bagay na napansin mo.
Maaari itong magresulta ng encouragement sa iyong anak at pwede pa nga niyang i-discuss ang proseso ng kaniyang ginawa o dahilan kung bakit niya ito nagawa. Katulad lang din ito sa pagtatanong ng “Kamusta ang araw mo sa school?” nag-aanyaya lamang ito ng katahimikan o hindi hiya sa pagkibo ng iyong anak. Kaysa sabihin ang mga bagay katulad nito.“Napansin ko na may isang colorful na drawing sa iyong bag.” Magbibigay ito ng ligaya at encouragement sa iyong anak. At may mga bagay pa kayo na maaaring pakuwentuhan.
Masuwerte ako. Dahil ang aming anak ay hindi nag-iipit ng mga colorful na drawing sa kaniyang bagpack sa mga nakalipas na araw. Dahil sa aming hometown ay isang buwan ng delayed ang in-school schooling, o maaaring mas maging mahaba pa ito. Subalit ang pananatili ng mas maraming oras at panahon sa loob ng aming bahay. Makakatulong sa kaniya upang mas umunlad pa ang kaniyang skill sa pagiging artist. Ibig sabihin mas marami pang mga masterpiece mula sa kaniya ang pupurihin ko. Hindi ko laging nakukuha ng tama — “I love it!” ang madalas ko pa ring masabi subalit pagsisikapan kong baguhin ito. Katulad din ng aking anak.
“Are You Overpraising Your Child?” ni Paul L. Underwood © 2020 The New York Times Company
Paul L. Underwood ay madalas na nagsusulat patungkol sa kalusugan at culture for national publications. Isa siyang ama sa dalwang anak niya sa Austin, Texas.
Translated in Filipino by Marhiel Garrote
READ MORE:
Delayed motor skills: Mga dapat gawin at kung kailan dapat mabahala
EXPERT: Kapag nasasaktan ang bata, hindi dapat sinasabihan na “maarte” siya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!