PAG-IBIG renovation loan para sa bahay, paano nga ba mag-apply? Alamin dito ang mahahalagang detalye.
Paano mag-apply sa PAG-IBIG Renovation Loan?
Nagpaplano na mag-renovate ng inyong bahay ngunit limitado ang budget? Magiging malaking tulong at magandang opsyon ang Pag-IBIG Renovation Loan. Open ito sa lahat ng PAG-IBIG members na kung saan maaring makahiram ng hanggang sa P6 million. Maliban sa mababang interes lalo na para sa mga minimum-wage earners na 3% per annum aabot rin sa 30 years ang payment term ng PAG-IBIG housing loan.
Para mas maintindihan, narito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Pag-IBIG renovation loan na dapat mong malaman.

Sino ang eligible na maka-apply sa PAG-IBIG renovation loan?
- Akitibong miyembro ng PAG-IBIG at may hindi bababa sa 24 na buwang savings
- Hindi higit sa 65-anyos ang edad sa araw ng loan application at hindi hihigit sa 70-anyos ang edad sa oras na mag-mature na ang loan.
- May legal capacity para magkaroon ng real property
- Walang Pag-IBIG housing loan na na-foreclose, na-cancelled o boluntaryong ibinalik sa ahensiya
- Kung may existing Pag-IBIG Housing loan account o Short Term Loan (STL) dapat ay updated ang payments.
Ano ang mga requirements na dapat ihanda?
Para maka-avail ng PAG-IBIG housing improvement loan, ihanda ang mga sumusunod na dokumento.
- Dalawang original copies ng filled-out housing loan application na may pinakabagong 1×1 photo ng borrower at co-borrower.
- Photocopy ng valid ID ng borrower, co-borrower, may-ari ng titulo at asawa ng borrower
- Certified true copy ng transfer certificate of title
- Updated tax declaration
- Photocopy ng updated real estate tax receipt (photocopy)
- Building Plans, specifications at bill of materials na may pirma ng licensed civil engineer o architect na gagawa ng renovation
- Vicinity map o sketch ng property
- Proof of income (Isa sa mga sumusunod)
a. Para sa mga locally employed
- Certificate of Employment at Compensation
- Pinakabagong Income Tax Return (ITR) at BIR Form No. 2316
- Latest payslip
b. Para sa mga self-employed
- ITR (BIR Form No. 1701) at Audited Financial Statements
- Resibo ng pagbabayad ng buwis
- DTI registration at business permit
- Commission voucher o sertipikasyon ng natanggap na komisyon
- Certified true copy ng transport franchise
- Certificate of engagement para sa freelancers
c. Para sa mga OFW at iba pang pinagmumulan ng kita
- Employment contract
- Bank statements o passbook na nagpapakita ng remittances sa huling 12 buwan
- Notarized lease contract at patunay ng pagmamay-ari ng ari-arian (para sa mga kumikita mula sa paupahang bahay)

Magkano ang interes ng PAG-IBIG Housing Renovation Loan
Ang halaga na maaring hiramin sa PAG-IBIG Housing Renovation Loan ay nakadepende sa iyong pangangailangan. Pero ang maximum loanable amount ay aabot ng hanggang sa P6milyon. Ito naman ang interes na aabutin ng loan amount sa pipiliing payment terms.
- 1 taon: 5.75% per annum
- 3 taon: 6.25% per annum
- 5 taon: 6.5% per annum
- 10 taon: 7.125% per annum
- 15 taon: 7.75% per annum
- 20 taon: 8.5% per annum
- 25 taon: 9.125% per annum
- 30 taon: 9.75% per annum
- Espesyal na interest rate para sa minimum-wage earners: 3% per annum
Ano ang tinatanggap na collateral sa PAG-IBIG housing loan?
Sa pag-aapply ng housing loan ay kinakailangan ng collateral. Ang mga sumusunod ang accepted collateral sa PAG-IBIG Housing Renovation Loan.
Ang ari-arian na may titulo ay dapat tinataglay ang sumusunod:
- Hindi bababa sa 28 sq. m. lot area
- Hindi bababa sa 18 sq. m. condominium floor area
- Ari-arian na may right of way na dapat ay hindi maliit kaysa 1.5 meters.
- Ari-arian classified bilang residential.
Habang ito naman ang hindi tinatanggap na collateral sa PAG-IBIG:
- Rights
- Free Patent na hindi covered ng RA10023
- May disputes o claims sa korte.

Paano magbabayad ng loan?
Hindi rin mahirap ang pagbabayad ng loan sa PAG-IBIG. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan.
- Salary deduction
- Post-dated checks
- Auto debit arrangement sa mga banko
- Local Remittance
- Overseas Remittance
Para magsimula ang proseso ng aplikasyon ay bisitahin ang Virtual Pag-IBIG website o magpunta sa pinakamalapit na PAG-IBIG branch sa inyong lugar.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!