Grade 5 student, namatay matapos makuryente ng extension cord

Mahalagang sa murang edad pa lamang ay turuan na ang mga bata ng pag-iingat sa kuryente dahil labis itong mapanganib at nakamamatay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliit pa lamang tayo ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang ng pag-iingat sa kuryente. Kaya’t nakakalungkot ang balita na mayroong isang grade 5 student na namatay, matapos siyang makuryente.

Isang aksidente ang ikinamatay ng biktima

Ayon sa ina ni John Andrei Ramirez, na isang grade 5 student sa Camarines Sur, gumagawa raw ng project sa school ang kanilang anak nang mangyari ang insidente. Para raw sa Industrial Arts ang kaniyang project, at kinakailangan nilang gumawa ng extension cord.

Pagkauwi raw ni John Andrei ay humingi siya ng mga gamit sa kaniyang ina. Ito raw ay dahil tinuruan sila sa school na gumawa ng extension cord, at alam raw niya kung paano ito gawin. Dahil dito, binigyan naman ng kagamitan si John Andrei ng kaniyang lolo na isang electrician.

Dalawang oras raw ginawa ng bata ang extension cord, habang sinusubaybayan ng kaniyang lolo. Nang matapos ay dali dali raw niya itong sinubukan. At dito na nga nangyari ang trahedya.

Sabi ng kaniyang ina, “Hindi naman po namin ini-expect na ‘pag nabuo niya na to, isasaksak niya kaagad… Bigla na lang may lumagabog sa kuwarto. Dun po namin nakita na nakahiga na siya.”

Nang dalhin sa ospital ang bata, ay kumpirmadong namatay na siya. Ito raw ay dahil tinamaan ng kuryente ang kaniyang mga vital organs na agad niyang ikinamatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi raw niya kinailangang gumawa ng extension cord

Nang mabalitaan ang nangyari sa mag-aaral, labis ang kalungkutan ng kaniyang guro sa Industrial Arts. Aniya, hindi raw required na gumawa ng extension cord ang bata dahil nagsubmit na raw pala ito ng ibang project.

Bukod dito, pinaalalahanan rin niya ang kaniyang mga estudyante na mag-ingat kapag gagawin ang extension cord.

“Nung nagsasagawa na kami ng project, pagka-check ng mga materials and tools, the same reminder na dobleng pag-iingat. Then nung gumagawa na sila, nasa akin ang closely monitoring supervision. Saka hindi lang sila isang section ang pinagawa ko, tatlo po sila eh,” sabi ng kaniyang guro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aminado ang mga magulang ni John Andrei na nagkaron sila ng pagkukulang, ngunit nais nilang ipatanggal na ang ganitong programa sa paaralan. “Sana po tanggalin na ‘yung curriculum na ganiyan. Marami naman pong paraan na makagawa ng project. Naiintindihan ko po na K to 12. Sana maisip nila na ang mga menor de edad di pa kelangan gumawa ng ganiyan,” aniya.

Pag-iingat sa kuryente, paano maituturo sa mga bata?

Mahalagang bata pa lamang ay turuan na ang mga bata ng pag-iingat sa kuryente. Ito ay dahil mapanganib ito, at isang pagkakamali lang ay posibleng nakamamatay.

Heto ang ilang tips na dapat tandaan ng mga magulang:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Huwag hayaang magsaksak ng mga appliances ang mga bata.
  • Huwag rin hayaang magbukas ng mga ilaw ang mga bata, lalong-lalo na kung basa ang kanilang mga kamay.
  • Turuan silang lumayo sa mga live wire, at humingi ng tulong pag may nakikitang mapanganib na wire.
  • Importanteng gumamit ng mga covers sa mga outlet, upang hindi mapaglaruan ng mga bata.
  • Turuan silang mag-ingat kapag gumagamit ng mga appliances, at siguraduhing tuyo ang kanilang mga kamay, at nakasuot sila ng rubber na tsinelas.

 

Source: ABS-CBN News

Basahin: Bata, patay matapos aksidenteng ma-trap sa loob ng condo unit!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara