14 tips sa pag-travel nang may baby

lead image

Panahon nanaman ng pag-travel, handa ka na ba sa pag-travel kasama ang baby o toddler? Alamin ang mga tips upang mapadali ang inyong pag-travel.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Long weekend nanaman, ibig sabihin ay ito ang panahon ng ilang pamilya para mag-travel. Subalit, paano kung mayroong bagong miyembro ng pamilya? Hindi kailangang mag-alala, moms & dads. Ito ang ilang tips para maging madali ang pag-travel kasama ang baby o toddler.

Paano ba ang pag-travel kasama ang baby o toddler?

1. Maghanda ng mga pagkain at inumin

Kung ang iyong baby ay kumakain na ng solids, hindi kailangan na matigil ito dahil lamang may pag-travel kasama ang baby. Maaaring magdala ng mga snacks at mga inumin na maaaring i-consume sa gitna ng byahe. Maghiwa ng mga prutas at ilagay sa tupperware. Siguraduhin lamang na hindi ito masyadong mainitan para hindi agad masira. Makakabuti rin ito sa mga sasakay ng eroplano para mabawasan ang pressure sa tenga sa take-off at landing.

2. Damihan ang dalang damit at diapers

Sa pagsakay sa eroplano o public transport, hindi laging kontrolado ang lamig. Makakabuting damitan ng sobrang layer ang baby para hindi siya lamigin. Kung sakali naman na siya ay mainitan, masmadali ang magbawas ng damit kaysa magdagdag. Hindi kailangan masayangan sa mga sobrang madadalang damit dahil hindi rin sigurado kung kailan ito kakailanganin. Pagdating sa pag-travel kasama ang baby o toddler, mas mabuti nang sobra ang dala kaysa kulangin.

3. Dalhin ang paborito nilang katabi matulog

Ang mga baby ay kadalasang namamahay. Kahit gaano man sila kapagod, maaaring mahirapan silang matulog sa isang lugar na hindi sila pamilyar. Makakabuti na dalhin ang mga bagay na naiuugnay nila sa pagtulog. Kabilang sa mga ito ang paborito nilang unan, kumot, o maging laruan. Napapakalma ng mga ito ang baby o toddler at masmadali silang nakakatulog dahil sa seguridad na nabibigay ng mga gamit.

Larawan mula sa Pexels

4. Dalhin ang mga paboritong laruan

Hindi sa lahat ng oras sa pag-travel ay tulog ang bata. Makakabuti na dalhin ang kanilang mga paboritong laruan para sila ay maaliw sa mga oras na sila ay gising. Ito ay mahalaga lalo na kung magiging matagal ang biyahe. Nagbibigay ito ng seguridad sa mga bata. Subalit, makakabuting ang dalhin lamang ay mga soft toys. Iwasan ang mga laruan na may mga matitigas na bahagi o matatalim. Ito ay para hindi nila masaktan ang kanilang mga sarili kapag makaranas ng turbulence o hindi inaasahang lubak.

5. Iwasan ang mga sobrang tagal na biyahe

Hindi maganda sa kalusugan ang sobrang tagal na pagkaka-upo sa iisang pwesto lamang. Hindi lang nito naaapektuhan ang mga bata, ngunit maging ang mga matatanda rin. Ang pinagkaiba lang ay mas nakakaya ito ng mga mas matatanda. Subalit, para sa ikakabuti ng lahat, magplano ng mga stop-over kung saan maaaring bumaba at maglakad-lakad. Maaari itong gawin sa mga restaurants, rest stops, parks, o maging sa mga mall.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Subukang i-takda ang pag-travel sa oras ng pagtulog

Upang maiwasan ang sobrang pagka-inip sa byahe, makakabuting i-schedule ang pag-travel sa mga oras na natutulog ang bata. Hindi man masisigurado na tulog siya buong biyahe, malaki ang posibilidad na idaan niya nalang sa pagtulog ang paghihintay na makarating sa inyong pupuntahan. Maganda rin itong paraan para siya ay masigla pagdating sa inyong destinasyon.

7. Laging tabihan ang baby

Para sa mga baby, ang kanilang mga magulang ang panigurado na ligtas ang lahat at wala silang dapat alalahanin. Dahil dito, makakabuti na laging katabi ang baby lalo na kung ito ang unang beses na magta-travel kasama ang baby. Ang mga nangyayari ay hindi pamilyar sa kanya at maaari siyang manibago. Ito ay nagdudulot ng kawalan ng ginhawa sa kanila na maaaring masolusyonan ng pagtabi ng magulang. Maiiwasan din nito ang paulit-ulit na pagsilip sa kanya at pagcomfort kapag hindi siya katabi.

8. Maghanda ng mga aktibidad

Kung sakaling magsawa ang bata sa kanyang laruan sa tagal ng byahe, mahalaga ang pagkakaroon ng iba pang aktibidad na maaaring umaliw sa kanya. Maaaring ito ay pagkanta ng mga pambatang kanta o pagpapatugtog ng mga pambatang tugtugin. Maaari rin gumawa ng mga laro na maaaring gawin sa byahe na makakakuha sa atensyon ng bata. Maaari rin siyang sabihan ng mga nursery rhymes o magpatugtog ng mga classical music na makakatulong din sa kanyang development.

9. Magdala ng First-Aid Kit at baby essentials

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Siguraduhing may dala kang first-aid kit na may lamang essential medicines, band-aids, alcohol, thermometer, at anumang gamot na maaaring kailanganin ng baby, lalo na kung may history siya ng allergies o lagnat. Huwag ding kalimutan ang baby wipes, alcohol, extra bibs, at feeding bottles para sa mas madaling pagpapakain sa biyahe.

10. Gumamit ng baby carrier o lightweight stroller 

Sa halip na buhatin nang buhatin ang baby, mas makakabuting gumamit ng baby carrier o lightweight stroller para hindi madaling mapagod ang magulang. Nakakatulong din ito upang maging mas madali ang paggalaw, lalo na kung pupunta sa mga crowded na lugar tulad ng airport o tourist spots.

11. Mag-book ng accommodations na baby-friendly

Kung maglalagi sa isang hotel o resort, siguraduhing baby-friendly ang accommodations. Magtanong kung may crib, high chair, o play area para mas maging komportable ang bata. Piliin ang lugar na may tahimik na kapaligiran upang hindi maistorbo ang baby sa pagtulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

12. Piliin ang tamang upuan sa eroplano o sasakyan 

Kapag bumabiyahe sa eroplano, mainam na piliin ang aisle seat para mas madaling gumalaw kung kailangan palitan ang diaper o buhatin ang baby. Kung sa kotse naman, siguraduhing tama at ligtas ang pagkakakabit ng car seat upang maprotektahan ang bata sakaling may biglaang pagpreno o lubak sa daan.

13. Iwasan ang mataong lugar ‘pag peak travel days

Para maiwasan ang stress at abala, umiwas sa peak travel days tulad ng long weekends at holidays kung maaari. Mas makakabuti kung i-adjust ang schedule upang hindi sabay sa dagsa ng tao, lalo na sa airport, bus terminals, o tourist destinations. Dagdag pa rito, maaaring mahawaan ang inyong baby ng mga sakit o virus kaya naman siguraduhing strategic at planado ang inyong bakasyon. 

14. Mag-relax at mag-adjust sa mga pwedeng mangyari 

Minsan, kahit gaano ka-prepared ang magulang, may mga hindi maiiwasang challenges sa biyahe tulad ng biglang pag-iyak ng baby, delayed flights, o pagod na bata. Huwag mag-panic at manatiling flexible sa sitwasyon. Ang mahalaga ay ma-enjoy ang oras kasama ang pamilya at gawing positibo ang buong experience.

Tandaan!

Ang pag-travel kasama ang baby o toddler ay maaaring maging hamon, ngunit sa tamang paghahanda at mindset, maaari itong maging isang masayang karanasan para sa buong pamilya. Sa pamamagitan ng maingat na pagpaplano, tamang kagamitan, at kaunting pasensya, masisigurong komportable, ligtas, at enjoyable ang inyong biyahe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Huwag kalimutang i-enjoy ang bawat sandali kasama ang iyong anak—ang kanilang mga unang paglalakbay ay bahagi ng mahahalagang alaala na inyong mababalikan sa hinaharap. Maging flexible, huwag masyadong kabahan sa maliliit na aberya, at gawing isang adventure ang bawat biyahe!

Happy travels, moms & dads!

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement