Napatunayan na ng ilang pag-aaral na para sa mga babae, mas mabuting magkaroon ng anak bago sila umabot sa edad na 40. Ngunit alam niyo ba na pati ang mga lalaki ay may “time limit” din? Ito ay dahil nagkakaroon pala ng pagbaba ng sperm quality habang tumatanda ang mga lalaki.
At sa pagbaba ng sperm quality, posibleng magkaroon ng iba’t-ibang mga birth risk kapag sila ay nagkaanak.
Anong edad nagsisimula ang pagbaba ng sperm quality?
Ang aktor na si George Clooney ay 56 na taong gulang noong nagkaroon siya ng kambal na anak. | Source: Wikimedia
Ayon kay Professor Michael Eisenberg, isang researcher sa Stanford University School of Medicine, pinili daw nilang mag-focus sa papel ng lalake pagdating sa kalusugan ng baby.
Madalas raw ay ang tinitingnan lamang ang kalusugan ng ina sa pagbubuntis, ngunit mahalaga din daw na pag-aralan ang mga ama.
Aniya, mas mataas daw ang posibilidad ng birth defects kapag nasa edad na 35 nagkaanak ang isang lalaki.
Kumpara daw sa mga ama na nagkaroon ng anak sa edad na 25 hanggang 34, mas mataas daw ng 5% na magkaroon ng premature na anak ang mga ama na 35 hanggang 44. Bukod dito, lalo pang nadaragdagan ang panganib sa edad na 40, at 50.
Bukod dito, natagpuan din nila na mas mataas daw ang posibilidad na magkaroon ng gestational diabetes ang mga ina na mayroong mas matatandang mga asawa.
Bakit ito nangyayari?
Ayon kay Professor Eisenberg, ito raw ay dahil nagkakaroon ng pagbaba ng sperm quality ang mga lalaki habang tumatanda. At kapag bumaba ang sperm quality, mas nagkakaroon ng health risk ang mga sanggol.
Ibig sabihin nito, mas mainam na magsimula ng pamilya bago pa umabot sa edad na 35, upang masiguradong walang birth defects ang sanggol. Mahalaga rin ang papel ng mga lalaki sa kalusugan ni baby, kaya’t responsibilidad din nila ito, hindi lang ng mga ina.
Paano papataasin ang sperm quality?
Hindi lang sperm count ang importante pagdating sa fertility ng mga lalaki. Mahalaga rin ang sperm quality dahil may epekto ito sa kalusugan ng iyong magiging anak.
Kaya’t heto ang ilang tips upang tumaas ang iyong sperm quality:
- Mag-ehersisyo, at maglaan ng oras sa pagpapahinga.
- Iwasan ang ma-stress.
- Kumain ng masustansyang pagkain.
- Umiwas sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng droga.
- Iwasan ang pag-inom ng soy products dahil nakakadagdag ito sa estrogen sa katawan.
- Huwag mahiyang magpakonsulta sa doktor kung mayroon kang mga problema sa fertility.
Sources: Daily Mail, Medical News Today
Basahin: Paano ba mapapataas ang iyong sperm count?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!