Hindi biro maging mommy! 11 pagbabago sa katawan pagkatapos manganak

undefined

Isa-isahin natin ang mga pagbabago sa katawan matapos manganak at kung bakit ito nangyayari.

Naniniwala kaba na “Not all heroes wear capes.”? Kadalasan kasi, nasa kwarto sila at nagpapadede ng baby. May iba rin namang nasa kusina at naghahanda ng makakain o kaya nagpapaligo sa mga chikiting!

In other words, hero ang ating mga nanay! Ang pagiging ina ay hindi nagtatapos sa anim na buwan na pagdadala ng sanggol sa kanilang sinapupunan. Marami ang kanilang mararanasan isa na diyan ang mga pagbabago sa katawan matapos manganak.

Pero moms, kung kasalukuyan mong nararanasan ang mga ito, ‘wag kang mag-alala dahil normal ito at wala ka dapat na ikabahala. Parte ito ng iyong pagpapagaling at ng journey bilang isang nanay.

11 pagbabago sa katawan pagkatapos manganak

Isa-isahin natin ang mga pagbabago sa katawan matapos manganak at kung bakit ito nangyayari.

1. Paglalagas ng buhok

May ibang nanay na nagkakaroon ng magandang texture ng buhok habang nagbubuntis. Maaaring magugulat ka na lamang na ang malambot, makintab at sumusunod sa galaw mong buhok habang buntis ay bigla na lang malalagas pagkatapos manganak. Moms, ‘wag matakot. Normal lang ito.

Ang pagkalagas ng buhok ay dahil sa pagbagsak ng lebel ng estrogen. Kadalasan itong nangyayari pagkatapos manganak at tumatagal ng tatlo hanggang apat na buwan. Subalit bumabalik sa normal na estado sa loob ng anim hanggang labindalawang buwan.

pagbabago sa katawan matapos manganak

Pagbabago sa katawan matapos manganak | Image from iStock

2. Paglaki ng dibdib

Ang paglaki ng dibdib ng isang buntis at nagpapasusong ina ay normal lang. Ito ay dahil kusang gumagawa ang katawan ng gatas na kailangan ng iyong anak sa unang taon nito.

3. Lochia

Ang Lochia ay ang vaginal discharge na nararanasan pagkatapos manganak. Ang discharge na ito ay may pagkakatulad sa menstrual discharge na mayroong hindi kaaya-ayang amoy.

Mapapansin din dito ang blood clot na hindi naman kalakihan. Kadalasang lumalabas ang lochia sa umaga, kapag ikaw ay pisikal na aktibo o kaya naman nagpapasuso.

Pagkatapos ng tatlong araw ng panganganak, ang lochia ay kulay pula. Pagsapit ng apat na araw, ang vaginal discharge na ito ay kulay pink o brown na matubig.

Hanggang sa magsampung araw, ang lochia ay magiging tila kulay dilaw na. ‘Wag mag-alala dahil tuluyang mawawala ito pagsapit ng anim na buwan.

pagbabago sa katawan matapos manganak

Pagbabago sa katawan matapos manganak | Image from iStock

4. Hindi komportableng pag-ihi

Maaari ring makaranas ng discomfort habang umiihi. Karaniwan itong nangyayari sa mga bagong panganak na nanay. Ngunit ‘wag kakalimutang sabihin sa iyong doktor ang iyong kondisyon kung ang pag-ihi ay sinasamahan na ng pananakit at hirap ka nang maka-ihi.

5. Menstruation

Ang unang buwan ng iyong menstruation pagkatapos manganak ay maaaring maging irregular. Tandaan na kung ikaw ay nagpapapasuso, hindi ka pa tuluyang babalik ang iyong period hanggang dumedede pa si baby. Ngunit hindi ibig sabihin na ikaw ay hindi mabubuntis. May posibilidad pa rin na ikaw ay mabuntis sa mga buwan na ito.

6. Breast discharge

Isa rin bang problema mo ang tumatagas na gatas mula sa iyong dibdib? Moms, normal lang ito! Dahil sa mabilis at patuloy na paggawa ng gatas ng iyong katawan, hindi posibleng ito ay kusang lumabas mula sa iyong suso.

7. Pagbaba ng sex drive

Pansin mo ba ang pagkawala ng gana mong makipagtalik kay mister pagkatapos manganak? Moms, hindi ka nag-iisa. Maraming nanay ang nakakaranas din nito.

Paliwanag ni Hope Ricciotti, MD., isang associate professor ng obstetrics and gynecology sa Harvard Medical School, “You are so focused on your child and your family that you have little to no time for yourself, and that includes sex.”

Kaya naman maraming nanay ang nakakaranas ng pagbaba ng kanilang sex drive pagkatapos manganak.

pagbabago sa katawan matapos manganak

Pagbabago sa katawan matapos manganak | Image from iStock

8. Paglaki ng tiyan

Normal nang maituturing ang paglaki ng tiyan pagkatapos manganak. Sa katunayan, tumatagal ng anim hanggang walong linggo bago tuluyang bumalik sa dati ang uterus ng babae.

Kung nais ibalik agad sa dati ang katawan, maaaring kumunsulta sa doktor kung ano ang mga ehersisyo na maaaring gawin dito.

9. Dry face

Isa pang pagbabago sa katawan matapos manganak ay ang pagkakaroon ng dry face ni mommy. Ito ay dahil sa pagbabago ng hormones nila na siyang dahilan ng pagiging dry ng mukha ng bagong panganak na babae. Kung napansin ang tuluyang pagbabago ng iyong mukha, ‘wag kakalimutang magpatingin sa dermatologist.

10. Discomfort sa perineal area

Kung ikaw ay sumailalim sa episiotomy, ang perineum mo ay maaaring maging sensitibo at makakaranas ng sakit. Makakatulong ang sitz bath upang maibsan ang nararanasan. Kumuha lang ng batya, lagyan ito ng maligamgam na tubig at maaari nang upuan ang tubig dito.

11. Hirap sa pagdumi

Sa pagkakataong ito, maaaring mahirapan ka pa ring makadumi. Lalo na kung ikaw ay sumailalaim sa c-section at natatakot kang dumumi dahil sa pag-aalala na maaaring bumuka ang iyong tahi.

Uminom ng madaming tubig upang lumambot ang dumi at madaling mailabas ito.

12. Mood swings o postpartum blues

Hindi lang katawan ang dumaraan sa pagbabago pagkatapos manganak—pati na rin ang emosyon. Normal lang ang makaramdam ng lungkot, pagkapagod, o pagiging sobrang emosyonal sa mga unang araw o linggo pagkatapos manganak. Ito ay tinatawag na postpartum blues at kadalasang nawawala rin pagkalipas ng ilang linggo.

Subalit kung ang pakiramdam ng labis na kalungkutan, kawalan ng gana, at pagkalito ay tumagal ng higit sa dalawang linggo, posibleng ito ay postpartum depression, isang kondisyon na nangangailangan ng atensyong medikal. Huwag matakot humingi ng tulong sa iyong doktor o mental health professional—hindi ka nag-iisa.

Moms, normal lang ang mga pagbabagong ito

Ang pagiging ina ay isang makapangyarihang tungkulin, ngunit hindi ito madali. Ang lahat ng ito—mula sa buhok na nalalagas, hanggang sa emosyonal na ups and downs—ay bahagi ng recovery mo. At tandaan, wala kang dapat ikahiya sa nararamdaman at pinagdadaanan mo.

Kung may nararamdaman kang hindi mo na kayang i-handle o naiiba sa inaasahan, kumunsulta agad sa doktor. Ang pangangalaga sa sarili ay kasinghalaga ng pag-aalaga sa iyong anak.

Dahil sa totoo lang, all moms are heroes, at kahit walang kapa, lagi kayong may superpower: ang pagmamahal para sa inyong pamilya.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!