Discharge ng buntis: Dapat nga bang ikabahala ito?

Discharge ng buntis: Dapat nga bang ikabahala ito?

Normal na sa isang buntis ang magkaroon ng discharge sa kaniyang pregnancy journey. Ngunit bakit nga ba ito nangyayari at safe ba itong maituturing? | Lead image from Freepik

Isa sa nararanasang pregnancy norm ng ating mga buntis na nanay ay ang vaginal discharge o spotting kung tawagin. Marami ang kinakabahan kapag nakakakita ng dugo sa kanilang suot na panloob ngunit ito ay normal lang.

Ano ang discharge ng buntis?

Ang pagtaas ng amount ng vaginal discharge ay isang senyales ng pagbubuntis. Normal na ang paglabas ng puting texture sa iyong ari sa ganitong panahon. Isa sa kailangan mong bantayan ay ang kulay ng discharge na ito. Malalaman mo sa vaginal discharge sa buntis kung ito ba ay delikado o normal lang.

Narito ang mga kulay ng vaginal discharge at kung anong ibig sabihin nito:

discharge-ng-buntis

Discharge ng buntis | Image from Unsplash

1. Pink

Ang kulay pink na vaginal discharge sa pagbubuntis ay hindi normal. Ito ay kadalasang lumalabas sa unang mga araw ng iyong pagbubuntis o kaya naman sa huling mga araw bago ka manganak. Isa pang nakakabahalang paglabas nito ay maaaring senyales ng miscarriage o ectopic pregnancy.

Maaaring ito rin ay dahil sa pagtatalik habang buntis at impeksyon sa iyong ari.

2. White

Ang vaginal discharge na kulay puti ngunit tila makapal ay isang senyales ng yeast infection sa buntis. Kung ikaw ay nangangati at nahihirapan at masakit kapag umiihi o nakikipagtalik, maaaring ikaw ay may impeksyon. Magpasuri agad sa iyong doktor kung nararanasan mo ang ganito.

discharge-ng-buntis

Discharge ng buntis | Image from Unsplash

3. Yellow o Green

Isa pang kailangang bantayan sa pagbubuntis ay ang green o yellow na kulay ng vaginal discharge. Ito ay isang sintomas ng delikadong sexually transmitted infection (STI), katulad ng trichomoniasis o chlamydia.

Kung sakaling mapapansin mo na mapula o irritate ang iyong ari, ito ay maaaring sintomas din nito.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang kung mayroong STI o sexually transmitted infection ang isang buntis, ito ay maaaring mahawaan niya ang kaniyang anak na nasa loob ng tiyan. Mahalagang mapigilan ang paglala nito dahil puwedeng maapektuhan ng nasabing impeksyon ang nervous system at development ng bata. Damay rin ang infertility ng buntis na babae.

4. Milky white

Ang kulay ng discharge na ito ay normal at healthy lalo na kung hindi naman matindi ang amoy. Ngunit hindi lagi ganito ang kaso.

Kung sakaling napapansin mo na dumadami na ito at iba ang consistency, maaaring may iba nang issue ang pumapasok dito. Mga moms, magpakonsulta agad sa iyong doktor kung ito ang nararanasan dahil maaaring ito ay sintomas ng preterm labor.

5. Brown

Ito ay maituturing na early symptom ng pregnancy. Ang kulay brown na discharge ng buntis ay dahil sa lumang blood na lumalabas sa iyong katawan. Walang dapat ikabahala kung may lalabas na ganito sa’yo ngunit kung may mapansing kakaiba, ‘wag mag-atubiling kumonsulta sa iyong doktor.

discharge-ng-buntis

Discharge ng buntis | Image from Unsplash

6. Red

Agad na pumunta sa iyong doktor kung sakaling nakakaranas ng matinding pagdurugo na may kasamang clot at pananakit ng tiyan. Ito ay napakadelikado sa buntis dahil maaaring sintomas ng miscarriage o ectopic pregnancy.

Kung mararanasan mo ito sa unang trimester, maaaring ito ay dahil sa implantation o infection.

7. Gray

Ang kulay gray na vaginal discharge ay dala ng bacterial vaginosis na may malansang amoy at tumitindi kapag ikaw ay nakikipagtalik. Isa sa risk ng pagkakaroon ng bacterial vaginosis ay ang pakikipagtalik sa iba’t ibang tao dahilan ng impeksyon sa ari ng babae.

Ang vaginal discharge ay normal sa isang pagbubuntis dahil sa mabilis na pagbabago ng kanilang menstrual cycle at pagtaas ng hormone levels.

 

Source:

Healthline

BASAHIN:

Third trimester pregnancy guide: Lahat ng dapat mong malaman

Normal lang ba ang pananakit ng singit kapag buntis?

Sintomas ng buntis: 10 maagang palatandaan bago mag-pregnancy test

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner