Para sa mga inang nagbubuntis, mahalaga ang pag-inom ng prenatal vitamins. Bukod sa nakakatulong ito sa kalusugan ng mga ina, nakakatulong rin ito para makakuha ng sapat na nutrisyon ang dinadala nilang sanggol.
Nakakatulong rin ang pag-inom ng vitamins para sa mga inang nakakaranas ng morning sickness o pagsusuka. Ito ay dahil mayroong mga pagkakataon na nahihirapan silang makakain, o kaya may mga pagkain silang iniiwasan dahil sa amoy nito. Ang pag-inom ng vitamins ay nakakatulong para makuha nila ang kinakailangan nilang nutrisyon.
10 prenatal vitamins para sa mga nagbubuntis
Heto ang listahan ng 10 brand ng prenatal vitamins na nirerekomenda ng mga OB-GYN. Kumpleto sa nutrisyon ang mga vitamins na ito, at siguradong makakadagdag sa kalusugan ng mga ina.
1. Mama Bird Prenatal Multivitamin
Ang kakaiba sa Mama Bird na multivitamins ay mayroon silang methylated folate. Ito ay isang uri ng folate na mas madaling ma-absorb ng mga ina. Ito ay dahil mayroong mga ina na nahihirapan mag-absorb ng folate dahil sa pagkakaroon ng genetic condition.
Kaya kung gusto mong makasigurado sa folate absorption mo, subukan ang Mama Bird multivitamins.
2. Theranatal Complete Multivitamin & Mineral Supplement
Maraming doktor ang nagrerekomenda ng Theranatal na multivitamins para sa mga nagbubuntis. Ito ay dahil meron itong iodine at choline, na mahalaga para sa fetal growth at brain development ng mga sanggol. Karamihan ng ibang mga multivitamins ay kulang sa mga mineral na ito.
Ang downside lamang sa gamot na ito ay ito ang pinakamahal na prenatal vitamin sa listahan na ito. Pero kahit mahal ang prenatal vitamin na ito, sigurado ka naman sa nutrients na makukuha mo.
3. Ritual Prenatal Vitamins
Ang kinaganda ng vitamins na ito ay dahil wala itong calcium. Kung ikaw ay nagtataka, ito ay dahil ‘magkalaban’ ang calcium at iron pagdating sa absorption ng katawan. Ibig sabihin, kapag uminom ka ng supplements na may calcium at iron, mas mahihirapan itong i-absorb ang iyong katawan.
Nirerekomenda ng ilang mga doktor na kumuha ng iron mula sa supplements, at ng calcium mula sa pagkain. Ito ay dahil mas madaling makahanap ng pagkain na maraming calcium, kaysa sa pagkain na maraming iron.
4. Pure Encapsulations Prenatal Nutrients
Tulad ng Mama Bird multivitamins, mayroon din itong methylated folate, at vitamin B12. Isa rin itong mabuting alternatibo kung wala kayong mahanap na Mama Bird Multivitamins.
5. Thorne Basic Prenatal
Bukod sa pagkakaroon ng methylated folate at B12, ang Thorne Basic Prenatal ay mas marami ring folate kumpara sa ibang mga multivitamins. Ibig sabihin, sakto ito para sa mga inang kulang ang nakakain na green leafy vegetables.
Mayroon din itong vitamin D, calcium nitrate, at malate na kailangan na nutrients ng mga ina.
6. Garden of Life Vitamin Code Raw Prenatal
Ang ikinaganda ng prenatal vitamins na ito ay ang pagiging organic nito. Ibig sabihin, wala itong kahit anong artifial na binders o fillers na kadalasang ginagamit sa mga multivitamins.
Kaya para sa mga inang gusto ng organic na multivitamins, mainam gamitin ang vitamins na ito.
7. One A Day Women’s Prenatal Multivitamins
Ito ang pinakasikat na brand ng prenatal multivitamins na makikita mo. Wala itong gaanong espesyal na nutrients o minerals, ngunit kumpleto ito sa mga essentials, madali itong mahanap, at mura lang kumpara sa ibang mga multivitamins.
8. Nature Made Prenatal + DHA 200 mg Multivitamin
Ang kinaganda ng Nature Made Prenatal multivitamins ay mayroon itong DHA, na isang fatty acid na nakakatulong sa brain development ng mga sanggol. Kung gusto mong maging mas developed ang utak ng iyong sanggol, o kaya naman ay hirap kang makahanap ng pagkain na mayroong DHA, mainam itong solusyon.
9. Vitafusion Prenatal Gummy Vitamins
Ang mga gummy vitamins ay hindi lamang para sa mga bata! Bukod sa gumagamit ito ng magagandang ingredients, masarap din ito at sakto para sa mga inang hindi gustong umiinom ng capsule o tablet.
10. Rainbow Light Prenatal One Multivitamin
Ang Rainbow Light Prenatal One Multivitamin naman ay mayroong kamahalan, ngunit ang pinagkaiba nito ay mayroon itong probiotics at prebiotics na nakakatulong sa kalusugan ng mga ina. Mabuti ito para sa mga inang nahihirapan makahanap ng mga pagkain na maraming fiber.
Source: Women’s Health
Basahin: What pregnant women need to know about multivitamins and supplements
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!