Tatanungin kita mommy, kumusta ang iyong pagbubuntis ngayong pandemic? Hindi mo man sabihin pero maraming magulang ang nakakaranas ng parehong sitwasyon mo ngayon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagbubuntis ngayong pandemic: Saloobin ng mga ina
- Benepisyo ng pagbubuntis sa gitna ng pandemya
Dahil sa patuloy na banta sa kalusugan ng COVID-19, halos hindi na makalabas ng bahay ang mga buntis at dumalo sa kanilang check up. Gaano nga ba kahirap ang pagbubuntis ngayong pandemic?
Kumusta ang pagbubuntis mo ngayong pandemic?
“Mahirap.” ito ang pahayag ng ating TAP moms sa theAsianparent Community tungkol sa usaping ito. Ating alamin kung kumusta nga ba ang kanilang pregnancy journey kahit na ma pandemic ngayon.
“Nakakagutom lalo na ngayong pandemic. Walang work.” “Grabe ang anxiety ko ngayon compared sa 1st pregnancy.” “Stressful kaso walang maitulong pang-ipon pang hospital.” “Mahirap but kinakaya naman lalo na nasa work si hubby wala akong kasama sa check up ko at mga kailangan para sa pangaganak but still laban lang in Jesus name.” “Napakahirap kasi may endometriosis ako. May bukol sa left ovary at laging sumasakit kaya lagi lang din ako nakahiga.” “Mahirap na nakaka-bored pero it’s all worth it.” “Stress saka natatakot syempre since may pandemic and aside from the fact na you have to take care of yourself there is also a little one growing inside of you so doble ang pag-iingat.” “Stressful but hopeful. I believe that everything will be fine, in Jesus name, Amen.” “Stress financially.” “Mahirap kasi frontliner ako. Kinailangan ko talaga mag step back sa majority ng work responsibilities ko.”
Ilan lamang ito sa ibinahagi ng ating TAP moms na apektado ang pagbubuntis dahil sa pandemya.
Maraming pag-aaral na rin ang naitala tungkol sa epekto ng COVID-19 sa isang buntis na babae. Bagamat ang bawat pagbubuntis ay tinuturing na sensitibo, kabilang sa high risk ng COVID-19 ang mga buntis na babae kasama na ang mga senior citizen at kasakuluyang may medical problem.
Marami man ang negatibong dala ng COVID-19 sa mga buntis, mayroon pa rin namang positive side ito.
BASAHIN:
STUDY: Breast milk of vaccinated lactating mothers contains protective COVID-19 antibodies
Benepisyo ng pagbubuntis sa gitna ng pandemya
1. Less judgement!
Dahil halos lahat ay hindi basta-bastang nakakalabas, nabawasan ng todo ang physical interaction ng bawat isa. Isa sa magandang benepisyo ng nangyayari ngayon ay wala nang judgement na natatanggap ang buntis!
Mula sa mga kapitbahay, katrabaho o kakilala na hindi maintindihan ng lubos ang pinagdadaanan ng buntis, malaking tulong na rin ito sa kanila.
2. Hindi na kailangang gumastos sa mahal na damit
Sa paglaki ng tiyan ng buntis, kinakailangan talaga nilang bumili ng maternity clothes upang magkaroon ng komportableng damit. Ngayong nasa bahay na lamang tayo madalas, malaki ang matitipid mo dahil hindi na kailangang bumili ng madaming maternity clothes!
Maaaring gamitin ang lumang damit na maluwag, tsinelas na komportable at bestidang paborito ni mommy.
3. No more body shaming!
“Tumataba ka.” o “Ang laki na ng ilong mo.”, malamang ay narinig mo na ang mga katagang ito sa una mong pagbubuntis. Oo, hindi kailanman ito nakakatulong. Ngunit ngayong pandemic, madalas mo nang maiwasan o marinig ito dahil palagi na lamang tayong nasa loob ng bahay.
Ang pagbabago ng physical appearance kapag buntis ay normal lamang. Dahil ito sa hormones ng buntis at wala dapat ditong ikahiya.
4. Wala nang mahabang pila
Dahil kabilang sa high risk sa COVID-19 ang mga buntis, naiiwasan na nila ang mahabang pila at pag-iintay kapag bibisita sa doktor. Kadalasan, online consultation ang nangyayari o kaya naman kailangan mag-book ng check up ahead of time. May iba rin na nagpapa-home service para mas safe at convenient sa mga buntis.
Hindi mo na kailangang mag-antay ng ilang oras sa iyong monthly check up!
5. Hindi mo na kailangan itago ang tiyan
May ibang babae na pinipili munang itago ang kanilang pagbubuntis dahil sa personal na dahilan. Ngayong pandemic, hindi mo na kailangang itago mula sa ibang kaibigan o katrabaho ang iyong lumalaking tiyan. Hindi mo na kailangang magsuot ng maluwag na damit para lamang hindi mapansin ang iyong baby bump!
Ikaw ba mommy, kumusta ang iyong pagbubuntis? Hang in there, kaunting araw na lang malapit mo nang makita si baby!
Source: