12 tips para ma-boost ang iyong fertility pagsapit ng edad na 30
Tamang diet at isang healthy lifestyle, dagdag pa riyan ang madalas na pakikipagtalik sa iyong partner. Ilan lamang 'yan para ma-boost ang iyong fertility sa edad na 30. Alamin pa ang iba pang tips! | Larawan mula sa iStock
Isa sa mga kinakaharap na problema ng maraming couples ngayon ay ang tiyansa ng pagbubuntis sa edad na 30. Huwag mag-alala may mga ilang tips kami para sa inyo.
Ang pagsisimula ng isang pamilya ay madali lang sabihin. Lalo na kapag ika’y nasa iyong 30’s na at handa ka nang dagdagan ang iyong pamilya, subalit paano na lamang kung ang iyong katawan ay hindi sumusunod sa iyong plano?
Huwag mag-aalala, kahit wala ka ng magagawa sa iyong pagtanda ay may mga paraan pa rin upang ma-boost ang iyong fertility lalo na pagsapit mo ng 30’s.
Sa edad kasing ito ay totoong medyo mahihirapan kang magbuntis. Pero ang huwag kang mag-alala dahil may iba ngang nakakapagbuntis pa sa kanilang 40’s at nanganganak ng ligtas.
Ayon sa isang recent statistics, mas mataas ang fertility rate sa Singapore ng mga babaeng nasa edad na 30 hanggang 34 na taong gulang; na mayroon rate na 1.223 birth kada babae noong 2020.
Ipinakita ang 0.58 percent increase mula noong 2019. Kasama sa statistics nito ang mga citizen at permanent resident ng Singapore na nsa 92.3 fertility rate kada isang-libong mga babae.
Kaya naman bago mag-aalala patungkol sa iyong fertility o mapunta lang sa wala ang iyong eggs ay maraming paraan upang mapa-boost ang iyong fertility at tumaas ang tiyansa na ika’y mabuntis.
Mula sa pagkakaroon ng healthy lifestyle, sa pag-check ng iyong cycle, pagbawas ng pag-inom ng alcohol at pag-maintain ng iyong healthy body weight. Nilista na namin para sa inyo, kaya naman alamin ang aming mga tips para ma-boost ang iyong fertility sa iyong 30’s.
Paano ma-boost ang iyong fertility pagsapit mo ng 30 years old?
1. Bawasan ang pag-inom ng alak
Ang pag-inom ng mga alcoholic drinks ay hindi maganda sa iyong kalusugan. Hindi lamang ito para sa mga babae kundi pati na para sa mga lalaki. Kaya naman para mabilis ang pagbubuntis sa edad na 30 ay iwasan ang pag-inom ng alak.
Sa isang pag-aaral ang labis na pag-inom ng alak ay maaaring makaapekto sa sperm motility sa mga lalaki.
Dagdag pa riyan, sinasabing mas malaki ang negatibong epekto ng alak o alcohol consumption sa mga babae kabilang na ang low fertility.
Kaya naman mas magandang iwasan ang pag-inom ng alak kung gusto ninyong magbuntis. Subalit pwede niyo namang indulge ang iyong sarili sa mga healthy at non-alcoholic drinks katulad ng mocktails.
2. Panatilihin ang malusog na timbang
Ang iyong timbang ay may malaking epekto sa iyong kakahayang magbuntis.
Ayon sa mga pag-aaral ang mga babaeng overweight at may body mass index (BMI) na >35 kg/m2 ay mas nahihirapang mabuntis.
Kaya naman kung kinukunsedera mo ang IVF, ang rate ng blastocyst (pregnancy egg cell) formation ay nasa 22 hanggang 33 percent na mababa. Kaya naman panatilihin ang isang heathy body weight kung saan ang iyong BMI ay mas mababa sa 29 kg/m2.
3. Humanap ng isang fertility-boosting diet na magwo-work sa iyo at iyong partner
Ang pagkain ng healthy ay maraming benepisyo sa ating kalusugan. Kaya naman maaari kang pumili ng mga fertility-boosting food para matulungan kayo ng iyong partner na makabuo ng baby. Ang ilan sa mga pagkain na ito ay ang mga sumusunod:
- Oily na isda
- Gulay
- Bawang
- Honey
- Avocado
May mga pagkain din na dapat mong iwasan. Ang mga pagkain na ito ay ang mga pagkaing matataas ang sugar, may saturated fats at mga isang may mataas na level ng mercury. Maaari kasing bumaba ang tiyansa mong mabuntis ng mabilis dahil sa mga pagkaing ito.
4. Mag-exercise pero dapat may caution pa rin
Mag-stick sa isang non-extensive exercise kung nais mong magbuntis. Ayon kasi sa isang pag-aaral mula sa American Journal of Lifestyle Medicine ang amount ng iyong physical activity ay maaaring makaapekto sa iyong fertility.
Sinasabi rin na ang mga vigorous exercise ay maaaring magdulot ng skip ovulation o implantation failure.
Subalit tandaan may benepisyo ang exercise kaya naman mag-exercise pa rin pero iyong mga simple lamang. Katulad ng paglalakad, pagbibisikleta, swimming pero tandaan na dapat hindi sosobra.
5. Iwasan ang pag-inom ng kape
Talaga namang masarap uminom ng kape lalo na kung umaga pero sa kasamaang palad ang labis na caffeine intake ay masama sa iyong fertility rate.
Hindi lamang ito nakakapagpataas ng tiyansa ng stillbirth. Subalit ang pag-inom ng 300mg na kapae sa isang araw ay maaaring makasira sa iyong fertility ayon sa isang pag-aaral noong 2017.
6. Regular na i-track ang iyong cycle
Isa sa pinakamahalaga at rekumendado ng mga eksperto, upang ma-boost ang iyong fertility pagsapit mo ng 30’s ay ang pag-track sa iyong menstrual cycle.
Ang pagta-track sa iyong period at pag-alam kung kailan ka nag-o-ovulate ay makakatulong upang malaman ninyo ang oras at panahon kung kailan kayo pwede bumuo ng baby. Sapagkat ang iyong period cycle ay maaari mabago kapag tumuntong ka na sa edad na 30.
7. Alamin ang mga supplements na pwede sa iyo
Ang pag-alam kung ano ang best supplements at herbs na makakatulong sa iyo upang mabuntis ay isa rin sa mga susi para ika’y magbuntis.
Makakatulong ang mga supplements at herbs na mayroong magnesium at folate upang mapataaas ang tiyansa ng pagbubuntis.
Makakatulong din ito habang ika’y nagbubuntis. Dagdag pa riyan, ang fish oil intake ay makakatulong sa pagbalanse ng iyong hormones na maaaring magresulta ng isang heathy fetal development.
8. Huwag magsigarilyo
Makikita mo ang benepisyo ng pagtigil mo sa paninigarilyo sa iyong kalusugan at sa iyong pagbubuntis din. Ang paninigarilyo kasi ay nagdudulot ng miscarriage at stillbirth. Para na rin sa safe na pagbubuntis sa edad na 30.
Dagdag pa riyan, ang mga babae na naninigarilyo ay doble ang tiyansa ng infertility.
Ang pagtigil ng paggamit ng sigarilyo ay makakapag-improve ng iyong womb lining at tataas din ang tiyansa mong mabuntis.
9. Magtalik every two days
Mahirap talaga kapag hindi nakakabuo ng baby ang lalaki at babae, mahirap ito para sa kanila. Kaya naman kailangan niyong pagsikapan na dalawa upang kayo’y makabuo.
Ang pagtatalik ng regular ay makakatulong upang tumaas ang tiyansa niyong makabuo ng baby. Kapag lagi niyong sinusubukan ay mataas ang tiyansa na magka-baby kayo.
10. Sabihin sa iyong partner na lumipat sa paggamit ng boxers
Ang paggamit ng briefs ay natuklasang harmful para sa lower area ng isang lalaki. Maaari kasing magdulot ito ng overheat sa kaniyang testes ay mabawasan ang sperm production.
Sabihan siya na gumamit ng boxers kaysa brief. Sa paraang ito mas magiging komportable siya at mag-i-improve pa ang kaniyang sperm count.
11. Mag-relaks at huwag magpa-stress
Maaaring nakaka-frustrate talaga kapag nakikita mo ang isang negative pregnancy test. Pero kailangan mo itong iwasan. Sapagkat malaki ang impact ng stress sa iyong fertility rate. Ang mga babaeng nakakaranas ng stress kahit sila’y nagbubuntis ay nakitaang may mas mataas na tiyansa ng stillbirth.
Kaya naman habang sinusubukan niyong makabuo ng baby, importanteng na mag-relax at gumawa ng mga aktibidad na magpapakalma sa iyo. Maaari mo ring subukan ang yoga at meditation exercises upang mabawasan ang iyong pag-aalala.
12. Bago ang lahat, siguradihing i-discuss ang mga bagay na ito sa iyong doktor
Siyempre bago ang lahat ay ikonsulta sa iyong doktor ang patungkol sa iyong fertility.
Bago simulan ang anumang diet o makilahok sa mga pisikal na aktibidad, kausapin ang iyong doktor kung ano ang the best para sa iyo at sa iyong partner.
Kapag nakakaranas ka ng problema sa iyong fertility, siguraduhing alam ito ng iyong doktor. Upang masabi niya sa inyo ang posibleng sanhi nito at ano ang mga medical treatments upang ma-boost ang inyong fertility.
Isinalin sa Filipino ni Marhiel Garrote
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.