Ang posibleng rason kung bakit hinahayaan ng Chinese parents na dumumi ang anak nila in public

Posible raw na ang pagkakaiba sa pagtuturo ng paggamit ng banyo ang dahilan kung bakit hinayahaan ng mga Chinese ang kanilang anak na dumumi sa tabi-tabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang Facebook post tungkol sa isang batang dumudumi in public. Sa post na ito kinundena ng isang netizen ang pagdumi ng bata sa daan kaysa sa paggamit ng banyo. Sinabi pa sa post na ganun raw ang ugali ng karamihan ng mga Chinese.

Ngunit posible palang hindi ito dahil sa kapabayaan ng mga Chinese na magulang. Posibleng kaya raw ito nangyayari ay dahil sa pagkakaiba ng pagpapalaki ng mga Chinese na magulang kumpara sa Pinoy na magulang.

Kailan dapat turuan ng paggamit ng banyo ang bata?

Sa China, hindi na bago ang ganitong uri ng gawain para sa mga bata. Hindi nila ito ginagawa dahil madumi sila, o kaya makalat sila. Ang katotohanan ay mas sanay silang mag potty train ng kanilang mga anak ng hindi gumagamit ng diaper.

Para sa ating mga Pilipino, mas gugustuhin pa natin na bumili ng mga diaper o gumamit ng lampin sa ating mga anak. Ngunit sa China, pinagsusuot nila ang kanilang mga anak ng damit na mayroong butas sa bandang puwit, at dito sila dumudumi.

Kadalasan rin ay maagang tinuturuan mag potty training ng mga Chinese ang kanilang mga anak. Karaniwang 2-taong gulang pa lamang ay marunong nang gumamit ng banyo ang isang bata. Hindi katulad dito sa atin na ang mga 2-taong gulang na bata ay nakasuot pa ng diaper. 

Hindi dapat natin sila husgahan

Malaki ang posibilidad na kaya nangyari ang pagdumi ng bata sa daanan ay dahil sa ganoon ang nakasanayan nila. Baka kaya walang diaper ang magulang dahil inakala niyang hindi aabutan ng tawag ng kalikasan ang kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakadepende rin talaga sa pagkakaroon ng cultural difference ng mga Pilipino at ng mga Chinese.

Hindi rin naman kasalanan ng bata na doon na siya mismo inabutan. Siyempre, kung talagang nadudumi na ang bata, hindi naman magandang pigilan niya ito, dahil posible pa itong makasama sa kalusugan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal na rin naman sa mga bata ang mahirapan sa pag-kontrol ng kanilang pag-ihi o pagdumi. Sa mga paaralan nga dito sa Pilipinas ay pinapagdala ng toilet paper at extra underwear ang mga bata kung sakaling madumihan nila ang kanilang mga sarili.

Kaya’t sana ay hindi masyadong mabilis na maging mapanghusga ang mga magulang tungkol sa mga Chinese na magulang. Bagama’t mas mainam sana kung sa banyo dumumi ang bata, wala na rin magagawa ang magulang dahil doon sinumpong ng tawag ng kalikasan ang kaniyang anak.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Washington Post

Basahin: Potty train your child in just one week with this Chinese method

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara