Isang mahalagang tip tungkol sa paggamit ng car seats!

undefined

Sigurado ba kayong tama ang iyong paggamit ng car seat para kay baby? Alamin dito ang mahahalagang tips para makaiwas sa disgrasya.

Dito sa Pilipinas, hindi lahat ng magulang ay gumagamit ng car seat. Tutal, hindi naman lahat ng pamilya sa Pilipinas ay may sariling sasakyan. Pero hindi ito dahilan para balewalain ang wastong paraan ng paggamit ng car seat para kay baby.

Lalo na at malapit nang isabatas ang car seat bill, mahalaga para sa mga motorista na bilhan ng car seat ang kanilang mga anak, at malaman ang tamang paggamit nito.

Ating alamin ang mga common misconception at tips para laging safe si baby!

Mahahalagang tips sa paggamit ng car seat

paggamit ng car seat

Source: Flickr.com

Alam niyo ba na ang maling paggamit ng car seat ay mapanganib kay baby? Kamakailan lang ay mayroong kaso kung saan nagkaroon ng seizure ang isang 3 linggong gulang na sanggol dahil matagal siya umupo sa car seat.

Hindi rin ito madalas ibinabahaging impormasyon, kaya hindi ito alam ng lahat ng mga magulang.

Heto ang ilang mga tips upang masiguradong ligtas palagi si baby!

1. Hindi dapat paupuin nang matagal si baby sa car seat

Alam niyo ba na tig-isang oras lang ang nirerekomendang tagal ng pag-upo ni baby sa car seat? Ito ay bumababa ang oxygen levels nila habang nakaupo dito.

Bukod dito, hindi ginawa ang car seat upang gawing tulugan ni baby, kaya mas maganda kung iwasang patulugin si baby sa car seat, dahil ito ay posibleng maging mapanganib.

Kaya kung nasa mahaba kayong biyahe, mabuting magkaroon ng mga stopover kada 1-2 oras para makapag-unat si baby at hindi umupo ng matagal sa car seat.

2. Sa likod dapat ginagamit ang car seat

Ang mga car seat ay kailangang inilalagay sa likod na upuan, at hindi sa passenger seat o sa tabi ng driver. Ito ay dahil ang backseat ang pinaka ligtas na lugar kung sakaling mabangga ang iyong sasakyan.

Kaya’t ugaliing paupuin dito si baby, at huwag na huwag siyang paupuin sa harap.

3. Kapag mas bata sa 1 taon, kailangan ng rear-facing car seat

Mas ligtas ang paggamit ng mga rear-facing car seat sa mga bata na 1 taong gulang pababa ang edad.

Iwasang bumili ng car seat na pang mas matandang bata, kahit na mas matagal ninyo itong magagamit. Ito ay dahil mas mapanganib ang ganitong klaseng car seat para sa mga bata o sa mga sanggol.

4. Basahing mabuti ang instructions ng car seat

Siguraduhing inintindi ninyo at binasang mabuti ang instructions ng car seat na inyong gagamitin.

Madalas may mga kailangan pang gawing espesyal na paraan upang kumabit ang car seat ng mabuti sa upuan ng sasakyan.

Mahalaga din na mahigpit, pero di sobrang higpit ang straps ng car seat, upang safe ang iyong anak, pero komportable pa din sila.

5. Iwasang bumili ng 2nd hand o lumang car seat

Kahit mura o makakatipid sa 2nd hand na car seat, mas mabuting umiwas sa paggamit nito. Ito ay dahil hindi mo masasabi kung matibay pa nga ba o hindi ang mga 2nd hand at lumang car seat.

Posibleng nasira na pala ito dati, o kaya marupok na ang materyales na ginamit dito. Kaya mabuting bumili ng brand new na car seat para ligtas si baby.

 

Source: Motherly

Basahin: Car seat bill malapit nang maisabatas

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!