TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Car seat bill malapit nang maisabatas

3 min read
Car seat bill malapit nang maisabatas

Malapit nang maisabatas ang car seat bill sa Pilipinas. Na-aprubahan na ang panukala ng senado sa final reading nito noong Lunes.

Sa ibang bansa, requirement na nakalagay ang mga sanggol at bata sa child seat tuwing sumasakay ng sasakyan. Ngunit wala pang car seat law sa Pilipinas na nagre-require sa mga magulang na gawin ito. Kaya naman isinalang ang Senate Bill 1971 na naglalayon na maisabatas ang pag-gamit ng mga bata ng car seats.

Car seat law sa Pilipinas

Noong Oktubre 8, naaprubahan na ng senado ang pangatlo at pinal na pagbasa para magkaroon ng car seat law sa Pilipinas. Ayon sa panukala na ito, kinakailangan na naka-upo sa car seat ang mga bata mula 0 hanggang 12-taong gulang habang nakasakay sa sasakyan.

Narito ang ilan sa mga detalye ng proposed car seat law sa Pilipinas:

  • Kinakailangan na naka-upo sa car seat ang mga batang 12-anyos pababa.
  • Hindi maaaring umupo ang bata sa passenger seat sa harap ng sasakyan kung ito ay mas mababa sa 150 centimeters (4 foot and 8 inches)—ang height requirement upang maayos na magamit ang seat belt ng sasakyan.
  • Hindi maaaring iwanan ang bata sa loob ng kotse nang walang kasamang adult.
  • Ang lalabag sa batas ay kailangan magbayad ng multa na P1,000 para sa first offense at P2,000 para sa second offense. Kapag umabot ng third offense, masususpinde na ang lisensya ng driver ng sasakyan ng isang taon.

Mayroong isa pang version ng panukala na ito ang kongreso. Magkakaroon ng bicameral conference committee upang mapagkasunduan ang final na detalye ng panukalang car seat law sa Pilipinas. Matapos ma-draft ang final version ng bill, pirma na lang ni Presidente Rodrigo Duterte ang kulang para maisabatas ito.

Importansya ng car seats

Dito sa Pilipinas, tinatayang 600 na bata ang namamatay taon-taon dahil sa car accidents. Maaari sana itong maiwasan kung nakasakay sa car seat ang mga bata. Ang mga upuan kasi na mga ito ay nagsisilbing proteksyon para sa bata kung sakaling may car collision. Ina-absorb ng car seat ang impact kapag may aksidente.

Narito ang ilang mga reminders kapag gumagamit ng car seats:

  • Siguraduhing tama ang pagkakalagay ng car seat sa kotse. Ugaliing tignan ang manual ng car seat at ng kotse.
  • Kapag 2-taon pababa, dapat gumamit ng rear-facing car seat.
  • Siguraduhing secure at hindi maluwag ang straps ng car seat sa bata.
  • Siguraduhing naka-seat belt din ang nagmamaneho at ang ibang mga pasahero.
  • Huwag ilagay ang car seat sa harap na upuan.
  • May expiration din ang car seat. Dahil kalimitan gawa sa plastic, nagiging makunat din ito kaya mas mainam kung bumili ng bago kaysa ng second-hand.

Saan dapat ilagay ang car seat?

Ayon sa mga eksperto, ang pinaka-safe na lugar na dapat i-install ang car seat ay sa gitna ng pangalawang row. Dito daw kasi ang posisyon na pinaka-malayo sakaling tamaan ang sasakyan sa side nito.

Ngunit puwede lamang itong gawin kung isang car seat lang ang ilalagay, kung may isa pang anak na kailangan ng car seat, hindi na ito magkakasya kaya maaaring sa magkabilang side ilagay ang car seat. Ayon sa mga eksperto, mas mainam pa rin ito kaysa hindi nakaupo ang bata sa car seat.

Source: Rappler

Basahin:

Where should you place your baby’s carseat?

Watch out for this unexpected car seat danger

Partner Stories
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • Car seat bill malapit nang maisabatas
Share:
  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko