Mahalaga ang paggamit ng toothpaste kapag nagsisipilyo para malinis at mapatibay ang ngipin ng mga bata. Ngunit alam niyo ba na kapag sumobra pala ang toothpaste, ay posibleng maging baliktad ang epekto nito? Sa halip na makapagpatibay ng ngipin, posibleng ito pa ang maging sanhi ng pagkakaroon ng mga cavity.
Paano nakakasira ng ngipin ang sobrang paggamit ng toothpaste?
Ayon sa rekomendasyon ng CDC, o Center for Disease Control sa US, ang paggamit ng flouride toothpaste ay nakakasama raw sa ngipin. Mas prominente raw ang epekto nito para sa mga batang 6-taong gulang pababa.
Ito ay dahil kapag nalulunok ng mga bata ang flouride sa toothpaste, naaapektuhan nito ang pagtubo ng enamel sa kanilang mga ngipin. Kapag hindi maganda ang tubo ng enamel, nagiging mahina at malambot ang ngipin, at mas madali itong magkakaroon ng mga cavity.
Ang tawag sa kondisyong ito ay dental fluorosis, at ang isa sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mga puti-puting linya sa ngipin. Permanent rin ang kondisyon na ito, kaya’t mahalagang habang bata pa lang, ay makaiwas na dito.
Gaano karami ba dapat ang toothpaste?
Base sa rekomendasyon ng mga dentista, mahalagang umiwas sa paggamit ng flouride toothpaste ang mga bata na 6 pababa. At kapag sila ay nagsisipilyo, siguraduhing sinlaki lang ng green pea ang dami ng toothpaste.
Kapag nasa 8-taong gulang pataas na ang bata, safe na silang gumamit ng mga toothpaste na mayroong flouride.
Pagdating naman sa dami ng toothpaste, ganun pa rin kadami ang nirerekomenda ng mga dentista. Hindi naman kailangan na gayahin ang mga nakikita sa commercial na napakaraming toothpaste ang nakalagay sa sipilyo.
Ang mahalaga ay magsipilyo ng at least 2 beses sa isang araw, at linisin ang bawat sulok ng ngipin ng iyong anak. Bukod dito, mahalaga rin ang paggamit ng dental floss upang malinis ang gitna ng kanilang mga ngipin. Mahalaga rin ang pagpunta sa dentista, upang masilip ang kalagayan ng kaniyang ngipin.
Kapag nasanay na sa mga ganitong habits ang iyong anak, siguradong walang magiging problema sa kaniyang ngipin.
Source: Forbes
Basahin: How to trick your child to brush their teeth?