Paano kapag nag-skip ni baby sa paggapang? Ito ang sagot ng mga eksperto

Mahalagang milestone ang paggapang ni baby, kaya naman paano kapag tila delay o nag-skip siya dito. Ito ang payo ng mga experts.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakaka-excite sa tuwing maririnig ang mga babies na sabihin ang kanilang unang salita. Ganito rin kung sila ay makikitaang natututo nang gumapang.

Ibig sabihin kasi nito nagsisimula nang mag-develop ang kanilang mga buto sa katawan. Dito rin kasi magsisimula ang proseso ng kanilang paglalakad. Bakit nga ba mahalaga ang paggapang ng mga babies? Ano ang sinasabi ng study ukol dito?

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit mahalaga ang paggapang ni baby?
  • Bilang magulang, anong pwede mong gawin para matulungan si baby sa paggapang?

Bakit mahalaga ang paggapang para sa mga babies?

Kadalasang nagsisimula ang crawling o paggapang ng mga bata sa edad na 8.3 buwan. Ayon din sa mga pag-aaral 85 hanggang 96 na porsyento ng mga bata ang gumagapang gamit ang kanilang mga kamay at tuhod.

Ayon sa mga researcher, importante ang paggapang sa mga bata para malaman nila ang risk perception. Ang risk perception na ito ay makatutulong sa kanila para matukoy ang tama o mali sa mga sitwasyon.

May kaugnayan din ang paggapang para mapaunlad ng mga babies ang kanilang spatial skills, maging felxible ang memory abilities at iba pang brain functions.

Paggapang ni baby. | Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil diyan hindi maiiwasang maitanong ng mga mommies:

"Paano kung mag-skip ng crawling ang aking baby?"

Marami pa rin namang mga babies ang nag-iiskip ng crawling. Sa estimate nasa 4 hanggang 15% ng babies ang hindi gumagapang gamit ang kanilang kamay at tuhod.

Mayroong nakararanas ng "army crawl" na gamit ang kanilang tiyan, ang iba ay gumugulong at mayroon ding dumidiretso na sa paglalakad. Mas maaga raw na natututo ang mga batang nag-iiskip sa proseso ng paggapang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinabi rin ng mga ilang eksperto na ang "back to sleep movement" ay maaaring may kinalaman kaya delayed ang kanilang paggapang.

Mayroon kasing mga pag-aaral na ang batang natutulog nang nakadapa ay mas nauunang gumapang kaysa sa normal na nakahiga.

Ganunpaman, ang mga batang nakatihaya kung matulog ay nakaka-catch up sa kanilang motor development pagtuntong ng 18 na buwan. Ibig sabihin mas marami pa rin ang benefits ng pahiga kung matulong kumpara sa nakadapa.

Bilang magulang, anong pwede mong gawin para matulungan si baby sa paggapang?

Hindi naman dapat sobrang ibahala ng mga parents ang delayed na paggapang ng kanilang mga babies. Sa kabilang banda mahalaga lang na ito ay isaalang-alang pa rin dahil ito ang first type ng independent locomotion.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ring benefits ang maaaring madala nito kay baby kung kanyang matutunan sa maagang panahon. Para sa mga nagwo-worry, ito ang ilang mga tips para matulungan ang inyong mga anak sa paggapang:

Paggapang ni baby. | Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN:

9 exercises to help your baby develop good head control

How to boost baby immunity at 2 months

Caring for newborn baby: How long should your baby sleep?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 1. Tummy Time.

Para masanay ang baby sa paggapang magandang magkaroon ng "tummy time" sa tuwing inaaliw siya. Ayon sa mga pag-aaral ang mga sanggol na parating ipininupwesto sa kanilang tummies ay mas maagang natutunan ang paggapang.

Kadalasang ayaw ng mga infants ang tummy time, kaya need ng extra effort to make it fun gaya ng paggamit ng iba't ibang laro para maaliw sila dito.

2. Damitan sila ng kumportableng damit 

Napag-alaman ng mga researcher ng ang mga baby ang mas maagang natututong gumapang sa panahong ng 6 na buwan sa summer time.

Ipinapayo ng pag-aaral na ito na may impact talaga sa pagde-develop ng paggapang ni baby ang kanilang mga sinusuot. Mas magandang iwasang ipasuot sa kanila ang mga masisikip na damit kung saan hindi sila komportable at nahihirapan silang gumalaw.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Hayaan silang gumalaw

Iwasan ang mahabang oras ng mga baby sa mga exersaucers, car seats, strollers at iba pang mga devices na ganito. Nalilimitahan kasi nito ang opportunitites ng bata na ma-develop ang ang kanyang independent movement.

Nakita rin sa pag-aaral na ang mga baby walkers at may factor kung bakit nade-delay ang paggapang nila. Mas mainam na hayaan silang kumilos nang walang devices kundi ang gabay ninyo as a parents.

4. Patulugin ulit sila 

Palaging ilagay ang baby sa pahigang posisyon kung natutulog. Mas marami pa ring benefits na nakukuha ang bata sa pagtulog nito sa normal na pahiga kaysa sa nakadapa. Makatutulong pa ito sa iba pang motor milestones.

5. Magtanong sa mga eksperto

Kung napapansin na si baby ay walang senyales na gagapang siya sa edad na 12 na buwan dapat ay kumonsulta na sa mga eksperto.

Hindi na kasi normal kung ang bata ang may development delay na tulad ng pagkahuli sa panahon ng paggapang. Mas mabuting makuha ang opinyon ng mga eksperto o mga pediatrician na mga specialists pagdating sa kalagayan ng mga babies.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva