Anong epekto sa paggawa ng parents sa homework ng anak? Heto ang opinyon ng experts

Walang masama na tulungan ang anak sa paggawa ng homework, ngunit hindi raw dapat akuin ng mga parents na sagutan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung sa tingin mo nakakatulong ka sa papamagitan ng paggawa ng homework ng anak mo, need mo raw ito itigil ayon sa experts.

Mga mababasa artikulong ito:

  • Paggawa ng homework ng anak hindi raw magandang practice ayon sa experts
  • Secrets to keeping your child excel at school

Paggawa ng homework ng anak hindi raw magandang practice ayon sa experts

Hindi raw nakakatulong na tinutulungan ang anak sa kanilang homework ayon sa experts | Larawan mula sa Pexels

Back-to-school na naman which means a lot of school works. For sure niyan, maraming subjects ang kailangang intindihin ng anak mo, kung minsan pa magsasabay-sabay na magbigay ng assignments. Bilang parents, syempre hindi mo maiiwasang mag-worry rin at tulungan siya na tapusin ito. Kung minsan pa nga ikaw pa ang mas namomroblema kaysa sa kanya.

Ang say ng experts? Iwasan daw na gawin ito parati.

It’s normal na you will do your best bilang magulang para mag-excel ang bata even sa school. Magandang way ito para masimulan ang anak na maging mahusay sa buhay na maaaring madala later on sa buhay. Ayon sa mga experts, bagaman nakakapagbigay raw ito ng mga benepisyo hindi raw kabilang ang pagpapataas ng grades dito.

Nakita nila ang resultang ito sa pamamagitan ng pagkalap ng data mula sa public and private elementary schools ng researchers mula sa United States. Ang national datasets na ito ay mula sa 1997 hanggang 1998 at 2011 kung saan isinama nila ang variables ng socioeconomic status at parental education.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nalaman sa pag-aaral na walang mabuting relasyon ang tulong ng parents sa paggawa ng homework lalo na sa Mathematics at Reading. Ang labis na pag-involve daw ng magulang sa kanilang anak pagdating sa homeworkay mas nakakasira pa para sa kanya kaysa makatulong. Malaki ang epekto raw nito sa attitude ng bata sa kanyang pagkatuto.

May mga pagkakataon pa ngang para lang matapos lang ang stress pino-provide na ng parents ang answers. Ano-ano nga ba ang hindi magandang dulot nito at bakit hindi pinapayo ng mga eksperto?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paggawa ng homework ng anak hindi raw magandang practice ayon sa experts | Larawan mula sa Pexels

Hindi nai-experience ng bata ang step by step growth.

Kasama sa learning ng isang bata ang struggle para unti-unti niyang matutunan ang mga bagay-bagay. Kasama rito ang paggawa ng school works at kung paano nila ito mapi-figure out na gawin. Kung tutulungan ng parents most of the times, hindi na nila mai-experience ang kanilang step by step growth na kusa nilang matutunan habang ginagawa ang proseso.

Maaaring makaramdam ang bata ng unnecessary pressure.

Hindi naiiwasan ng parents na magkaroon ng high expectations sa anak lalo kung nangingialam sa home works. Ito iyong unconscious na nagagawa ng mga magulang na naibibigay nila sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nawawala ang independence ng bata na need niya sa pagtanda.

Dahil sa ganitong pagtulong hindi namamalayang hindi na natututunan ng bata na tumayo sa sarili niyang paa. Nasasanay kasi ang bata na umaasa sa tulong ng magulang kaya hindi na nila natutunan ang pagiging independent. Nakakapag-alala ito dahil sa kanyang pagtanda ay marami siyang skills na hindi makakayanang matutunan nang sa sarili niya.

Dagdag naman ng experts, hindi naman daw masama na tulungan ang anak sa ilang pagkakataon. Mayroong pa rin itong benepisyo na bitbit both sa kanilang dalawa kung hindi masosobrahan. Narito ang ilan sa natagpuan ng researchers mula sa United States:
  • Nagki-create ng bonding sa parents at anak sa tuwing nagkakaroon ng moment sa paggawa ng assignment.
  • Namomonitor ng parents ang bawat lessons sa subjects ng anak dahilan upang magabayan sila sa mga part na nahihirapan ang bata.
  • Nag-iimprove ang mental health ng bata dahil nararamdaman niyang love and care ng parents.
  • Mayroon ding part na maaaring magkaroon ng higher achievement ang bata dahil sa parental guidance.

Secrets to keeping your child excel at school

Secrets to keeping your child excel at school  | Larawan mula sa Pexels

Lahat naman ng magulang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Susi kasi ito upang magkakuha ng magandang trabaho at magkaroon ng magandang future. Kung nag-iisip ka ng paraan ng kung paano ito magagawa maaaring i-try ang ilan sa hakbanging ito:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Magpokus sa proseso at hindi lamang sa kinalabasan.
  • Panatilihin na magkaroon ng healthy na sleep schedule.
  • Mahalin ang iyong anak kung ano ang kayang gawin niya at huwag lamang ang nais mong gawin sa kanya.
  • I-encourage ang bata na magkaroon ng self-advocacy.
  • Huwag ikumpara ang anak sa ibang bata o kaklase niya.
  • Iwasan din na magkaroon ng overschedule na mapapagod na ang pag-iisip ng bata sa inaaral na lessons.

Sinulat ni

Ange Villanueva