Kailan ba magsisimulang gumulong si baby?

8

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagiging mas malikot na ba si baby? Narito ang mga kailangan mong malaman tungkol sa paggulong ng sanggol.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kailan nagsisimula ang paggulong ng sanggol
  • Mga dapat malaman tungkol sa pagdapa at pagroll-over ng baby
  • Paano masusuportahan ang sanggol sa mga milestones na ito

Ang paglalakad ni baby ang isa sa pinakamalaking milestones na inaabangan ng mga magulang. Ngunit bago pa mangyari yun, mauuna muna ang iba pang gross motor skills na kakailanganin ng bata na magsisimula sa pagdapa at paggulong ng sanggol, na susundan naman ng paggapang ng baby.

Kailan ba ito karaniwang nagsisimula? At paano malalaman kapag handa ni si baby na gawin ang mga ito? Ating alamin.

1. Paggulong ni baby, kailan nangyayari?

Larawan mula sa Freepik

Ang development ng mga sanggol ay dahan-dahang nangyayari. Katulad na lang ng paglalakad, magsisimula munang gumulong si baby, bago sila matutuong gumapang, umupo, tumayo, at maglakad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya’t mahalagang malaman ng mga magulang kung handa na bang gumulong si baby, dahil senyales din ito kung gaano kabilis ang kanilang development.

2. Kailan nagsisimula ang paggulong ng sanggol?

Ang karaniwang panahon kung kailan nagsisimulang gumulong si baby ay sa kanilang ika-4 o ika-5 buwan. Habang lumalaki ang iyong sanggol, mapapansin mo na pumapaling-paling siya sa gilid, ibig-sabihin nito ay naghahanda na siya para kusang dumapa at gumulong.

Pagdating ng 3 buwan, kapag pinadapa mo si baby, kaya na niyang iangat ang kaniyang ulo at balikat na sinusuportahan ng kaniyang mga braso. Ang mistulang push-up na ito ay tumutulong para lumakas ang muscles na kakailanganin ni sa paggulong.

Sa ika-4  buwan, maaring matutong dumapa o gumulong ang sanggol sa isang side lang, at kalaunan ay matututo rin siyang mag-roll over sa kaniyang kaliwa at kanan nang walang kahirap-hirap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Michiko Caruncho, isang developmental pediatrician mula sa Asian Hospital and Medical Center, magugulat na lang ang bata na kaya na nilang dumapa o mag-roll over ng kusa pagdating ng ganitong edad.

“So ang rolling over ‘yan ‘yong nakahiga tapos dadapa. It is a really important milestone so around 5 months. Gradually, lumalakas na si baby. They want to do many things for their bodies. Makikita na nila na kaya pala nila mag roll over. And you will see that around mga 5 months,” aniya.

3. Matutulungan ba ng mga magulang si baby para matutong gumulong?

Ayon muli kay Dr. Caruncho, ang tinatawag na “tummy time” o ang pagdapa kay baby ay nakakatulong upang lumakas ang kanilang katawan. Pahayag ng doktora,

“During the first few days, weeks and months, importante ang tummy time because it strengthens the baby’s neck, the muscles in the arm, shoulder. It gets the baby ready para ma-support ang weight. Nare-ready na si baby when it’s time to crawl or roll over, ganoong klase ng mga motor development.” 

Maari mo itong simulan nang paunti-unti, hanggang sa mas tumagal kapag nagugustuhan na ng sanggol na gawin ito. Nakakatulong ang paggamit ng laruan upang ma-motivate sya na dumapa.

“Siyempre start ka muna paunti-unti. Short periods of time. Pasanayin si baby. ‘Pag nag eenjoy na siya, increase mo na. What can you do is to put toys sa harap para ma-engganyo siya at hindi ma-bore,” payo ni Dr. Caruncho.

Kapag nawili na sa pagdapa si baby, maghanda na sa paggulong ng sanggol. Ayon kay Dr. Caruncho, pwede mo ring tulungan ang iyong anak para magawa ang skill na ito sa pamamagitan ng pag-agapay sa kanila habang inaaral nila ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede kang maglagay ng isang laruan sa gilid ni baby para ma-engganyo siyang gumulong sa kaniyang gilid para maabot ang laruan.

“First what you do is to put toys near the baby, get their attention. Siguro at the beginning you can support the baby, support the back and it teaches them the skills. ‘Pag nakita na nila ‘yong technique, they will do it over and over again. Medyo fun naman. You see many things,”

Larawan mula sa Pexels

Sa panahon ring ito, mahalagang bantayan ng mga magulang ang kanilang sanggol, dahil posibleng mahulog sa kama si baby kapag napabayaan. Mainam rin na bantayan sila habang natutulog, upang makasigurado silang hindi gumulong si baby at magkaroon ng anumang aksidente.

Kahit hindi pa siya gaanong magaling mag-roll over, siguruhing hahawakan mo pa rin o haharangan ng iyong kamay ang gilid ni baby upang maiwas`an na bigla siyang gumulong sa kaniyang gilid at mahulog.

Kapag marunong na ring tumaob o mag-roll over ang baby, hindi na dapat siya isina-swaddle dahil baka gumulong siya o kaya ay mahirapang makahinga dahil sa telang nakabalot sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Paggapang ni baby: Isang guide ng mga magulang para sa major milestone na ito ng isang sanggol

10 reasons why it’s important for newborns to get ample TUMMY TIME daily

#AskDok: Dapat ba akong mag-alala kung hindi pa nakakaupo nang mag-isa si baby?

4. Dapat bang mag-alala kapag hindi gumulong si baby?

Kapag hindi gumugulong si baby, hindi naman dapat mag-alala kaagad ang mga magulang. Sadyang mayroong mga sanggol na mahiyain, o kaya hindi masyadong mahilig gumalaw-galaw. Normal lang ito.

Ang mahalaga ay nakikita ninyong nagdedevelop ang kaniyang katawan, pati na ang iba pa niyang mga senses. Sa tamang panahon, matututo ring gumulong si baby, at paglaon ay matututo na rin siyang maupo, gumapang at lumakad.

Kung maagang ipinanganak ang sanggol, o premature baby siya, maari rin itong magdulot ng delay sa kaniyang pag-abot ng developmental milestones.

Maaari itong dahilan kung bakit huli ang paggulong ng sanggol. Subalit ayon kay Dr. Caruncho, hindi naman agad dapat na mag-alala dahil kadalasan ay nakakahabol naman ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“From premature babies, may adjusted age sila. In terms sa development, ‘yong adjusted or corrected age ang ginagamit natin,” aniya.

Gaya ng laging sinasabi, magkakaiba ang development ng bawat bata, kaya hindi dapat mag-alala kung medyo huli ang iyong anak kaysa sa ibang sanggol.

Paalala ni Dr. Caruncho,

“Ang child development is not really a specific age or specific month. Range talaga, may mga batang slow, may mga batang fast. Ang rolling, around 6 to 10 months. Range talaga ‘yan. ‘Yong iba mabilis, iba mabagal.”

Kung sa kaniyang ika-6 na buwan ay hindi pa rin gumugulong si baby sa kabila ng iyong pagsuporta, maari mo itong sabihin sa kaniyang pediatrician upang mabigyan ng mas masusing pagsusuri ang bata, hindi lang sa paggulong o paggapang, kundi sa iba pang developmental skills.

“Hindi lang one area ng development, dapat full . You have to make sure the delay is significant,” sabi ni Dr. Caruncho. “Tignan mo kung may risks factors ba. Premature ba, ganoon. (Kung) may mga posibleng neurologic problems. Kailangan i-evaluate. May seizure ba … Kailangan ma-root out muna lahat ng mga posibleng reasons or cause kung bakit mabagal (ang development).” dagdag ng doktora.

Larawan mula sa Pexels

Pagkatapos matutong gumulong o mag-roll over ng baby, kasunod na riyan ang iba pang gross motor skills gaya ng pag-upo at paggapang.

 “If you will notice ang development ng bata is head down. Una ‘yong neck control, they are using their arms to reach, rolling over and later sitting down,” ani ng doktora.

Kapag nakakagulong na si baby, maaaring sumunod na rito ang pag-upo, na magsisimula sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-7 buwan. Maaaring matuto na rin silang gumapang pagkatapos nito, na susundan na rin ng pagtayo at ang pinakahihintay ng mga magulang na paglakad.

Alam naming gustung-gusto mo nang makitang dumapa, gumulong, umupo at gumapang ang iyong sanggol. Subalit dapat tandaan na ba-iba ang development ng bawat bata.

Hindi natin sila dapat madaliin at sa halip ay i-enjoy lang ang bawat developmental milestone na naaabot nila. Ang mahalaga ang nakikita mong lumalakas ang katawan ni baby.

Huwag magmadali, mommy. Sa tulong ng iyong pag-aalaga at suporta, hindi magtatagal ay magagawa rin ng iyong anak ang mga ito. Kung mayroon kang katanungan tungkol sa developmental milestones ng iyong anak, huwag mahiyang kumonsulta sa kaniyang pediatrician.

Source:

Today, Help Me Grow.org, Baby Center

Written by

Jan Alwyn Batara